ISANG MAGANDANG UMAGA ang gumising sa akin. For the first time, I heard birds singing. Narinig ko rin ang tawanan ng mga batang maagang naglalaro sa park. Sinilaw ako ng kaunting liwanag ng bagong sikat na araw sa may bintana nang imulat ko ang aking mga mata. Iniunat ko ang aking mga kamay at napansin kong wala na ang pananakit ng aking katawan na iniinda ko kahapon. Dahil sa tangkang paghuli sa akin ni Major Reyes, pakiramdam ko ay parang nalamog ito. Huminga ako ng malalim at naramdaman ko ang ligamgam ng aking hininga sa ilalim ng aking ilong. Ipinikit ko ang aking mga mata sapagkat sa wakas ay nakatikim ang katawan ko ng pahinga. Walang sinusunod na hectic schedule. Walang dibdibang training. At higit sa lahat, walang manyakis na trainor.
For a moment, ini-enjoy ko sa ibabaw ng aking kama ang sarap nito at sa isang segundo ay nalimutan ko ang mga problema. Nang handa na akong bumangon ay saka ko napansing nag-iisa lang ako sa silid. Dagli akong bumangon at napaupo. Nakita ko ang nangagkalat naming mga backpack na ang iba'y hindi pa nagagalaw maliban sa mga gamit ni Aira at Irish ganun din ang gamit ni Kristine at Cheska na naiwang nakabukas pa. Nang makita ko ang mga ito ay naalala ko ang mga rebeldeng nagdala nito at biglang bumalik ang isang masamang pakiramdam sa aking katawan, ang pakiramdam ng isang bihag.
Bagama't sinabi ni Kumander Anton na malaya kaming makakagala sa kanilang komunidad ay hindi nito maalis ang pangamba sa aking isipan na anumang oras ay maaaring mawala ang aming kalayaan. Napabuntong-hininga ako nang maramdaman ito at maisip. Ngunit parang natunaw ito nang tumingin ako sa bintana at nakita si Aira at Irish na nakikipaglaro sa mga bata sa ilalim ng magandang sikat ng araw. Nakadama ako ng inggit at agad kong hinangad na lumabas at magpa-init din at lumanghap ng masarap na simoy ng umaga.
Unang bumungad sa akin ang mga puno at ang lilong nito paglabas ko sa pangatlong kwarto ng unang palapag ng gusali. Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin. I always thought na hindi maganda ang hangin sa loob ng Camp Arayat at hindi ako nagkamali. Bumalik ang dating hanging nalalanghap ko sa Camp Tecson, ang magkahalong amoy ng damo at bulaklak. Magaan ang pakiramdam kong sumilong sa isang puno kung saan umiikot ang malakas na hangin. Nakahalukipkip ko itong narating at tiningala ang mga ibong matamis na nag-aawitan sa taas. Sa di kalayuan, sa aking harapan ay ang mga naghahabulang bata at mga nangag-umpukang matatanda.
Maya-maya pa ay parang biglang nahulog ang aking puso sa biglang pagbilis ng tibok nito dahil sa takot at gulat nang biglang nakaramdam ako ng isang bagay na mabilis dumaan sa aking leeg isang pulgada lang ang layo. Naramdaman ko ang mainit na hanging dala nito at naulinigan ang ginawa nitong tunog na parang sa bubuyog. Napapikit ako saglit at napakapit sa aking dibdib nang lingunin ko sa aking likuran ang mahabang katawan ng palaso na tumusok sa puno. At nang sundan ko ang pinagmulan nito ay tumambad sa aking harapan, sa di kalayuan, ang isang lalaki. Naka-sandong puti ito at fatigue na pants at may bandana sa ulo, nagpapakitang isa ito sa mga rebelde. Tila na malikmata ako sa aking nakita dahil inakala kong si Ante ito noong una. Maliwanag ang mga mata at matangos ang ilong, katamtaman ang laki ng maskulado nitong katawan at may katangkaran ang taas nito. Napansin ko ang galit sa kanyang mukha na aking ipinagtaka at ikinatakot. Habang nakatitig dito ay hindi ko namalayang nasa tabi ko na si Kumander Anton. Binunot nito ang palaso at ibinato pabalik sa lalaki. Paglingon kong muli ay wala na ang lalaki. Tanging ang palasong ibinato ni Kumander Anton ang aking nakita. Tumusok din ito sa punong malapit sa kinatatayuan ng lalaking naglahong parang bula. Ipinagtaka ko ang mabilis na pagkawala nito. Hindi ko man lang nakita itong lumakad papalayo gayundin ang paglapit sa akin ng kumander.
"Siya si Busaw. Nag-iisang anak ng isa sa mga elders na namumuno sa kominidad na ito," bungad ni Kumander Anton nang iharap ko ang nagtataka at takot kong mukha. "Elders? Akala namin ikaw ang namumuno dito," sagot kong salubong ang kilay. "Ako ang lider ng hukbo. Pero hindi ako ang gumagawa sa mga pangunahing desisyon dito," paliwanag nitong may kunot sa kanyang noo. "Matagal ng gusto ni Busaw maging kumander ng hukbo, pero para sa kanyang ama at para sa akin, bata pa siya para sa tungkuling ito," patuloy nito. May nadama akong konting lungkot sa malagong niyang boses. "Ang ginawa niya ay nagsasabing hindi maganda ang pagsalubong niya sa inyo," dagdag niya. "I can see that, obviously. Pero paanong...." ang naputol kong sambit dahil hindi na niya ito tinapos. "Pareho kaming aswang...at parehong kakaibang bilis ang aming kapangyarihan," sagot nito habang lumakad papalayo pagkatapos ay tumango sa akin, nag-utos na ako ay sumunod. Ikinagulat ko ang kanyang sinabi at napaisip saglit. Nang makita kong papalayo na ito ay mabilis akong humabol. Lalong nadagdagan ang aking kaba dahil sa kanyang tinuran pero hindi ko ito ipinahalata. "So isa itong komunidad ng mga aswang?" usisa ko.
BINABASA MO ANG
The Immortal's Blood
Mystery / ThrillerIN A TIME WHERE ASWANG AND HUMANS LIVE TOGETHER IN WAR, AWRA, IN LOVE WITH HER ADOPTED BROTHER, WILL FOLLOW ANTE WHEREVER HE GOES. BUT HER ACTIONS WILL PUT ANTE IN DANGER WHO WENT MISSING. ALONG WITH ANTE'S FRIENDS, AWRA WILL SEARCH FOR HIM AND DISC...