"Awra!" ang malakas na sigaw galing sa aking likuran. Napalingon kaming lahat at naalis ang pagkakatitig kay Jake.
"Aira! Irish!" bulalas ko nang makita kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Hindi namin napansin ang pagdating ng military truck lulan sina Kumander Anton, Joko, Aira, Irish, at ilang mga tauhan.
"Paano n'yo kami nasundan?" pagtataka ko habang sinalubong ang magkasunod na yakap ni Aira at Irish.
"Nakita namin ang pagbagsak ng dalawang aswang mula sa ere kasunod ang inyong chopper. Sinundan namin ang usok ng mga ito," sagot ni Kumander Anton nang makalapit sa amin. Nasa tabi naman niya si Joko at napansin ko ang pagtataka sa kanyang mukha nang makita ang umusok na katawan ng dalawang halimaw.
"My God! Paano nakagawa ng ganitong halimaw si General Payton?" narinig kong bulong nito.
"You don't wanna know, really," Marco murmured looking at the winged monster.
"Kung nakita nila Anton ang usok, malamang nakita rin ito ng mga super soldier ni General Payton. We might be expecting some company," sambit ni Stella.
"Kailangan natin mag-cover sa gusaling ito at pag-isipan kung ano ang kasunod na hakbang. Sigurado akong uunahin ni General Payton ang mga inosenteng aswang sa likod ng Wall of Arrows. Kailangan nating mapigilan siya," sambit ni Baron habang iniikot ang tingin sa maliwanag na langit. Kahit na pumutok na ang umaga ay madilim pa rin sa gubat. Dahil sa taas at laki ng mga puno dito ay hindi makapasok ang kahit anong liwanag.
"May palagay akong tama ka, Baron," pagsang-ayon ni Aira. "Nakita namin ang paglipad ng libo-libong mga aswang kasabay ng sasakyan ni General Payton at Major Reyes patungong Wall of Arrows," dagdag nito.
"Hindi lang pala mga baril ang na-modify ng MCET. Maging ang mga aswang din ay nagawa nilang baguhin para dagdagan ng lakas at kapangyarihan," sambit ni Irish.
"Only a monster can create another monster!" bulalas ng Senador habang nililinis ang makapal niyang salamin.
"Kung patungo sila roon ay wala na tayong oras. Kailangan mo ng gawin ang dapat mong gawin, Jake," pahayag ni Baron.
Pagkatapos nito ay nakarinig kami ng malakas na tunog ng bakal. Pwersahan na palang binuksan ni Kumander Anton ang pintuan ng gusali at niyaya kaming mangagsipasukan.
Nang papasok na ako ay narinig ko ang parang ungol ng isang halimaw. Tila bumulong ito sa akin, tinatawag ang aking pangalan. Ante? Naisip ko.
Habang nasa harap ng pinto ay tumalikod ako at nilingon ang madilim na paligid. Iniligid ko ang aking tingin at nakita ang mga tauhan ni Kumander Anton na nagbabantay dito. Sa harap namin ay ang masukal at madilim na tanawin ng mga dikit-dikit na puno. Naramdaman ko ang mga matang nakasilip dito. Mata ng mga halimaw na nag-aabang at naghihintay ng tamang oras para umatake. Naulinigan ko ang kanilang mahinang paghinga at ang mahinang pagaspas ng kanilang higanteng pakpak. Tama si Stella. We might have some company. Biglang nakaramdam ako ng takot para sa mga tauhan ni Kumander Anton.
"Keep it close," bulong ko sa kanila. Nagdikit-dikit ang mga ito sa aking harapan habang lilinga-linga sa madilim na gubat hawak ang kanilang mahahabang baril. Habang umuurong at naghahandang pumasok sa gusali ay biglang naramdaman ko ang pagpatong ng isang mabigat na kamay sa aking balikat at ginulat ako ng isang tinig.
"Papasok ka ba o magsa-sight seeing ka pa diyan?" nagtatakang sambit ni Irish nang muling itong lumabas ng gusali para ako ay sunduin.
Pagpasok ko ay na-restore na ng mga boys ang power sa loob ng gusali dahil nagliliwanag na sa loob nito. Parang isang theater ang loob nito except na hindi mga upuan ang nasa gitna nito kundi mga hilera ng computer at sa bandang unahan nito ay may malaking screen. Nagliwanag din ito nang buksan ni Jake at nabasa ko ang biglang pag-display ng mga message dito:
BINABASA MO ANG
The Immortal's Blood
Mystery / ThrillerIN A TIME WHERE ASWANG AND HUMANS LIVE TOGETHER IN WAR, AWRA, IN LOVE WITH HER ADOPTED BROTHER, WILL FOLLOW ANTE WHEREVER HE GOES. BUT HER ACTIONS WILL PUT ANTE IN DANGER WHO WENT MISSING. ALONG WITH ANTE'S FRIENDS, AWRA WILL SEARCH FOR HIM AND DISC...