CHAPTER 14 - Mess in the Mess Hall

237 12 1
                                    

OUR LEVEL OF CONFIDENCE WENT TO THE ROOF pagkatapos ng makabagbag damdaming speech ni Aira. Not only did her commanding voice improved but her speech and sense of leadership. Sa maiksing panahon na aming pinagsamahan, I felt joy and sadness realizing that we'd changed a lot, and in an opposite direction. Maraming nag-improve sa kanya. She is moving forward. But for me everything is uncertain and doubtful. Each step I take forward leads to darkness, pain, and misery. Siya ang una kong naging kaibigan (at unang na-kaaway nang sungitan ko siya) sa Camp Arayat. She lifted everyone's spirit but after a while our appettite dwindled. Hindi namin napansin na kumagat na ang dilim at alas-7 na ng gabi. Kailangan namin makarating ng mess hall para kumain at hanapin si Major Reyes.

Maingat kaming lumabas ng tent sa takot na may makapansin sa kahihina-hinalang naming pagtitipon. We cannot risk being seen. Ngayong alam na naming may laging matang nakatingin sa amin mula sa langit, naging maingat kami sa aming bawat kilos. Kung may pakpak ang balita at may taynga ang lupa, sa Camp Arayat, may mata ang langit.

Ito ang una kong tiningnan paglabas ko sa tent kasabay si Aira at Irish. Bagama't balot ng kadiliman ay binuhay ito ng pagkislap ng mga bituin at ng liwanag ng sangkapat na buwan. Iniligid ko ang aking paningin habang nakatingala, inaasahang matutunghayan ko ang paglipad ng mother drone sa aming itaas. Maya-maya pa ay tumambad sa akin ang kumukutitap na pulang liwanag nito na mabilis na dumaan sa aming ulunan. Ako ay napasinghal at naramdaman ang mainit kong hininga. Sabay kong naramdaman ang lungkot at galit. Hindi ko maisip kung paano na ang isang taong may posisyon at tungkulin sa bayan katulad ni General Payton ay makakaisip ng ganoong napakadilim at napakasamang layunin. Sana lang ay hindi totoo ang mga hinalang binanggit ni Major Gazpar at nagkakamali kami sa aming haka-haka mula sa napanood na mga surveillance video. Naisip ko ang posibleng kalagayan ni Ante at ng bata sa loob ng main facility ng MCET at biglang akong binalot ng pag-aalala sa kung anong karumaldumal na mga bagay ang ginagawa ng MCET sa kanila. Inisip ko kung buhay pa ba sila? Walang katapusan ba silang kinukunan ng dugo para maisalin sa ibang aswang ang kanilang kapangyarihan? O pinutol nila ang pakpak ni Ante para pag-aralan? Tino-torture ba nila ang mga ito? Naramdamang kong hindi na normal ang aking iniisip nang bigla kong makita sa aking malikot na isipan ang duguang katawan ni Ante at ng bata: parehong may tali sa leeg, nakadilat ang mga mata, nakabitin at walang buhay, mabilis na dumadaloy ang dugo mula sa biyak nilang tiyan patungo sa nakangangang bunganga ng mga nakakagulong mga aswang sa kanilang paanan na nagnanasang sila ay maabot.

"Awra!" narinig kong magka-sabay na tawag ni Irish at Aira at ako'y napailing at bumalik sa katinuan. Napatingin ako sa nagtataka nilang mukha at sila'y sinundan. Napatigil pala ako sa paglakad at ako ay naiwan ilang hakbang ang layo sa akin. Naglakad akong may lungkot sa dibdib. Alam kong buhay ka pa Ante! Bulalas ko sa sarili kasabay ng isang buntong-hininga. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata at ang pamumuo ng luha sa sulok nito. Pinigilan ko itong pumatak. "Okay ka lang ba?" tanong ni Aira paglapit ko. Magaan niyang ipinatong ang isang kamay sa aking balikat sabay tigtig sa aking mga mata. Nakita ko sa mukha niya na nabasa niya ang aking iniisip. "Kung tama ang ating hinila na mino-modify ng MCET ang mga aswang para gawing mga super soldier, hindi malabong buhay pa si Ante at ang bata," sambit ni Aira habang nakatungo at tinitingnan ang kanyang nilalakaran. "At kung hindi?" tanong ko. Napatigil kaming tatlo sa paglalakad. "Then, we can only do one thing...hope," malungkot niyang sagot pagtitig sa akin. "Kailangan nating umasa, Awra. And while we are doing that, let's give hope to our stomach," masiglang sambit naman ni Irish. Naramdaman ko ang mabigat na pagbagsak ng kanyang braso sa aking balikat at bigla kong naramdaman ang pagkalam ng aking sikmura. And then Mr. Worryface left me.

"Look, nauna pa sa atin ang mga bitches!" bulalas nito sabay turo kay Kristine at Cheska papasok sa malawak na mess hall tent. "Hey! Watch your word! We can hear you!" galit na boses ni Kristine mula sa earpiece sa aming taynga. Nagkatinginan kaming tatlo. Pinamulahan ng mukha si Irish pagkatapos ay sabay-sabay kaming tahimik na nagtawanan. Bago kami lumabas ng tent, binigyan kami ni Jake ng tigi-tigisang earpiece na naka-connect sa aming phone. Na-hack niya ang isang radio website at kinuha ang frequency nito para gamiting communication line sa aming operation. Gamit ito, malalaman namin ang status ng bawat isa.

The Immortal's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon