CHAPTER 28 - The Truth and the Trap

202 12 1
                                    

"BASED ON THE SECURITY REPORTS FILES na nakuha natin sa laptop ni Major Reyes, very frequent ang breakdown ng hydropower supply nila sa dam," paliwanag ni Jake nang magkaroon ng pagdududa si Kumander Anton at Joko tungkol sa pag-shutdown ng power supply ng MCET. Dahil dito nagkaroon ng pagtatalo sa gitna ni Marco at Joko. Iniisip ng huli na maaaring mahalata ni General Payton ang aming pagpasok sa facility sakaling i-shutdown namin ang dam. Salungat naman ito sa paniniwala ng una.

"And it means...." usisa ni Kumander Anton.

"It means hindi halata na may nag-sabotage nito kung i-shutdown natin ang dam," pabulong na sagot ni Marco, iniingatang huwag marinig ni Major Reyes ang aming usapan.

Naiwan itong nakagapos sa loob ng military truck habang nasa labas naman kami at nagpupulong. Pagkatapos kasi ng isang oras na biyahe at isang kilometro na lang ang layo namin sa MCET main facility ay tumigil kami sa isang burol. Tanaw namin dito ang harapan ng gusali kung saan dumadaan ang mga lumalabas at pumasok na sasakyan sa loob nito. Inutusan ni Kumander Anton ang isa niyang tauhan na lumapit sa gusali at magmanman.  Habang naghihintay sa pagbabalik nito ay muli naming pinag-usapan ang aming plano.

Habang nakikinig sa palitan ng kuro-kuro ay nasulyapan ko ang umpukan nina Aira at Irish kasama sina Krisitine at Cheska sa tabi ng isa pang military truck. Malapit naman dito ang sasakyan nina Busaw. Natanaw ko itong naghahanda kasama ng kanyang mga tauhan. Tumango ito ng mapansin nakatingin ako.

Madaling araw na at ilang oras na lang ay sisikat na ang araw. May kalamigan ang ihip ng hangin at tahimik pa ang paligid. Nararamdaman ng balat ko kung gaano kalamig ito ngunit walang reaksyon ang aking katawan. Wala rin akong maramdamang emosyon sa mga nangyayari sa aking paligid.

I looked at their faces and wonder why they are smiling and frowning. Everything around me is alive but I felt empty inside. I looked up the stars and I just saw light and darkness. Ang naiisip ko ba ay epekto ng spell ni Stella? Is this how to be alive outside and yet dead inside?

Dahil sa lamig, mabilis naging usok ang aking hininga mula sa aking bibig at ang init nito ay nagpaalala sa akin kay Ante habang kasama ko siya sa damuhan, nakatingala, pinapanuod ang pagdaan ng bulalakaw. Naisip ko kung ano ang magiging reaksyon ko kung makikita kong muli si Ante. Tatalab pa rin kaya sa akin ang spell ni Stella? Naputol ang aking pagninilay-nilay nang marinig kong muli ang kanilang usapan.

"So it's a go?" tanong ni Joko.

"Yes. It's a go," diin ni Stella habang nakatitig sa gitna ng mga puno tinatanaw ang maliwanag at malawak na gate ng MCET facility.

"I agree," second motion naman ni Baron. "Ito lang ang paraan para ma-disable ang pinaka-mahalagang security devices ng gusali," dagdag nito.

"Kung ganun ay maghahanda na kami," sagot ni Kumander Anton. Sa puntong iyon ay bumalik ang tauhan nito. Tumatangis ito ngunit bakas sa mukha nito na may dalang itong magandang balita.

"Kumander Anton!" tawag nito habol ang hininga. "Normal lahat ang security nila. Mukhang hindi nila alam na paparating tayo. At ayon sa aking narinig sa usapan ng mga guard, nasa loob din ng gusali si General Payton at ilang araw ng hindi lumalabas," dagdag nito.

"Ito na ang tamang oras. Papasukin na natin ang MCET main facility," sambit ni Stella sa lahat. Humarap ito kay Kumander Anton at yumakap ng mahigpit. "Mag-iingat ka, Anton," paalala nito.

Nakita ko namang nagyakapan sina Cheska at Irish ganun din si Aira at Kristine. Habang nakatitig sa kanila ay di ko agad namalayan ang paglapit ni Busaw. "Alam kong wala kang nararamdaman ngayon pero sasabihin ko na rin. Mag-iingat ka," paalala nito. Tumango ako na walang reaksyon sa mukha. "Ikaw rin," sagot ko at tinanaw ang kanyang paglayo. Habang pinagmamasdan ang pag-alis nito ay bigla ko namang naramdaman ang sabay na pagyakap ni Aira at Irish. "Mag-iingat kayo," bulong ko habang magkasunod na isiniksik ang mukha sa kanilang leeg. Hindi ko pa rin maisip na wala akong naramdaman nang lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon.

The Immortal's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon