CHAPTER 6 - The Damsel in Distress

272 20 0
                                    

NAHIHIRAPAN PA RIN AKONG GUMISING ng 4:00AM ng madaling araw. It will take time for my body to adjust. Pagmulat ko, nasa ibabaw ng tiyan ko ang libro. Nakatulog na pala ako sa pag-iisip tungkol sa Immortal's Blood. Pinilit kong bumangon nang marinig kong nagbibihis na sina Aira at Irish. Pagkatapos ay pipikit-pikit na tinungo ang banyo para maghanda sa morning routine.

"Okay, Team! See you sa tuktok!" si Aira gamit ang boses na pinalagong. May improvement. Masculine enough, I think. Naunang tumakbo ang mga boys. Magkasunod naman si Aira at Irish. Tulad ng dati, huli pa rin ako sa pagtakbo. Hinintay ko munang mag-subside ang pagkahilo ko dahil sa phobia sa makikitid at masisikip na lugar. Pinakiramdaman ko ang aking sarili habang pinapanuod ang paglayo ni Aira at ng buong team.

Di nagtagal ay nagawa ko rin tumakbo. Ilang minuto lang napatigil ako sa masakit na hiwa sa aking leeg. Sumabit dito ang isang mahaba at matalas na sanga. Napahawak ako sa sugat dahil sa hapdi at nabasa ng dugo ang aking mga daliri. Pinagtakhan ko ito dahil sobrang dami ng dugo nito para sa isang maliit na hiwa. Huminga ako ng malalim at napailing. Nadagdagan na naman ang collection ko ng mga hiwa at mga gasgas. Paglaon ay naramdaman ko na ang pag-init ng aking katawan. Bumigat na ang combat shoes na suot ko at bumilis ang paghabol ko sa aking hininga. Unti-unti namuo ang sakit sa paligid ng aking binti at hita. Nababasa na ng pawis ang aking damit panloob. Half way pa bago ko marating ang sangangdaan. Ewan ko kung bakit nawala na sa isip ko si Ante. Naalala ko lang siya nang makasalubong ko sina Kristine at Cheska, tumatakbo pababa sa direksyon kung saan kami nagsimula. Nasilip kong nagngitian silang dalawa nang ako ay dumaan. Hindi pa rin nila kasama si Ante. Umiiwas na kaya ito sa dalawang babae simula ng tawagin ko siyang manyakis? Doesn't matter," bulong ko. Gusto kong panindigan ang aking desisyong kalimutan siya kaya binubura ko na sa aking isipan ang anumang bagay tungkol sa kanya.

Nag-focus ako sa matirik na daan. Ilang hakbang na lang ay sangangdaan na. Naisip kong huwag ng tumigil dahil wala na kong aabangang Ante doon. Binilasan ko ang takbo para makarating agad ng tuktok. Pagdating sa sangangdaan ay pinili ko ang madilim na lagusan kung saan nakatutok ang signboard dito na may red arrow. Ngunit ito pala ang sinasabi ni Aira na unusable na daan! Paano nangyari? Pagtataka ko habang tumatakbo nang mapansin ko ang madilim na paligid. Ngunit huli na ang lahat nang maramdaman ko ang pagdiretso ng aking mga paa sa isang hukay!

Narinig kong umalingangaw sa paligid ang sarili kong sigaw. Habang nahuhulog, mabilis na kumampay ang dalawa kong kamay sa maraming direksyon na parang nalulunod, naghahanap ng makapitan. Hanggang sa makakapit ako sa isang nakausleng malaking ugat ng puno at natigil ang aking pagdauos. Naramdaman ko ang kakaibang takot nang tingnan ko ang paligid habang nakabitin. Madilim. Malalim. Pikit mata akong yumapos sa malaking ugat, pilit na iniaangat ang aking katawan para makaahon. Ngunit kung isasampa ko ang buong katawan ko ay hindi nito kakayanin at maaaring bumigay.

I felt dread and hopelessness as I peered through the unknown darkness below. Suddenly, I knew I was going to die. Tiningnan kong muli ang ilalim ng hukay ngunit hindi ko maaninag kung gaano ito kalalim. It's too dark. All I saw was my grave. "Tulong! Tulong!" ang paulit-ulit kong sigaw, umaasang may makakarinig. Bigla kong naramdaman ang pangangalay ng aking mga braso. Hindi na nito kakayanin pa ang isang minuto. Naghanap ako ng ibang bagay na pwede kong hawakan. Sa aking kaliwa ay nakita ko ang kulay puting batong nakabaon sa lupa. Mukhang matibay ito kaysa tuyong ugat. Pinilit ko itong abutin at nang magawa ko ay ibinigay ko dito ang aking bigat. Ngunit bigla itong nabunot sa pagkakabaon. Laking gulat ko nang maaninag kung ano ang nasa aking kamay. Sa ilalim ng konting liwanag ay nakita ko ang isang ulo ng taong nagsisimula ng mabulok. Kinayod ang kalahati ng kanyang ulo at lumabas ang maputing bungo. Puno ng uod ang socket ng kanyang mga mata. Puno ng bulate ang nakanganga niyang bibig. Napasigaw ako sa takot at mabilis itong inihagis. Dahil sa aking paggalaw ay lumangitngit ang tuyong ugat ng puno na aking binibitinan at nagsimulang mabiyak sa dulo. Dumulas bahagya ang pagkakakapit ng aking kamay. Muli akong napasigaw. "Tulong! Tulong!" Lumangitngit muli ang tuyong ugat at lalong lumaki ang biyak nito sa dulo. Malapit na itong maputol. At that point, I knew I was going to fall. Then I heard a crack. My heart sank. My heartbeat stopped...but only for a moment...then I hear it...beating again.

The Immortal's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon