EVERYTHING STOPPED.
Ang hindi lang siguro ay ang malakas na pagtibok ng aking puso. My hands suddenly became sweaty and cold. Inanunsyo ng lalaki sa tabi ng mga Inkong na magsisimula na ang kasalan.
Tumahimik ang paligid na parang may dumaang anghel. Tumigil sa pagkukwentuhan ang mga matatanda. Tumigil sa paglalaro ang mga bata. Nawala ang parang huni ng mga bubuyog sa loob ng bulwagan.
Everyone is looking at me now as I stand before its entrance. Suot ko ang bagong puting traje de boda at umaasang ngayon ay hindi na ito mabubutas ng mga bala. I look up and saw the ark of flowers above me. Red and white roses alternates before my eyes.
Basa pa ng hamog ang mga dahon nito. Nagkalat sa red carpet ang kanilang mga talutot. Sila ang gagabay sa akin patungo sa altar habang sinusundan sila ng aking hakbang.
Red and white...red and white...red and white.
Mahabang pulang tela naman ang isinabit sa magkabilang tabi ng aisle. Gumawa ng maliliit na arko ang mga laylayan nito.
Red and white...red and white...red and white.
Sa bawat post ng pasilyo ay may nakapatong na bouquet of flowers. Red and white. Sa dulo nito ay may malaking arko ng puting tela na parang kulambo. Nagningning ito sa kaputian ng aking titigan. Sa loob ng arkong ito ay nakatayo ang mga Inkong suot ang makukulay nilang sutana at turban.
Tumingin ako sa aking tabi at nakita ko ang mukha ni Mr. Senator. For the first time, nakita ko siyang nakangiti. Ngumiti ako at siya ay niyakap. Inalok niya ang isang niyang kamay nang kumawala ako. Inabot ko ito.
As I took my first step on the red carpet and my foot kiss the red and white petals, a song floats into the air....
Lagi kong dinadalangin...
na sana ay huwag ipagkait...
Pag-ibig na aking pangarap...
sana ay mahanap...
sana ay mahanap.Narinig ko na siya from somewhere. So I tried to recall the title but I couldn't. Habang inisip ito ay napatingin ako sa kanan at nakita ang nakangiting mukha ni Jake sa isang sulok ng bulwagan. May headset ito sa magkabilang tainga, nakatayo sa likod ng malaking mixer. Nagtaas ito ng kamay at nag-thumbs up. Napangiti ako sa kanya na parang maluluha. God! Gusto niya akong paiyakin! Nasabi ko sa sarili. At mukhang magtatagumpay si Jake. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mata nang marinig ko ang kasunod na lyrics.
Kasalanan ba ang ibigin ka...
ialay ang buhay na nag-iisa...
hatid ng hangin ay lamig...
sa tuwing wala ka...
sa tuwing wala ka.Nakita ko ang mga nakangiting mukha ng mga Inkong, nag-aabang na marating ko ang dulo ng pasilyo. Muli akong humakbang at muling humalik ang aking mga paa sa mga talutot ng pula at puting bulaklak. Sa aking kanan at kaliwa ay nakita ko ang mga nakangiting mga bata at matatanda.
Ayoko ng itago...
damdaming maaring maglaho...
sa mga panahong walang kasiguruhan...
Pag-ibig ba sa akin ay lalapit...
Mararamdaman ba ang iyong halik...
Liligaya ba akong katulad niya...
Kung ako sa'yo ay magbabalik.Hindi ko alam kung naluha ako dahil sa lyrics ng kanta o dahil hindi ko maalala ang title nito. Naputol ang aking pag-iisip nang makita ko sa isang tabi ang masayang pagkaway nina Baron, Marco, at Major Gazpar. Nakatayo ang mga ito sa likod ng lamesang puno ng pagkain. Napangiti ako saglit dahil suot nilang muli ang chef hat ng mga Inkong. Nagpatuloy ako sa marahang paglakad, sinasabayan ang alon ng awitin sa hangin.
Naglalakbay ang aking isip...
hindi makatulog ng mahimbing...
Parang panaginip sa paggising...
naglalaho sa hangin...
naglalaho sa hangin.
Ayoko ng itago...
damdaming maaring maglaho...
sa mga panahong walang kasiguruhan...
Pag-ibig ba sa akin ay lalapit...
Mararamdaman ba ang iyong halik...
Liligaya ba akong katulad niya...
Kung ako sa'yo ay magbabalik.
Tinuruan mo ang pusong...
tumalikod sa nakaraan...
Ngayo'y handa ng akayin...
Ang pusong dating nasaktan.
Pag-ibig ba sa akin ay lalapit...
Mararamdaman ba ang iyong halik...
Liligaya ba akong katulad niya...
Kung ako sa'yo ay magbabalik...
Kung ako sa'yo ay magbabalik.Nang marating ang gitna ng pasilyo ay nakita ko sa aking kanan ang nakangiting mukha nina Lando at Sabel. Kumaway naman sa akin si Elisa at ang anak nitong si Lea. Sa kamay niya ay napansin kong hawak niya ang pendant ni Cheska. Biglang bumalik sa aking isipan ang mga pinagdaanan naming dalawa. Naalala ko nang buhusan niya ako ng tubig dahil inakala niyang inaagawan ko ng trono ang kaibigang niyang si Kristine. Naalala ko rin nang sikuhin niya ako habang hinahanap ko sa kanya si Kristine dahil inakala niyang inaagawan ko siya ng kaibigan. At naalala ko ang huling salitang binitiwan niya sa akin asking for forgiveness. And then I suddenly thought...there is nothing to forgive, Cheska. There is nothing wrong on being...a loyal friend.
Ayoko ng itago...
damdaming maaring maglaho...
sa mga panahong walang kasiguruhan...
Pag-ibig ba sa akin ay lalapit...
Mararamdaman ba ang iyong halik...
Liligaya ba akong katulad niya...
Kung ako sa'yo ay magbabalik.Nang marating namin ang dulo ng pasilyo ay nakita ko sa aking kanan ang nakangiting mukha ni Anne sa tabi ni Stella at Kumander Anton. Sabay silang kumaway at sila ay aking nginitian.
Tumigil kami sa paglakad. Maya-maya pa ay biglang may kamay na nakaumang sa aking harapan. Tiningala ko ito. Inihatid ako ni Mr. Senator kay Busaw.
"Salamat," sambit ni Busaw. "Para saan?" tanong ko. Ngumiti lang siya at tumungo. Habang hawak ang aking kamay ay inihatid niya ako sa harap ng kanyang ama, ang Inkong.
"Miss Awra," sambit ng Inkong habang itinuro kung saan ako tatayo. Nang makapunta dito ay humiwalay sa aking tabi si Busaw at bumalik sa kanyang pwesto. Biglang naghiwa-hiwalay ang mga Inkong sa likod ng ama ni Busaw at tumambad sa akin ang lalaking makakasama ko habang buhay...si Ante.
Tinuruan mo ang pusong...
tumalikod sa nakaraan...
Ngayo'y handa ng akayin...
Ang pusong dating nasaktan.
Pag-ibig ba sa akin ay lalapit...
Mararamdaman ba ang iyong halik...
Liligaya ba akong katulad niya...
Kung ako sa'yo ay magbabalik...
Kung ako sa'yo ay magbabalik.Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. At saka ko narinig ang malambing niyang tinig.
"Awra, ito ang matagal ko ng wish...ang wish ko sa bulalakaw...ang makasama ka habang buhay," bulong niya habang nakatitig sa aking mga mata. At noon ko lang naalala ang title ng kanta...Ang Pagbabalik!
"You may kiss the bride!" narinig kong sambit ng Inkong.
Hinawakan ni Ante ang aking pisngi at ako ay kanyang hinalikan. Naglapat ang aming mga labi at ako'y napapikit sa init nito. Dinala ako ng kanyang halik sa parang at nakita kong muli ang mga ibon at paru-parong nagliliparan. Nang ako ay tumingala ay nakita ko ang pagtawid ng isa bulalakaw sa kalangitan at nawala sa likod ng malaking puno sa gitna nito. Biglang naghiwalay ang aming mga labi at sabay nagmulat ang aming mga mata nang marinig namin ang sigaw ng isang bata sa labas ng bulwagan.
"Tingnan n'yo! Bilis! Umuulan at umaaraw. May kinakasal na tikbalang!"
And now for the news:
In a recent interview, Ante and Awra denied they have the Immortal's Blood. But everyone is asking: How did Ante live? Nobody knows.
General Payton found dead in his prison cell due to fatal heart attack.
Major Reyes brought to a mental hospital. He lost his sanity when he tested positive in an aswang blood test done by his own MCET personnel.
The President commended The Aswang Hunter Team for shedding the truth behind General Payton's true purpose and the rampant corruption inside the MCET Department. Among the members given Medal of Honor are Kumander Joko Villanueva ang Private Cheska Diaz. They were both given Medal of Valor too.
Although the team saved millions of innocent aswang from the Concentration Camp, some of the surviving aswang wish not to return to their former life and took the mountains vowing to take revenge against humans. The Aswang Hunters vowed to stop them if they continue to take arms.
Today, their hunt for the aswang begins.
*** THE END ***
BINABASA MO ANG
The Immortal's Blood
Mystery / ThrillerIN A TIME WHERE ASWANG AND HUMANS LIVE TOGETHER IN WAR, AWRA, IN LOVE WITH HER ADOPTED BROTHER, WILL FOLLOW ANTE WHEREVER HE GOES. BUT HER ACTIONS WILL PUT ANTE IN DANGER WHO WENT MISSING. ALONG WITH ANTE'S FRIENDS, AWRA WILL SEARCH FOR HIM AND DISC...