CHAPTER 18 - The Elders

169 10 0
                                    

HINDI KO NAIWASANG sumagi sa aking isipan ang aking mga magulang habang nakatingin ako sa nakatulalang mukha ni Stella. Habang sinusuklay ko ang kanyang buhok sa harap ng salamin, tinatanong ko ang aking sarili kung ganito rin ba ang kinahinatnan ng aking ina assuming na nawala ako at hindi nila ako ipinamigay. Kahit na sinabi sa akin ni Sister Mary ang katotohanan na may nag-iwan sa akin sa harap ng bahay-ampunan ng senador noong sanggol pa lang ako ay hindi ako naniniwalang magagawa iyon ng aking ina. Iniisip kong may kumuha sa akin at nang makitang hindi na ko kayang buhayin ay iniwan na lang ako sa bahay-ampunan. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib at napabuntong-hinga. Iniikot ko ang itim na pantaling hawak para ibuhol sa buhok ni Stella.

"Ngayong maayos na ang buhok mo, pwede na tayong magpakilala sa isa't-isa," nakangiti kong sambit habang haplos ang kanyang buhok at nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin. Wala namang reaksyon ang kanyang mukha habang nakatingin sa kawalan. Iniikot ko ang wheel chair na kanyang kinauupuan at lumuhod para magpantay ang aming tingin. "Akong nga pala si Awra. At ikaw si Stella. Nice meeting you," muli kong sambit ngunit ngayon ay mas niliwakan ko pa ang aking ngiti at itinaas ang kanyang kamay para siya ay kamayan. Naramdaman ko ang mainit at malambot niyang palad. Bumagsak ito sa kanyang kandungan na parang walang buhay nang aking bitawan. Tinitigan ko ang kanyang mukha at wala akong nakita kundi isang blankong larawan. Dahil dito, napawi ang ngiti sa aking mga labi at inisip na wala ng pag-asang makaalis kami sa lugar na ito at ang pag-asang makita pa si Ante ay parang usok na unti-unting nawawala.

Tumayo ako at pumihit papunta sa likod ng wheel chair para itulak. Binaybay namin ang malawak na silid na parang sumisisid sa ilalim ng madilim na karagatan. Naaninag ko ang mga maliliit na bagay sa paligid nito na tinatamaan ng konting liwanag. Mga pigurin, mga larawan ng masasayang nakaraan ng magkapatid, mga libro at magasin, may mga antique na mga pinggan, mga maliliit na bangang may halaman. Ngunit wala akong nakitang larawan ni Anne maging ang mga gamit nito at laruan at ito ay pinagtakhan ko. Hindi kaya itinapon ni Kumander Anton ang mga ito para alisin sa isipan ni Stella ang masakit na alaala ng anak nito? Ipinagtaka ko rin ang paalala nito na kahit anong mangyari ay huwag bubuksan ang ilaw.

Nang marating namin ang isang bintanang may nakakababang blinds ay tumigil ako sa pagtulak sa wheel chair. Nilapitan ko ito at ibinaba ang isang slab nito gamit ang isang daliri. Pinagkasya ko dito ang aking mga mata at hiniwa nito ang kadilim sa loob at pinagliwanag. Mula sa ikalimang palapag ng gusali ay nakita kong wala na sa park sina Aira at Irish. Sa halip ay nakita ko ang mga boys kasama si Major Gazpar malapit sa isang kalawanging bulldozer at harapan ng mataas na bunton ng lupa. Iniisip ko pa lang na parang balak nila itong ayusin dahil nakatiwawang lang ito ay agad kong nasulyapan ang paglapit ng isang pamilyar na mukha. Galit na dinuro ni Busaw ang mga ito kasama ang ilang rebelde. Tinutukan nila ang mga ito ng pana at baril at pilit pinalalayo sa bulldozer. Wala namang nagawa sina Baron at Major Gazpar kundi lumayo. Agad silang nawala sa aking paningin at naiwan ang galit na mukha ni Busaw. Naramdaman ko ang lungkot at takot sa aking dibdib dahil sa aking nakita.

Umalis ako sa harap ng blinds at muling nagdilim sa silid. Bumalik ako sa likod ng wheel chair at itinulak ito papunta sa kusina para maghanap ng pagkain para kay Stella. Itinigil ko ang wheel chair sa harap ng bilog na lamesa. Itinapat ko ang kanyang mukha sa kaunting liwanag sa silid at parang nag-apoy ang kanyang mga mata nang ito ay malapatan. Nang makahanap ako ng pagkain ay umupo sa tabi niya at nagsimulang ikwento ang tungkol kay Ante. Kahit na alam kong hindi niya ako naririnig sinabi ko sa kanya kung gaano ko ka mahal si Ante at kung kelan at kung paano ito nagsimula. Kinunwento ko rin ang kanyang pagkawala at ang dahilan kung bakit ako napadpad sa kanilang lugar. Sinabi ko rin sa kanya ang unti-unting panghihina ng aking loob at ang paglaho ng pag-asang makita pa siya.

"Pero alam mo, Stella, sa harap ng mga ganong pagsubok, kailangan nating umasa. Para sa mga mahal natin sa buhay...para kay Ante...para kaya Anne...we must continue to hope even there is none," malungkot kong sambit sa tulala niyang mukha.

The Immortal's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon