HINDI PA RIN MAALIS SA ISIP KO si Major Gazpar. Ikinuwento ko kay Aira at Irish ang nangyari sa classroom habang naghahapunan kami sa makeshift na lamesa sa labas ng mess hall. Malapit sa kaliwa namin, rinig ko ang tawanan nina Baron, Marco, at Jake habang naghahapunan. May ibang topic silang pinag-uusapan. Boys talk.Naisip ko.
"Talagang ganon 'yun. Creepy," natatawang paliwanag ni Aira. "Pero mabait siya compared to other instructors kahit na ganon siya," sabat ni Irish bago isubo ang kapirasong kanin sa bibig at isinunod ang ulam. Naalala ko ang lumang aklat na ibinigay sa akin ng instructor as a gift. "Ang ibig sabihin ni Irish, meron siyang stuttering problem," paglilinaw ni Aira. "Stuttering?" pagtataka ko. "Di mo ba napansin 'yun 'hizzz' sound pagkatapos ng mga sentence niya?" tanong ni Irish. "Napansin ko pero hindi ko naisip na nag-i-stutter siya," sagot ko. "Ang balita ko, nakuha niya ang stuttering nang mabihag siya ng mga kalaban noong World War 3 at tortyurin. Isa siya sa mga nasagip ng hukbo ni General Payton," dagdag ni Aira.
Suddenly I felt guilt. Biglang nagbago ang tingin ko kay Major Gazpar. From a creepy professor to a war hero. Nalungkot ako at the same time nanliit sa aking sarili. Hindi ko dapat hinuhusgahan ang tao lalo na kung hindi ko pa ito kilala. Naisip ko ang aklat na ibinigay niya. Basta ko na lang itong itinago without checking its title. Nagdecide akong basahin ito at ipaparamdam kay Major Gazpar na binabasa ko ito at pinag-aaralan. Suddenly, nawala ang guilty feeling ko.
"Hey, look," sambit ni Aira kasabay ng pagsiko sa aking balikat. Muntik ko ng mabitawan ang kutsarang hawak ko. "Sabi ko naman sa 'yo, magkaibigan lang kami ni Private Ante," sagot ko pagkatapos na mabilis sulyapan ang pagdaan nito kasama sina Kristine, Cheska, at iba pang mga taga-Drone and Tactics Unit. Ayokong ipahalata sa dalawa ang nararamdaman ko para kay Ante. Ayoko munang isipin siya ngayon. Gusto ko munang mag-focus sa training. Pero bumalik muli ang selos ko dahil sa maikling sulyap na 'yon. Gusto kong sisihin si Aira kung bakit itinuro pa niya ang pagdaan nito sa tapat namin. Pero mali pala ako. "Hindi naman si Private Ante ang itinuturo ko, Awra, si Kristine. 'Yun nakalaban mo sa sparring. Ang sama kasi ng titig sa 'yo kanina pagdaan," pagtatama nito. Pinamulahan ako ng mukha at na-stuck ang dila. Hindi ko alam kung paano ko babawiin ang sinabi ko. Nakahalata yata ang dalawa na si Ante ang iniisip ko dahil bakas sa kanilang mga mukha ang ngiting nang-iintriga. "Wala namang problema kung magkatuluyan kayong dalawa kahit na ampon ka ng kanyang ama," simula ng pang-iintriga ni Irish. I was right! Napatingin ako sa kanya. Ipinagtaka ko bakit alam niya ang personal details ko. Napansin niya ito sa mukha ko kaya agad itong nagpaliwanag. "Oo. Awra. Alam namin. Nababasa namin ang 201 file ng sinumang bagong miyembro ng unit," lahad nito.
"Tama si Irish. Walang problema kung kayong dalawa ang magkatuluyan. Magkaiba naman kayo ng dugo. At isa pa sa tingin ko, kayo talaga ang tinadhana," sabat ni Aira. Natigil sa ere ang kutsara ko na may pagkain. Hindi agad ako nakasubo. Deep inside, I like the idea. Blood rush through my veins then my body shivered. Hindi ko lang ipinahalata sa dalawa. May konting kilig nang marinig kong tinadhana kaming dalawa ni Ante.
"Bakit naman?" ang kunwaring masungit kong tanong. "Kasi hindi pa kayo mag-asawa pareho na kayo ng apelyido," sagot ni Aira. Sinabayan ito ng tawa ni Irish. "Sabi nga ng isang libro: 'Oh, pag-ibig, pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang," pagbibiro naman ni Irish na umasta pa ang isang kamay hawak ang kutsara na parang nagtatalumpati. "Saan mo naman napulot 'yan?" simangot kong tanong. Naiirita na ko sa dalawa dahil parang pinagtutulungan na nila ako. "Hello? Florante at Laura ni Francisco Balagtas? Ring a bell?" nakangiting sagot ni Irish. "O, di ba, sakto! Ante at Awra," tili naman ni Aira. At sabay silang nagtawanan kasabay ng malakas na pagsalubong ng kanilang mga palad. Nag-appear pa ang mga bruha. Inis na bulong ko sa sarili. Noong ko lang silang nakitang kumilos at nagsalita na babaeng-babae. Sa training kasi, kailangan lalaki ang aming puso at damdamin. Pero kahit nasa military training, sa tuwing makikita ko si Ante, babaeng-babae ako.
BINABASA MO ANG
The Immortal's Blood
Mystery / ThrillerIN A TIME WHERE ASWANG AND HUMANS LIVE TOGETHER IN WAR, AWRA, IN LOVE WITH HER ADOPTED BROTHER, WILL FOLLOW ANTE WHEREVER HE GOES. BUT HER ACTIONS WILL PUT ANTE IN DANGER WHO WENT MISSING. ALONG WITH ANTE'S FRIENDS, AWRA WILL SEARCH FOR HIM AND DISC...