CHAPTER 25 - Roses Are Red

179 13 1
                                    

"I WILL TAKE YOUR SILENCE AS A YES. YES?" sambit ng ama ni Busaw habang nakatitig at nakangiti sa akin. Hindi ako nagpakita ng pagsang-ayon o pagtanggi. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Ama!" sigaw naman ni Busaw kasabay ng galit nitong pagtayo. "Hindi ako papayag na mapakasal sa isang tao!" giit nito. "Tumahimik ka! Kelan pa nabago ang ating tradisyon? Bilang anak ng isang Inkong, ikakasal ka sa kung sino ang itinalaga, hindi ng iyong ama o ng sarili mo, kung hindi ng mga Inkong! Balang araw, magiging Inkong ka rin. Ang pagsunod sa ating tradisyon at batas ang dapat mong matutunan kahit labag sa 'yong kalooban. Isa pa lang ito sa mga mabibigat na desisyon na kailangang mong gawin kung gusto mong maging isang tunay na namumuno," diin ng Inkong.

Wala namang nagawa si Busaw kung hindi kimkimin ang inis sa kanyang dibdib. Nabakas ko sa kanyang mukha ang pagngingitngit ng ngipin at ang mariing pagsara ng kanyang mga panga. Naningkit naman ang mga mata nito nang mapasulyap sa akin. Ginantihan ko siya ang kaunting ngiti para idagdag sa kanyang pasakit. May naramdaman akong konting saya nang makita kong hindi nasunod ang kanyang gusto. Muling tumingin ang ama ni Busaw sa akin at walang nakitang pagtutol.

"Kung ganon, palayain na ang mga bihag! Tawagin ang mga matatanda para ayusan ang bride ni Busaw! Bilisan n'yo! Ngayon na natin gagawin ang shotgun wedding na ito!" utos ng Inkong sa lalaking laging nakatayo sa kanyang kanan. Nagkumahog ito sa kanyang pagsagot. " Masusunod mahal na Inkong!"

"Baron, Marco, Jake, at Major Gazpar, meron kayong limang oras para ipaghanda kami ng masarap na putahe para sa espesyal na okasyong ito. Simulan n'yo na. Magkita-kita tayo dito sa bulwagan mamaya," utos nito. Tumango naman ang apat at umalis dala-dala ang mga tray ng pagkain. Saglit akong naiwang nakatayo mag-isa pagkatapos ay dumating ang apat na babaeng matanda at hinila ako para dalhin sa isang silid sa unang palapag ng unang gusali. Nang marating namin ito ay agad akong pinaupo. Huwag daw akong gagalaw dahil sila na ang bahala. Maya-maya pa, habang inaayusan nila ako sa harap ng malaking salamin, ay nakita ko ang biglang pagpasok ni Aira at Irish. Sa likod naman nila ay nakita ko si Kristine at Cheska.

Nakaramdaman ako ng tuwa nang makita silang nakalaya mula sa kulungang rehas. Agad akong pumihit para salubungin sila at nang makalapit ko ay agad kaming nagyakap. Matagal at mahigpit. Naramdaman ko ang init ng kanilang palad na humaplos sa aking likod. Naramdaman ko ang basang pisngi ni Aira sa aking pisngi at ang mainit na hininga ni Irish. Pinagtama naman namin ni Kristine at Cheska ang aming mga noo habang nakapikit, pinakikiramdaman ang aming mga sarili dahil hindi pa rin kami makapaniwalang ligtas na sila sa kamatayan.

"Awra," malungkot na sambit ni Aira sa aking likuran. Nilingon ko ito at napansin ko ang paghinga niya ng malalim. "Hindi mo kailangan gawin ito," patuloy niya. "Ang alin?" ang patay-mali kong sagot sabay upo sa harap ng salamin. "Ito," sagot niya. "Hindi ko kagustuhan ito. Kagustuhan ito ng mga Inkong," diin ko. "Pero pumayag ka," sabat ni Irish. "Alam nating lahat na walang nakakapigil sa kanilang gusto," paliwanag ko. "Teka, lilinawin ko lang. Alam mong si Busaw ang pakakasalan mo di ba?" tanong ni Cheska. Napangiti ako sa harap ng salamin at sinulyapang ang matatanda sa aking tabi. Pagkatapos masigurong walang pakialam ang mga ito sa aming pinag-uusapan ay saka ako bumulong. "Hindi ako masaya dahil ikakasal ako sa kanya. Masaya ako dahil ligtas na kayo. At 'yun din ang dapat n'yong isipin. 'Wag n'yo nang isipin si Busaw. Ako ang bahala sa kanya." Nagkatinginan ang apat, nagtataka kung ano ang naglalaro sa aking isipan. Ang totoo wala akong nasa isip kung hindi ang makita silang ligtas. "Ang mabuti pa tumulong na lang kayong mag-ayos ng aking buhok at make-up," sambit ko.

"Kung ikakasal ka kay Busaw, paano si Ante?" bulong ni Kristine pagkatapos yumuko para ilapit ang mga labi sa king taynga. Natigilan ako at napaisip. Sa sobrang pagnanasa kong iligtas si Stella mula sa mga anino at sa pagnanasang kong mailigtas sina Aira sa tiyak na kamatayan ay hindi ko na naiisip ang kaligtasan ni Ante, ng bata, at ng senador. Nalimutan ko ng itanong sa aking sarili kung buhay pa sila o kung ano ang kanilang kalagayan. Pero hindi ba ito naman lahat ang dahilan ng aking mga desisyon at ang dahilan ng aking mga sakripisyo. Paliwanag ko sa aking sarili at biglang nawala ang aking agam-agam.

The Immortal's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon