"SUPER SOLDIER?! Niloloko mo ba kami?!" galit na tanong ni Baron. Hindi pa rin humuhupa ang panggigigil nito kay Major Gazpar. Pinitsaraan nito ang nakataling major habang nanlilisik ang mga mata. Pinigilan naman siya ni Aira.
Sinubukan ko pa rin tawagan ang Senador kahit na sinabihan ako ni Major Gazpar na hindi rin niya ito makontak isang linggo na ang nakakaraan. Nag-ring ng ilang beses ang telepono nito pagkatapos ay namatay.
"Hindi ko makontak ang Senador," nag-aalalang sambit ko pagharap kay Major Gazpar. Nakayuko na ito na parang may iniisip na malalim.
"Sinabi ko na sa inyo. Nawawala ang Senador at malamang na nasa MCET main facility na rin ito!" giit nito. Tinitigan ko siya. Hinahanap ang katotohanan sa kanyang mga salita. Hindi pa rin kami nakakasigurong hindi siya pakawala ni General Payton at wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mag-ama. Sinulyapan ko si Aira at Irish. Ramdam ko sa kanilang mukha na pareho kami ng iniisip.
"Paano kami nakakasigurong hindi ikaw ang nagdala sa kanila roon?" tanong ni Irish.
"Paano ko patutunayang kakampi niyo ako kung nakatali ako dito habang napapalibutan n'yo!? galit nitong sagot habang nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Baron. Gumuhit sa nangangatal niyang mga labi ang pangigigil sa kaharap. Pagkatapos ay bayolente gumalaw ito sa kagustuhan makawala sa pagkakatali.
"May nalalaman ka bang paraan para mapatunayan mo?" mahinahong tanong ni Marco habang nakaupo sa tabi nito.
Biglang natigilan sa pagwawala si Major Gazpar at saglit natulala habang nakayuko na parang may iniisip. Pagkatapos ay kalmadong nagsalita.
"Matagal na akong nagmamanman sa operasyon ng MCET. Hindi n'yo agad mapapasok ang main facility nito sa San Miguel. Kasing lawak ito ng Camp Arayat at may dalawang floor itong nakabaon sa lupa," pahayag nito.
"Underground basement?" sambit ni Aira. Tumango lang si Major Gaspar bago nagpatuloy.
"Kailangan n'yong makuha ang 3D digital imaging ng facility nito para makita ang mga daan papasok at papalabas. Makikita n'yo rin dito ang mga security details ng building at kung paano ito i-disable," dagdag nito.
"Paano mo nalaman ang mga ito?" tanong ni Aira.
"Minsan ko ng napasok ang MCET Laboratory ni Major Reyes, and director ng MCET sa kampo na 'to. At na-hack ko ang kanyang laptop nang di niya sadyang maiwanan ito. Nasa point ako na malapit ko ng madownload ang mga files nang marinig ko ang kanyang pagbalik. Agad akong umalis at nabigong kunin ang mga files," pagtatapos nito.
"Kilala ko ang sinasabi niya," sambit ni Kristine. Napatingin ang lahat sa kanya.
"Nerd, weird, and...lustful. Malagkit ang tingin niya sa akin kapag nagkikita kami sa mess hall. Siya ang laging mag-isang kumakain sa tapat ng aming lamesa. Nagnanakaw ng tingin at pasulyap-sulyap na parang may gustong ipahiwatig ngunit kahit minsan ay hindi ito lumapit sa akin para magpakilala," lahad ni Kristine.
"Sounds like a serial killer," sabat ni Marco.
"Ano ang nasa isip mo?" usisa ni Jake na nakatingin kay Kristine.
"Sa kabila ang weird niyang kilos, iisa lang ang napansin ko sa kanya."
"Ano 'yun?" ang halos sabay-sabay naming tanong.
"Hindi niya inaalis sa kanyang tabi ang kanyang laptop," sagot ni Kristine. Tumingin ito kay Jake pagkatapos ay lumapit para dahan-dahang haplusin ito sa kanyang pisngi. Napalunok naman ng laway si Jake at pinamulahan ng mukha.
"OMG," narinig kong bulong ni Marco habang hawak ang noo.
"Ahem. Can we move on with our topic please?" sambit naman ni Aira. Tumingin dito si Kristine at nagpatuloy.
BINABASA MO ANG
The Immortal's Blood
Mystery / ThrillerIN A TIME WHERE ASWANG AND HUMANS LIVE TOGETHER IN WAR, AWRA, IN LOVE WITH HER ADOPTED BROTHER, WILL FOLLOW ANTE WHEREVER HE GOES. BUT HER ACTIONS WILL PUT ANTE IN DANGER WHO WENT MISSING. ALONG WITH ANTE'S FRIENDS, AWRA WILL SEARCH FOR HIM AND DISC...