CHAPTER 26 - Really do

297 14 0
                                    

Xam's POV

Nagsasayaw sila Kaizer at Axel samantalang babagsak bagsak na ang mga mata nila Isla, Jade at Jeryl. Si Dash ay nagpa-alam naman na uuwi na, halos naubos ang oras niya sa pagkukwento kay Jeyden about sa outer space. Retired Astronaut kasi ang daddy ni Dash.

Buti nalang kahit may tama ay hindi ako nalasing ng sobra dahil kung sakali ay hindi ko alam kung saan kami pupulutin.

"Where are you going?" Hinawakan ni Jeydiel ang kamay ko nang tumayo ako.

"I'll go assist them." Pagtukoy ko kina Jade.

"Come back." Mahina niyang usal.

"Tss." Ani ko ng may nanunuyang tingin.

Tinalikuran ko siya para alalayan si Jade papuntang kwarto sa guest room. Dito ko muna sila patutuluyin. Tinulungan kong magbihis si Jade at ganon din si Isla. Si Jeryl naman ay hinintay ko lang tuluyang magbihis bago ko pinatulog sa sofa ng guest room.

"Matulog na kayo." Nakapamewang kong utos kanila Shawn.

Nagbungisngisan lang ang mga loko. They're creepy.

"Uwi na ko ingat kayo." Tumayo si Kaizer habang tutumba tumbang kinakapa ang susi sa kaniyang bulsa.

"Ako rin. Bye Xam sweetdreams." Giit pa ni Axel.

Malakas na angal ang pinakawalan nila nang pingutin ko ang kanilang tainga.

Inis ko silang hinarap. "Konsesya ko pa kapag may nangyaring masama sa inyo! Look, halos hindi na nga kayo makamulat ng maasyos." Asik ko.

Narinig ko pa ang bungisngis ni Shawn.

"Calm down lang Xam ang highblood mo agad bagay talaga kayo ni Jeydee." Nginiwian ko si Kaizer. Hinila niya pa si Shawn. "Tara na Shawn tulog na tayo."

"Saan kami matutulog?" Bigla ay tanong ni Axel napa-isip naman ako.

"In my room." Si Jeydiel ang sumagot.

"Okay." Tango ni Shawn.

"Need help?" Tanong ko sa kanila at akma ko na silang aalalayan nang umiwas si Axel.

"Kaya na namin Xam. Ayaw pa naming mamatay." Tumatawang giit niya

Hindi na ako nakaangal dahil humahapay silang naglakad papasok sa bahay.

For pete's sake! Can't believe na magiging care taker ako ng mga lasing.

Huminga ako palabas bago lumapit kay Jeydiel. Nakatungo siya sa table. Nilingon ko ang tumutugtog na speaker, naisipan kong patayin na ito.

"Can we dance?" Napatigil ako nang magsalita si Jeydiel.

Sininghalan ko siya. "Hindi ka na nga makatayo magsasayaw ka pa." Mataray kong asik.

"Just dance with me." Nakikiusap ang tono niya nang tumayo.

Parang nanigas ang buong binti ko nang dahan-dahan na siyang lumapit sa akin ng may namumungay na mata at basang mga labi.

I think I'm no longer the elusive Xamira. I mean, I always end up dumbfounded and speechless. I can't even make a move sa bawat bagay na ginagawa niya.

Hindi ko magawang tumakas. Pakiramdam ko ay sang-ayon ang buo kong sistema sa mga gagawin at ginagawa niya. Bagay na ipinagtataka ko at hindi ko maintindihan.

My mind is full of disagreement, but not the thing inside this chest continuously pounding.

The next thing happened is that I can feel his hand snaking around my waist. Mahigpit ang pagkakayapos niya sa mga baywang ko. Nakatungo lang ako at hindi malaman ang dapat kong gawin. I admit that I'm badly nervous right now. Ngayon lang may nag-ayang magsayaw sa akin ng hindi ko man lang magawang i-reject.

Accidentally In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon