[AN: First of all I want to say thank you sa lahat ng mga nagbabasa ng story na ito at sa mga votes niyo and for continuously adding my stories to your reading list. I really appreciate you guys! Grabe ang saya ko kasi kahit underrated itong story ko, naglalaan pa rin kayo ng time para basahin. Love lots guys! Always take care and Godbless~ Sana rin po i-follow niyo ko hehe! Ako lang to si Natoy na mahal na mahal ka! Lol.]
Xam's POV
Love and pain seeming like a twins. Why they’re always together? Kung pagka-gusto lang ang nararamdaman ko para sa kaniya. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Kaya nakakatakot magmahal minsan, dahil alam mong hindi talaga maiiwasan ang masaktan. Pero kapag hindi ka masasaktan, hindi mo matututunang magmahal. Hindi mo rin mararamdaman kung gaano kasarap ang pagmamahal sa pakiramdam.
Baliktad rin nga talaga ang mundo. Kapag gusto ka ng isang tao, ayaw mo. Ngayong gusto mo na siya, siya naman ang may ayaw sa iyo.
Pakiramdam ko ang malas ko. Hindi naman iyon ang intensyon ko. Hindi ko intensyon na umabot kami sa ganitong sitwasyon.
Nakaupo pa rin ako sa labas ng storage room. Pakiramdam ko wala na akong ganang maglakad pa. Ang hirap palang talikuran ng taong gusto mo.
Gusto kong sapukin ang sarili dahil ito rin naman ang pinaramdam ko sa kaniya kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang magtiis.
"Alam mo girl, nako bakla ka! Nang nawala ka gawa ni Savia? Aba! Iba ang galit ni pogi akala mo leon na nakawala sa gubat kahit mga security guard ng school walang palag sa kaniya. Para siyang bulkang sasabog na. Pero kahit ganoong namumula sa galit si pogi kinikilig ako kasi oh my gulay sobrang nag-aalala siya sa 'yo!"
Naalala ko na naman ang kwento sa akin ni Jeryl matapos ng nangyari. Hindi ko mapigilang makonsensya lalo sa ginawa ko. Nag sorry na naman ako e, pero ang hirap niyang ayuhin.
Huminga ako ng malalim bago ko muling tinawagan ang numero niya.
Sa sandaling sabihan niya muli sa aking hindi na niya ako gusto sa pangalawang pagkakataon ay ito na ang tamang oras para pigilan ko ang nararamdaman ko para sa kaniya. I won't let it to grow more. Because the more the feelings grow the more it hurts.
Gaya kanina ay sinagot niya rin agad ang tawag ko. Ngayon ay may idea na siya kung sino ako. "Gusto mo pa rin ba ako?" Walang pigil kong tanong.
Once he answers my question, it’s time for me to let him go. I want his answer again. I want to hear his voice saying he no longer like me. Even if it hurts a lot, his twice, last, yet final answer will make me feel contented.
"What?" Pagbabalik niyang tanong sa kabilang linya.
"Mahal mo pa rin ba ako? Gaya nang sinabi mo sa akin dati?"
"Ano bang sinasabi mo?"
"Oo o hindi lang ang sagot."
"Do I really need to answer you? Alam kong alam mo na ang sagot." Pinipigilan kong wag tumuloy ang pag-init ng mga mata ko.
"But I want to hear it from you."
Narinig ko pa ang matunog niyang buntong hininga. "What will happen if I answer you?"
"I don't know either. It depends on your answer." Desidido kong sambit. Hinahanda ang sarili sa anomang posibleng isasagot niya.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.