Xam's POV
Wala akong ideya sa mga taong nasa harapan ko ngayon. Panay ang tanong ko sa sarili kung tauhan ba sila ni bigboss. Sa tingin ko naman ay hindi dahil ibang-iba sila sila sa mga dumukot sa akin noon. Mula sa kasuotan pati na rin sa kilos.
Ano na naman kaya ang kailangan nila sa akin?
Kagigising ko lang matapos ang malakas na humataw sa akin. Masama ang tingin kong nilibot ang paligid. Pakiwari ko ay nasa lumang eskwelahan ako. Ginawang tambakan ng mga sirang upuan at iba pang gamit ang loob nito.
Napapalibutan rin ng makapal na alikabok ang upuang pinagtatalian ko. Puro agiw ang kapaligiran habang madilim naman ang paligid nang tumingin ako sa labas.
Matalim kong sinulyapan ang mga lalaking kasalukuyan ay nasa harapan ko. Nakatayo ang dalawa sa kanila habang nakaupo naman iyong tatlo. Hindi ko na pinilit magkumawala mula sa tali dahil pakiramdam ko palang ay napakahigpit nito.
Nakangising lumapit sa akin ang isa sa kanila para alisin ang busal ko sa bibig.
“Ano ba ang kailangan niyo?" Seryoso kong tinapunan ng tingin ang lalaking nagtagal ng busal sa aking bibig.
"Hindi kami ang may kailangan sa 'yo." Kibit balikat niya.
Ngumisi ako ng nakakaloko. "Sino naman?" Isa-isa ko silang nilingon. "Talagang umarkila pa siya ng tao. Pathetic coward." Asik ko.
Natawa ang isa sa kanila. "Wag kang mag-aalala, nandito na siya." Nakarinig pa ako ng usapan sa bandang labas ng lumang silid na ito.
Pakiramdam ko tumaas ang lahat ng dugo ko sa ulo nang tuluyang iniluwa ng pinto ang kadarating lang na babae. Sa kabila ng lahat ay pinilit ko pa ring maging kalmado. Kailangan siya ang mas maasar at hindi ako.
"Oh my God! What a poor bitch." Bungad niya sa akin. Nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha ko. "How do you feel? Did they hurt you?" Nakangisi na siya habang sarkastikang nakapamewang sa harapan ko.
Pasiring akong umirap.
"P’wede ba Savia itigil mo na ito." Puno ako ng pagtitimpi dahil kapag naabot ko ang mukha niya at tuluyang naubos ang pasensya ko sisiguraduhin kong pagsisihan niyang nakilala niya ako.
"Sure but in one condition." Nakangisi niyang anas bago inilahad sa akin ang envelope galing sa lalaking uto-uto niya.
"Sign this. It's have been approved by one of the most excellent and influential lawyer. " Halos matawa ako nang makitang divorce paper iyon.
"For real? That's how desperate you are?" Sarkastika kong tanong. Parang hindi na siya babae kung umasta.
"Call me desperate if you want. But I just fell in love with him so much that I can kill those hindrances between us. Kaya kung ayaw mo pang mamatay, tigilan mo na siya." Mataray niyang paliwanag habang nilalaro pa ang dulo ng kaniyang buhok.
"Kilala mo ba kung sino ang pinagbabantaan mo?" Ngising tanong ko.
Bigla ay hinaltak niya ang buhok ko. "Stop being too arrogant. Who do you think you are, huh?" Pabato niyang binitawan ang buhok ko matapos ay hinugot ang baril mula sa bulsa ng lalaki. "Sign this or you'll die." Desperada na talaga niyang anas.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.