CHAPTER 36 - Surprised

802 34 18
                                    

Xam's POV


Nakangiti kong pinagmamasdan ang mukha ni Jeydiel habang mahimbing siyang natutulog. Marahan kong hinaplos ang kaniyang kilay gamit ang aking hintuturo pababa sa tungki ng kaniyang ilong hanggang makarating sa palibot ng kaniyang mga labi.

Natigil ako sa ginagawa nang tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong dinampot para 'wag ng makagawa pa ng ingay.

Pagkalabas ko ng kwarto ay sinagot ko ito. Nanatiling kunot ang aking noo marahil ay unknown number ang caller.

"Hello?" Usal ko sa kabilang linya.

"Xam! 'Wag kang pupunta dito mapapahamak ka! Wag kang makikinig sa kaniya!" Halos mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang sandaling malakas na boses ni Jade ang sumalubong sa akin.

Kagat labi akong nagpabalik-balik ng hakbang habang matindi ang pagkakasapo sa noo.

"Ano 'to, Jade? Ano 'to? Asan ka?" Natataranta kong asik, hindi ko na rin napigilan ang pagtaas ng aking boses.

Mas lalong tumindi ang pag-aalala ko nang nakakalokong bungisngis ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya.

Sa sandaling ito ay malakas ang kutob kong nasa panganib ang aking kaibigan.

"Sino ka? Anong kailangan mo kay Jade?" Nagtiim ang bagang kong tanong.

Kung sino man ang may hawak ng linya ay batid kong nakangisi ito. "Hindi siya ang kailangan ko kundi ikaw."

Bigla ay para yatang kukulo ang dugo ko. "Sira pala ulo mo e, bakit hindi ako ang harapin mo?" Nanggigigil at sarkastika kong asik.

"Hep! hep! hep! Kumalma ka lang!" Hindi ito matapos sa paghalakhak ng nakakainsulto. "Wala namang mangyayaring masama sa kaibigan mo kung pumunta ka dito ng maayos at siyempre nag-iisa."

"Sabihin mo? Sino ka ba?" Nagliliyab ang mga mata ko sa inis. Wala na ba talagang katapusan ito.

"Wag ka ng maraming tanong pa. Bilisan mo, mainipin akong tao. Paglabas mo sa bahay mo ay may nakaabang sa iyong sasakyan sa may kanto. Sumakay ka doon." Narinig ko pa ang pag-ingit ni Jade kasabay ang pagkuyom ng mga kamao ko.

"Wag kang magkakamaling gumawa ng kahit anong bagay na hindi ko magugustuhan kung nais mo pang mabuhay ang pinakamamahal mong kaibigan. Siguraduhin mong hindi ito malalaman ni Jeydiel Cruise." Bigla rin ay pinatay na niya ang kabilang linya.

Halos mapamura ako.

Quickly, I wore my black shirt and black jeans. I make sure it was fit and stretchable enough for an expectable combat. Terno rin niyon ay ang black leather jacket at malamang na itim ding sapatos. Somehow dark colors are my source of a well fighting skills.

Pinag-ingat kong huwag magising si Jeydiel. Maiigi nalang at malalim ang tulog niya dahil kung sakali ay mahihirapan akong sumibat.

Sa bawat paghakbang ng mga paa ko ay siyang bugso ng pag-aalala ko para Jade. She doesn't know about this.

To my kind of messy life.

Gaya ng sinabi noong tumawag sa akin, nang tuluyan akong nakalabas sa gate ay unang nadaaan ng paningin ko ang itim na sasakyan sa kanto.

Accidentally In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon