CHAPTER 30 - I'm sorry

836 43 9
                                    

Xam's POV

ISANG LINGGO ang nakalipas nang huli kong nakausap si Jeydiel. Simula noong komprontasyon namin ay hindi na niya ako kinausap pa. Sila manang na ang gumagawa ng pagluluto na lagi niyang ginagawa para sa akin. Hindi gaya ng dati ay halos araw-araw sila manang na narito sa bahay. Nasisiguro kong si Jeydiel ang may gawa niyon. Bihira nalang kami magkita. Hindi na rin kami sabay kung kumain. Lagi siyang nauuna maging sa pagpasok sa university.

Minsan naman ay hindi na siya dito natutulog kapag gabi. Di kaya’y hating gabi na siya uuwi.

In short, iniiwasan niya ako.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ito naman ang gusto ko hindi ba? Gusto kong tumigil na siya pero iba e. Para bang may kulang.

May mga oras na gusto ko siyang kausapin pero nahihiya ako. Masyado akong ma-pride. Hindi ako first mover na tao. Sinabi ko lang naman na tumigil na siya dahil galit ako ng mga oras na iyon.

Paano nalang kung may nangyaring masama sa kaniya? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Ilang beses na siyang umamin sa akin na gusto niya ako. Oo alam ko namang seryoso at sinsero siya sa mga iyon pero bakit ang dali nalang para sa kanyang hindi ako pansinin ngayon?

Walang gana akong naglalakad sa likod ng isang building dito sa university kung saan lagi akong pumupunta kapag mag-isa ako. Wala kasi si Jade, sumali siya sa Business Debate. Wala ako sa mood kaya hindi ako sumali. Alam ko na kanina pa may nakasunod sa akin.

Hindi na ako nag-abala pa para lingunin sila.

Naupo ako sa ilalim ng malaking puno. Ang sarap sa pakiramdam ng sariwang simoy ng hanging patuloy ngunit marahang tumatama sa aking mukha.

Napangiwi ako maya-maya. "Wag na kayong magtago, anong ginagawa niyo rito?" Bigla ay naglitawan sila Kaizer, Axel at Shawn. Nagtutulakan sila palapit sa akin.

Naunang lumapit si Shawn at naupo sa tapat ko. Kasunod niya ay sila Kaizer at Axel.

"Bakit kayo nandito?" Pag-uulit ko sa tanong.

Tumikhim si Axel. "Kasi Xam may itatanong lang sana kami."

Nagsalubong ang kilay ko. "Ano ‘yon?"

"Ano bang problema ninyo ni Jeydee?" Tanong ni Axel. "Konti nalang iisipin naming pipi siya. Hangga't hindi siya kakausapin ay hindi siya magsasalita."

Napaiwas ako ng tingin. “Aba malay ko ba ro’n sa lalaking 'yon."

Napalingon ako kay Kaizer nang magsalita siya.

"Kung may nagawa siya sa 'yo pagpasensyahan mo nalang siya kasi lalaki ang kulugong iyon pero attitude."

Parang gusto kong matawa sa narinig kahit pa pansin ko naman iyon. Subalit agad din akong napabuntong hininga.

"Pero Xam kahit na attitude ‘yon, gusto ka niya talaga." Napatitig ako kay Kaizer. Parang may kung anong humaplos sa puso ko.

"Mahirap paniwalaan pero gusto ka niya talaga. Hindi lang halatado pero ang dami niyang pinagbago simula ng nakilala ka niya." Sinserong usal ni Kaizer.

Accidentally In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon