CHAPTER 22 - Goodnight

875 57 5
                                    

Xam's POV

"I don't need too much maid here, maybe one or two will do. All I need is security guard to guard this house whenever we're not around." Kunot noo kong pinapanood si Jeydiel habang kinakausap ang sampung maids na nakahilera sa sala.

I don't have idea on what in his mind.

Sinimulan niyang pumili ng dalawang maids na matitira dito sa bahay. Agad niyang sinuri ng tingin ang bawat isa sa kanila.

"I want you Mrs. Jenny and you Mrs. Belinda." Turo niya sa dalawang babaeng batid ko'y may edad na. "For those I have not chosen, you may leave this house." Dali-dali namang kumilos palabas ng bahay ang walong hindi niya napili ng tahimik at nakatungo.

Nilingon ni Jeydiel ang dalawang manang. "Doon po kayo mag i-stay sa apartment na katapat nitong bahay, ako na po ang bahalang kumausap sa may-ari ng apartment na iyon." Agad ding tumango sa kaniya ang dalawa bilang pagsang-ayon.

Hindi na ako nakatiis na umusap. "Why? Bakit doon pa sa apartment mo pa sila patutuluyin kung puwede namang dito nalang?" Patanong kong angal kay Jeydiel.

"They can't stay here."

"What?" Reklamo ko. "E, pa'no sila makakagawa ng maayos kung doon sila titigil sa apartment? Pati may room naman na inilaan para sa mga maids 'di ba?"

"Hindi naman kasi all the time sila dito. Pupunta lang sila dito kapag sinabi ko." I arced my right eye brow.

Mukha namang nakuha niyang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya nag-iwas siya ng tingin bago lumapit sa dalawang matanda.

"Ako na po ang maghahatid sa inyo sa apartment." Aniya pa. Tuloy ay wala akong nagawa kundi maglabas ng malakas na hangin sa bunganga. He's really unbelievable, kanina pa siya. Parang nakasinghot ng katol.

Nakarolyo ang mga mata akong tumingin sa kaniya nang makalabas sila ng pinto.

"Come here Kurama, na i-stress ako sa lalaking 'yon!" Asik ko matapos umupo para maabot ang mukha ng aso ko saka ito paulit-ulit na pinisil. "Come with me." Yaya ko sa kaniya.

I want to unwind myself. Mas mabuti kung maglilibot muna ako dito sa loob ng bahay.

Sumama ang mukha ko dahil kahit labag sa kalooban ko, ginagawa ko nalang ang utos ni daddy. Kailangang magsama kami para hindi mahalatang pilit lang ang kasal namin. Halos makabisa ko na rin ang mga linyahan ni daddy at ang paulit-ulit niyang paalala sa akin na kailangang walang makahalata sa amin ni Jeydiel. Bagay na talagang pinagtataka ko.

Bakit kaya? E, halata naman na ayaw namin sa isa't isa. Sa totoo pa nga'y wala naman akong pakialam sa kaniya. I just don't want his guts. Arogante siya at assuming tapos kadalasan abnormal.

Pero kakatwa na habang tumatagal rin ay napapansin kong nagiging kakaiba ang bawat kilos niya. Napabuntong hininga nalang akong umakyat sa hagdan nang maalala kong kahit hindi ako nakatingin sa kaniya kanina ay pinakikiramdaman ko siya.

He's a kind of weird. Hindi ko maalaman kung pinagtitripan niya ba ako o ano. Malaman ko lang na pinagtitripan niya ako ay nasisiguro kong hindi lang suntok ang aabutin niya sa akin.

Magkakasunod kong pinilig ang ulo nang maalala ang mga sinabi niya nitong araw. Naisip ko rin na mas maganda kung pilit ko nalang iyong kalilimutan tutal ay wala naman iyong kasiguraduhan. I didn't know who exactly him and he probably playing with me lalo pa't hindi maganda ang pagkikita namin.

Maybe he's making his move to get even with me.

Naputol ang pag-iisip ko nang nilibot ko ang tingin makalagpas sa hagdanan ng bahay. Sakto lang ang laki ng bahay para sa kasisimula pa lang na mag-asawa. Pag-akyat ko ay hallway ay tatlong room ang sumalubong sa akin. Sa dulo naman ay veranda. Dumiretso muna ako sa veranda bago naisipang isa-isang pasukin ang tatlong kwarto.

Accidentally In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon