Jeydiel's POV
"XAMIRA!"
Halos pumutok na ang litid ko sa pagsigaw nang biglang sumabog ang gusali kung saan ko siya iniwan. Tumakbo ako papalapit sa gusali ngunit agad nagsunod-sunod ang pagsabog. Nagawa nitong patalsikin ang katawan ko.
Naramdaman kong tumama ang likod ko sa matigas na bagay dahilan para mawalan ako ng malay.
Impit na pag-ingit ang kumawala sa akin nang magmulat ako ng mata. Nilibot ko ang paningin ko't kulay palang ay alam ko nang kwarto ko ito. Nahihirapan man ay bumalikwas ako ng bangon.
"Oh, sa'n ka pupunta?" Nilagpasan ko nalang si Kaizer nang makasalubong ko siya sa hagdanan pababa ng mansion. "Sandali lang dre." Hinarang niya ako.
"Pupuntahan ko si Xam. I need to see my wife right now." Muli ko sana siyang lalagpasan ngunit pinigilan niya ako.
"Magpahinga ka muna Jeydee."
"Hindi ko magagawang makapagpahinga ng hindi ko nakikita si Xamira. I promised her. I promised to come back for her.." Emosyonal kong bulong.
Bigla ay napahilamos nalang si Kaizer sa mukha. Kasunod niyon ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
"I don't want to tell you yet, but I have to. J-Jeydee wala na si Xam.." Mahinang bulong ni Kaizer. Napatitig ako sa namumula niyang mata. Iyong matang puno ng simpatya.
Tila nabingi ako. Namanhid ang buong katawan ko. Isa lang ang alam ko sa sandaling ito. Iyon ay ang hindi magagawang magbiro ni Kaizer sa ganitong sitwasyon.
Pero kahit pa. Hindi ako maniniwala. What he said was not acceptable. Hindi iyon totoo.
"Jeydee alam kong masakit.. narito lang kami nila Shawn, kasama mo kami. For now, please rest, hindi ka pa magaling." Usal ni Kaizer. Puno ng pagpipigil na mabasag ang boses.
Doon palang ay kusa nang tumulo ang mga luha sa mata ko. Walang salitang makakapagpaliwanag ng sakit dito sa puso ko.
Sa sandaling ito ay nagawa ko paring itulak si Kaizer. Pinipilit pa ring paniwalaang mali ang narinig ko. "No, it can't be. Wag mong sabihin 'yan Kaizer—"
"Kasama si Xam sa pagsabog, dre." Dito na rin napaiyak si Kaizer. Unang beses sa tana ng buhay ko ay nakaramdam ako ng panghihina.
Nag-aalalang lumapit sa akin si Shawn at Axel. Parehong malungkot ang mukha nila. Lumuluha akong nag-iwas ng tingin. Mabilis ko silang tinalikuran. Hindi na rin nila ako nagawang pigilan.
Bawat hakbang ko palayo ay paulit-ulit kong sinasabi sa sariling walang katotohanan sa nakita at narinig ko.
Pakiramdam ko sinasakal ang puso ko sa pagkakataong ito. Basa ang mga mata akong lumabas at sumakay ng kotse. Pinaharurot ko ito papunta sa bahay namin ni Xam. Nadatnan ko ang bahay na napakatamik.
“Baby? Baby, where are you. Where are you?" Ilang beses kong inikot ang buong bahay ngunit wala akong nakita. Hindi ko siya nakita. Ang kaisa-isang taong kailangan ko.
Wala siya, wala si Xamira.
Napasabunot ako sa buhok, hindi malaman kung ano ang gagawin. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak.
Ang sakit, napakasakit. No words can describe how hurt those stabs on my chest was.
Nagmadali akong pumunta sa bahay nila subalit walang ibang tao dito kundi mga kasambahay lamang. Pabagsak kong niyuko ang ulo ko sa manibela ng kotse. Sunod-sunod ko itong inuntog at pinaghahampas, saka ako malakas na humagulgol.
Apat na araw akong nawalan ng malay. Apat na araw ko na rin siyang hindi nakikita.
Bakit naman ngayon pa? Ngayon pang mahal na mahal na kita..
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.