CHAPTER 19 - I love him

1K 73 7
                                    

Xam's POV

"Sweetie sigurado ka bang papasok ka na?" Makalipas ng isang linggo ay tanong ni mommy.

"Oo nga po. magaling na naman po ako." Aniko habang nagsusuklay ng buhok.

"Pero p'wede namang sa Monday ka nalang pumasok. Tutal may home study ka naman dito."

Alam kong nag-aalala si mommy sa akin dahil nang pinadala ako ni kuya sa hospital nang araw din na umuwi ako ay na-injured ang muscle sa part ng rib cage ko. Siguro ay gawa na rin sa pagtilapon ko sa kumpol ng mga bakal.

Buti nalang at hindi iyon malala.

"Mommy kaya ko naman po kasi. Wala ng masakit sa akin. I'm totally fine and besides nakakaboring dito sa bahay."

"Pero kailangan mo pa munang ipahinga ang katawan mo!"

"Kaya ko na nga po kasi talaga!" Halos nanglulumo kong paliwanag kay mommy.

"Ang tigas naman ng ulo mo! Osige papayag akong pumasok ka pero hindi ka magdadala ng sasakyan!"

"Ano po 'yon maglalakad ako?" Dismayado kong tanong.

"Of course not. Ipapahatid kita sa kuya mo. Kumain ka na muna sa baba habang hinihintay mo siya." Aniya. Tumayo si mommy sa pagkakaupo sa aking kama.

"No need na po. Alam niyo namang busy si kuya, eh!"

"Saglit lang 'yon, sweetie. Kaysa naman mag-isa kang pumasok."

"Kaya ko na nga po kasi! 'Wag niyo ng abalahin si kuya." Pigil ko kay mommy. Medicine student si kuya kaya malamang na nasa duty pa siya ngayon.

"Edi kay Jeydiel nalang kita ipahahatid." Napalingon ako kay mommy.

"Hindi na nga po kailangan!"

Pigil ko pa pero hindi pa rin siya nagpaawat kaya naman kaysa kay Jeydiel ako sumabay, napagdesisyunan ko ng magpahatid nalang kay kuya.

"Did you sleep well?" Salubong sa akin ng kapatid ko bago ako inakbayan palabas ng gate.

"Yeah." Tipid kong sagot.

"What with that face?" Natatawang tanong ni kuya habang nakatingin sa busangot kong mukha.

"It's too early to have a bad mood." Aniya pero hindi ko na siya pinansin pa. "Hey! Hindi porket kasal ka na i-snobin mo na ko!" Umarte pa siyang nalulungkot kaya naman nilingon ko siya ng may nanlulumong tingin.

"Ano namang kinalaman ng pagiging kasal ko?" Inis pero walang ka gana-gana kong tanong.

"Because you're being like that."

"Ganito na ako kahit noong hindi pa ako kinakasal."

"Pero mas lumala!" Dagdag niya pa saka pinapaandar ang kotse niya.

Nginiwian ko lang si kuya. "Anyway bakit pumayag kang ikasal ako kuya?" Diretsahan kong tanong maya-maya.

"W-What do you mean?" Hindi niya inaasahan ang tanong ko.

Accidentally In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon