CHAPTER 11 - Kill Joy

992 87 11
                                    

Someone's POV

"Anong plano bossing?" Tanong ko kay bossing na kasalukuyang nakaupo sa swivel chair niya at humihithit ng sigarilyo. "Pabayaan niyo muna silang magsaya." Seryoso niyang sagot.

"Masusunod bossing." Magalang kong sagot at tumalikod na.

"Just prepare our men.." Napalingon ako kay bossing. "I'll show them what bigboss capable of."

Xam's POV

"Sweetie," Kinabukasan ay nagising ako sa pagtawag ni mommy habang kinakatok ang pinto ng aking kwarto.

"Inaantok pa po ako!" Angal ko.

"Anak, labis-labis na ang tulog mo. Alas dose na." Napasimangot na lamang ako bago muling pumikit.

"Susunod na lang po ako."

"Xamira Khaleesi." Boses ni daddy sa labas ng kwarto. "Are you not going to open this door?" Madilim na boses pa nito.

Tuloy ay padabog akong bumangon saka binuksan ang pinto. “Maghanda ka na Khaleesi. Ayusin mo iyang sarili mo!” Salubong sa akin ng aking ama.

"Yeah," Tinatamad kong anas. "Aalis kami ng mommy mo para ayusin kung sino-sino ang mga dadalo sa kasal niyo bukas." Bumuntong hininga nalang ako.

"Okay. Got it." Tipid kong sagot.

"Behave ka lang, okay?" Paalala ni Mommy. Wala sa loob akong tumango. "Magbihis ka na at mag-ayos nakakahiya kapag nakita ka ni sweetie na ganiyan ang itsura. Nasa baba siya kanina pa." Mabilis na napaangat ang tingin ko kay mommy.

"What?" Gulat kong tanong. "Ano pong ginagawa niya rito?"

Ngumiti si mommy ng napakalaki. "Napag-desisyunan namin na mas mabuti kung magkasama kayo para mapag-usapan niyo ang gagawin niyo sa kasal." Hindi ako nakapag salita.

"Kayo lang ang narito sa bahay kaya naman umayos kayo." Dagdag pa ni daddy.

"What?" Sigaw ko.

"Mag-ayos ka na lang Khaleesi at wag nang puro tanong," Saway niya sa akin. "Kailangan na naming umalis!" Paalam ni daddy matapos ay tuluyan ng tumalikod.

"Wait!" Pigil ko kay daddy. "Asan po si Kuya? Bakit po walang tao rito?" Taka ko pa ring tanong.

Nilingon naman ako nito. "Kasama niya si manang Esther at iba pang mga katulong. Sila ang umaayos sa venue ng kasal niyo." Sinulyapan ako ni daddy mula ulo hanggang paa. "Wala ka ng ibang gagawin kundi ihanda ang sarili mo." Aniya saka tumingin sa kaniyang wrist watch. "It's getting late, we have to go." Paalam niya bago tuluyang umalis.

"Aish!" Bulalas ko bago isinara ang pinto.

What the fudge! Bakit naman nandito pa ang lalaking iyon. Kumukulo pa naman lagi ang dugo ko kapag nakikita ko ang pagmumukha niya at feeling ko hindi na ako si Xamira Khaleesi Hurst na palaging kalmado dahil kapag siya ang kausap ko, nagiging bayolente ako.

Kinuha ko agad ang aking cellphone para tawagan si Jade. Hindi ako papayag na kaming dalawa lang ang tao rito.

"Aish! Sagutin mo!" Parang sirang bulalas ko nang hindi sinasagot ni Jade ang cellphone niya. Nakaka-tatlong tawag na ako ngunit hindi pa rin niya sinasagot.

"Oh, Xam?" Tanong ni Jade nang sa wakas ay sagutin na niya.

"Asan ka? Punta ka sa bahay." Usal ko sa kabilang linya.

"Hindi ako p'wede ngayon, e. Namimili pa ako ng susuutin para sa kasal mo. Usap nalang tayo bukas. I miss you and love you!"

"T-Tek—"

Accidentally In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon