Jeydiel's POV
"Ano raw?"
Inip kong tanong habang nakasandal sa kotseng nakaparada sa parking lot ng school. Bumungisngis agad si Kaizer nang masulyapan ako.
"Hindi raw pumasok dre!"
Sininghalan ko lamang siya. Hinihintay namin iyong babaeng sumuntok sa akin pero gaya ng sabi niya ay wala raw.
"Kaizer tigil-tigilan mo iyang pagtawa tawa mo, malilintikan ka talaga sa akin!" Pagbabanta ko dahil masyadong nakakapikon ang ngising pang-aasar niya.
"Hahaha kalmahan mo lang!" Tiningnan ko ng masama ang kadadating lang na si Axel. Kasunod naman niya si Shawn na nakapamulsa ring naglalakad.
Napasinghal muli ako dahil sa pangit na nga nag di-ditch pa. "Tara na nga lang!" Pairap kong inalis ang tingin sa school building.
Nagpaumuna na akong pumasok sa loob ng kotse. Mabilis kong in-start ang engine ng kotse saka ito madaliang pinaharurot.
Kainis! Habang papalapit ng papalapit ang Sabado mas lalong kumukulo ang dugo ko. Just because of my annoyance to my father. He always making his own decisions without even telling me and asking for my permission as if he owns my life.
Mag-aala sais na noong nakauwi ako sa mansion. Dumiretso muna ako sa kwarto upang maligo. Matapos ay hinubad ko agad ang damit saka tuluyang pumasok sa banyo. Hinayaan kong bumuhos ang malamig na tubig galing sa shower sa aking katawan.
Kunot noo kong hinawak ang magkabilang palad sa pader ng cr saka tumingala sa shower. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig na patuloy na dumadaloy sa aking mukha. Bigla ay tinanong ko ang sarili.
Bakit kaya ayaw sabihin sa akin ni dad ang pangalan ng babaeng papakasalan ko?
I bet I can't do anything to opposed the wedding. Desisyon iyon ni dad at baka hindi makabuti sa kaniya ang pagtanggi ko sa kasal. Kahit naman ganoon si dad, aaminin kong mahal ko siya at mahalaga siya para sa akin.
Marahil ay iyong kasal daw na iyon ang magpapatunay kung deserving ako para maging tagapagmana ng business niya. Sinabi niya na kung iyong simpleng kasal lang daw ay hindi ko magawang sundin, how much more pa raw kung mas mabigat pa roon ang ipapagawa sa akin.
Big deal naman talaga iyon hindi ba? It has something to do with the rest of my life and it really matters to me.
Nagsusuot ako ng t-shirt nang biglang bumukas ang pinto. Kumunot agad ang noo ko.
"What the hell are you doing here?" Asik ko nang biglang niluwa ng pinto ang tatlo kong kaibigan.
"Hey Jeydee!" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay binati lang ako ni Shawn habang dire-diretsong pumasok sa aking kwarto.
"Hahaha dito kami matutulog dre!" Ani Kaizer saka patalong humiga sa kama ko. Literal na napaawang ang mga labi ko.
"Gano'n ka namin ka miss tol!" Singit naman ni Axel.
"For pete's sake! Kakaligo ko lang papainitin niyo ulit ang ulo ko!" Asik ko sa kadahilanang narito lamang sila para sumagap ng tsismis.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.