CHAPTER 37 - Keep sailing

766 34 19
                                    

[A/N: Follow me for more updates! Thankyou, lovelots!]

Xam's POV

Hindi ko magawang alisin ang pagkakatitig sa nag-iisang kapatid ni Daddy at sa anak nitong si Yvonne.

"Bakit niyo ito ginagawa? Pamangkin mo ako tito! Kapatid mo ang daddy ko!" Tila nanglulumo at emosyonal kong sumbat.

Isang malakas na halakhak ang kumawala kay tito Kean na animo'y wala sa sarili. "Kahit kailan hindi ko itinuring na kapatid si Klifford, tandaan mo iyan! Nang dahil lang naman sa malandi niyang nanay, nasira ang lahat!"

"Anong sinasabi mo Kean?" Naguguluhang tanong ni daddy.

"Kapatid lang kita sa ama Klifford! Sinira ng nanay mo ang mga pangarap ko simula nang inakit niya ang tatay ko," Puno ng sama ng loob ay nilingon nito si daddy.

"Magmula nang ipinanganak ka, lagi nalang nasa iyo ang atensyon nila! Lalo na ni dad! Ako ito laging naiiwan. Pangarap ko na kapag dumating ang araw ay ako ang papalit sa posisyon ni dad. Pero anong nangyari? Sa iyo niya ibinigay ang lahat na halos walang natira sa akin."

"Pero sabi mo'y wala kang interes pagdating sa negosyo!" Mahalumanay na paliwanag ni Daddy. Pilit pinapakalma ang sitwasyon.

"Sinong tanga ang hindi magiging interesado doon Klifford? Gahaman ka! Gusto mo sa iyo ang lahat! Kapakanan mo lang ang iniisip mo!" Malakas na sumbat ni tito. Iyong para bang sigurado siya sa bagay na iyon.

Agaran namang nagpantig ang tainga ko. Kahit kailan ay hindi naging gahaman ang ama ko.

Dinig ko ang biglaang pagpapakawala ni daddy ng mahinang buntong hininga.

"Sabihin mo kung ano ang gusto mo Kean. Ibibigay ko sa iyo lahat! Itigil mo na ito. 'Wag mo ng idamay si Khaleesi," utas nito. Puno ng pakikiusap at basang mga mata. "Patawarin mo ako Kean. Hindi ko balak na agawin sa iyo ang lahat gaya ng iniisip mo."

"Ngayon pa na alam mo na kung sino ako?" Asik pa ng tiyuhin ko. Sa pagkakataong ito'y ibang-ibang Kean Hurst ang nakikita ko. Hindi na siya ang titong kilala ko noon. Para siyang demonyong kalalabas lamang sa impyerno.

"Itigil mo na ito Kean! 'Wala sa mga Hurst ang pumapatay ng kapuwa kapatid. Matagal ko nang alam na ikaw si Bigboss," Ganoon nalang ang pagtataka ko. Napamaang akong tumingin kay daddy dahil ni minsan ay hindi niya nagawang banggitin sa akin. Ni minsan hindi ko iyon napansin sa kaniya.

Mapaklang napailing si Kean. "Simula nang pag-isipan kong patayin ka. Kinalimutan ko nang isa akong Hurst." Humalakhak pa ito. Baliw na talaga siya. Hindi ko akalaing ganito siya kasama.

"I am now Kean Lestridge the new supreme business leader. Mapapasakamay ko na ang organisasyon na matagal ko ng pinapangarap." Puno ng kompiyansa niya pang anas.

"Nakikiusap ako sa iyo, Kean. Itigil mo na ito. Alam kong masama ang binabalak mo sa organisasyon," ani daddy kaya naman magkasunod na mura ang natanggap niya mula kay tito.

Mabilis nitong pinag-init ang aking ulo. Subalit wala akong magawang kilos. Hindi halos mag sink in sa utak ko ang mga bagay na naririnig ko ngayon.

Suminghal ang tiyuhin ko. "Dahil masyado kang pabida! Bakit mo tinutulungan ang mga taong hindi mo naman kilala! Para ano? To gain praises?" Sarkastiko nitong utas.

Accidentally In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon