Xam's POV
Maaga akong nagising kinabukasan, hindi iyon tipikal lalo na sa akin. Matapos ay ganado akong naligo at nagbihis.
Alas otso na ng umaga nang bumama ako sa kusina para tingnan kung naroon ba si Jeydiel. Kataka-takang wala pang nag-aasikaso ng makarating ako dito.
Kunot noo kong sinulyapan ang hagdanan na para bang sa ganoong paraan ko makikita ang kinaroroonan niya. Nasisiguro kong tulog pa si Jeydiel.
Hindi na ako nagdalawang isip at nagtungo ako sa kaniyang silid. Mahimbing ang kaniyang pagkakahiga kaya naman awtomatikong sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Sinarado ko ang pinto ng walang tunog at iyong hindi naaalis na kaniya ang aking paningin.
Marahan akong naglakad papalapit sa kaniya. Umupo ako sa kama habang nakatitig sa maamo niyang mukha.
Wala sa sariling naglandas pababa ang daliri ko para hipuin ang hubog ng kaniyang kilay. Ang isa ko pang kamay ay hinaharangan ang kaniyang mukha sa sinag ng araw. Iniingatan na huwag maabala ang kaniyang tulog.
Kagat labi kong hinaplos ang makapal niyang kilay pababa sa talukap ng kaniyang mata. Pinakatitigan ko ang mahaba at pino niyang pilik mata bago ko pinagdako ang daliri sa tungki ng kaniyang ilong patungo sa kaniyang labi.
May parte sa aking gusto iyong nakawan ng halik pero sa kahihiyan ay hindi ko itinuloy. Tumayo nalang ako para hawiin pasara ng maayos ang kurtina sa kaniyang bintana.
Aksidente namang tumama ang mata ko sa study table niya. Dito ko nakita ang inosente at natatahimik na ballpen. Bigla ay palihim akong ngumisi bago ko ito dinampot at naglakad palapit kay Jeydiel.
Pigil ang tawa akong umupo sa kama niya. Handa na para sulatan ang kaniyang mukha. Hindi ko magawang maumpisahan dahil wala pa man akong nagagawa ay natatawa na ako.
Huminga ako ng malalim bago kinagat ang labi. Muli akong nagbaba ng tingin sa kaniya. Susulatan ko na sana ng bigote ang kaniyang mukha nang bigla siyang nagmulat ng mata.
Nanlaki ang mga mata ko nang nagtama ang aming paningin ngunit bago pa man ako makatayo ay mabilis niya akong nahuli at inihiga sa kama. Kinubabawan niya ako.
Lahat ng balak kong gawin sa kaniya ay ginawa niya sa akin. Nilagyan niya ako ng bigote at balbas.
Sunod-sunod ang bungisngis ni Jeydiel habang may kung ano pa siyang sinusulat sa mukha ko.
“Akala ko nagbago ka na!” Asik ko nang matapos at tumayo siya.
Humalakhak lang si Jeydiel. “What?” Aniya sa inosenteng paraan.
“Loko ka talaga gaya noong una kitang nakilala!” Inis kong asik.
Padabog akong tumayo dahil natalo na naman niya ako. Nakahalukipkip siyang tumitig sa akin habang ako ay masama ang tingin sa kaniya.
Inisang hakbang ni Jeydiel ang distansya namin. Hinuli niya ako ay kinulong sa kaniyang braso. Marahan siyang umupo sa kama habang patalikod akong naka-upo sa kaniyang mga hita.
“You’re annoying!” Asik ko.
Ngumiti lang siya. “Goodmorning..” Malambing niyang bulong.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.