Xam's POV
"Ano dalian mo naman diyan!" Sigaw ko kay Jade sa sobrang kakupadan. Mag-aayos pa ako. Maliligo at s'yempre magbibihis.
"Oo ito na nga eh!" Hinihimas niya pa ang kaniyang tiyan habang palabas ng Restaurant na pinagkainan namin.
Nagpatiuna na akong maglakad para naman makahalata na siyang nagmamadali ako. Hindi nga ako nagkamali.
"Ano ba? Bakit madaling madali ka?"
"Dahil mag-gagabi na!" Paasik kong sagot sa kaniya.
"We? Talaga? Mukhang hindi naman eh."
"Bahala ka d'yan! Edi 'wag kang maniwala!"
Ang dami pang tanong! Isang oras nalang at mag-aalasyete na tapos ang bagal pa nitong kasama ko. Walang ibang ginawa kundi magtanong. Idagdag mo pa iyong katotohanang lowbatt na ang aking cellphone.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang sa di kalayuan ay natanaw ko ang dalawang kahina-hinalang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, sila 'yong mga lalaking kanina pa kami sinusundan.
Noong una, akala ko nagkataon lang ngunit iba na ngayon. Kahina-hinala sila. Kakatwa lang na hindi pa nila ginalingan ang pag-acting, masyado nilang pinaka-obvious.
Bakit ba ang dikit ko masyado sa gulo? Tila tanong ng isang parte ng utak ko.
Hinintay ko pa munang makapasok si Jade sa loob ng kotse bago ako tuluyang pumasok. Sa halip na magmaneho agad ay naghintay pa muna ako ng ilang minuto upang masiguro kung kami ba talaga ang kanilang sinusundan.
"Ano bakit hindi ka pa nag da-drive? Psh! Kanina lang madaling madali ka!" Atungal ni Jade.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ko na rin siya sinagot pa. Sa halip ay tiningnan ko nalang ang mga lalaki na ngayon ay bigla nalang nawala.
Dahil dito ay nakahinga ako ng maluwag. Nang suriin ko pa muli ang kinaroroonan nila ay wala na sila doon. Agad naman nakuha ng kalapit ko ang aking atensyon.
"Ano na? Na ha-haggard na 'ko, ah!" Angal pa niya.
"Kanina ka pa haggard, ngayon mo lang napansin?" Pang-aasar ko kay Jade. Sinimulan ko na ring paandarin ang kotse.
"What?" Hindi makapaniwala niyang asik. "For your information fresh na fresh ako kanina!" Katwiran niya.
"Talaga lang, ah? Paano mo nasabi? E, ako ang kanina mo pa kaharap kaya alam ko ang itsura mo kanina pa!"
Suminghal siya. "Okay." Pinakaikli niya ang sagot.
"Problema mo?" Taka kong tanong dahil nahihimigan ko ang kasungitan sa kaniyang tono.
Ako pa talaga sinusungitan niya.
"Sa akin nalang 'yon!" Seryoso aniya.
Gusto kong matawa sa paraan niya ng pagsagot sa akin. "Wow! line ko 'yan, ah!"
"Bakit ikaw lang ba ang may karapatang magsabi noon? Ikaw ba ang may-ari ng words na 'yon ha? Ikaw ba? Ha? Ha?" Awtomatikong napataas ang kilay ko sa mahabang aniya.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.