CHAPTER 4 - Kutob

1.2K 94 23
                                    

Xam's POV

Isang malakas na pag-inikit ang pinakawalan ni Jade nang pilipitin ko ang bisig niya saka pabato siyang binitawan.

"Pasakit ka naman e, tino-totoo mo na!" Angal niya habang pinagtaas baba ang mga balikat.

"Dahil ang pakikipaglaban ay hindi biro. Kailangan mong seryosohin kung ayaw mong matalo o masaktan!" Katwiran ko saka pinuwesto ang palad sa aking harapan bilang senyas na lumapit siya.

"Pero practice lang naman ito!"

Lumapit si Jade sa akin matapos ay agad akong inundayan nang suntok na mabilis ko ring nailagan. Nahuli ko ang kamao niya saka mabilis na inikot dahilan para ma-out of balance siya.

"Aray nakakailan ka na, ah!" Aniya saka tumayo para ayusin ang sarili. Halatang nasasaktan na siya pero ano pa nga ba ang silbi ng training kung hindi masasaktan.

Kanina pa kami naglalaban pero lagi lang siyang talo. Ginagawa ko lang naman sa kaniya iyong mga natutunan ko. Iyong bang walang awa kahit pagsasanay palang.

"Suko kana? Iyan ba ang ma bi-beat?" Pang-aasar ko.

"Ang yabang mo! Naaawa lang naman ako sayo dahil baka pag-tinodo ko, e, masaktan ka!" Nakangisi niyang saad.

Muntik pa akong matawa sa sinabi niya. "Salagay pala hindi mo pa todo iyon?" Natatawa kong usal.

"Kuha mo!" Taas noong aniya sa mayabang na paraan.

"P'wes itodo mo na! 'Wag kang mag dalawang-isip na saktan ako kung kina-kailangan, cause I will do the same thing. Treat me as your enemy, protect yourself from me!" Paalala ko sabay sugod.

Mukhang nakuha naman niya iyon. Agad siyang umiwas sa suntok ko. Mabilis niyang ginantihan iyon. Bigla na lamang nag-iba ang paraan niya nang pakikipaglaban. Ilang suntok ang naibibigay ko sa kaniya ngunit agad naman niya iyong naiilagan.

Hinuli ko muli ang kaniyang pulsuhan upang hilain ngunit mabilis niyang natapik ang aking kamay dahilan para mabitawan ko siya. Tila ba tama ang sinabi ni Jade kani-kanina lang. Mukhang may igagaling pa siya. But still I doubt her. Her skills won't beat me that easy.

I noticed she improves well unlike before. Jade is a kind of smart girl that is why she can facilely catch up with my instructions. Nakakatuwa rin ang katotohanang ito ang bonding namin.

"Ah-" Angal ko nang masikmuran niya ako. I gave her the chance to move because I suddenly spaced out. Gumapang agad ang sakit dahil natamaan niya ang buto ko sa itaas ng sikmura kung saan natamaan ni Jeydee kanina.

Natigilan agad si Jade saka daliang lumapit sa akin. "Oh my god! Xam, okay ka lang?" Nag-aalala niyang tanong.

Pinanatili ko lang ang pagtungo habang sapo pa rin ang aking tiyan. I secretly hide my evil smile nang maisip kong pagkakataon ko na ito para maisahan ulit siya. Pinapairal niya kasi lagi ang pagiging maawain.

Ngunit nagkamali ako dahil nang umikot ako upang undayan siya ng sipa ay mabilis niyang nahuli ang aking paa saka agad na ibinalibag dahilan para mapahiga ako.

"Mukhang natututo ka na. Nice!" Ngiting puri ko habang nakahiga pa rin.

Sumilay agad ang ngiti sa mga labi niya. "So, naniniwala ka na?" Natutuwa niyang usal.

Accidentally In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon