CHAPTER 2 - Bigboss

1.7K 106 15
                                    

Xam's POV

"Oh, Miss awat na!"

Mabilis na pumagitna sa amin ang kaibigan niyang kanina ay tila ba nanonood lamang. Samantalang ang isa naman sa kanila ay nilayo ako kay Jeydee

Dali-daling tumayo si Jeydee mula sa pagkakahiga. Pabatong inalis niya ang pagkakahawak sa kaniya ng kaibigan. Gayong tinulungan lang naman siyang tumayo.

"Nakaka-dalawa ka na!" Tiim bagang aniya habang masama ang tingin sa akin

Bago pa ako makagawa ng hindi magandang bagay ay tumalikod na ako bitbit ang aking gamit. Napatigil ako sa paghakbang nang maramdamang hindi kumikilos si Jade.

Nang lingunin ko siya ay nanlilisik ang mga mata niya kay Jeydee. "Wag mo ng hintaying pumangatlo pa siya dahil baka hindi mo magustuhan ang magawa niya sa iyo! Kapal ng mukha mo!" Nanggagalaiting duro niya kay Jeydee.

"Iyan ang upuan isaksak niyo sa mga baga niyo! For your information, hindi kayo gwapo mga feelingero, papangit niyo!" sigaw niya bago ako tuluyang hinila paalis.

Ilang mga mata pa ang nilampasan namin bago kami tuluyang nakalabas.

"Pa'no iyan, Xam, ang dungis na natin? Paano tayo papasok mamaya?" Tanong ni Jade na pilit pa ring pinupunasan ang mga dumi sa kaniyang damit.

"Sa bahay nalang tayo dumeretso," Aniko na pilit kinakalimutan ang nangyari.

"Sa bahay niyo?" Paninigurado niya.

"Malamang," Aniko sabay tingin sa kabuuan ng aking damit. Gaya ng kay Jade ay malibag din ito. "Kailangan na rin nating magpalit. May damit sa bahay, doon ka nalang humanap ng gagamitin mo."

"Yes!" She exaggeratedly uttered habang animo'y batang pumapalakpak pa.

"Ang sagwa mo oy!" Natatawa kong usal.

"Bakit? Pati ba ma-excite ngayon masama na?" Nakalabing aniya.

"Ano naman ba kasi ang nakaka-excite sa pagpunta sa bahay namin?" Kunot noong tanong ko.

"Ganito oh," Umunahan siya sa akin saka pinaikot ang leeg. Kasabay nang pagpapatunong niya sa mga daliri na tila ba may kalaban.

"Hiya! Wushu! Ha!" Sigaw niya habang susuntok-suntok sa ere na parang ninja. "Ito pa! Hu—wa!" Sigaw niya na para bang si Bruce Lee. Napapatingin tuloy sa amin ang ibang dumadaang estudyante.

"What the hell Jade? Itigil mo nga iyan nakakahiya ka!" Saway ko sa kaniya saka tuluyan siyang tinulak para maglakad.

"Hahaha iyon lang naman ang dahilan kaya excited ako," Katwiran niya habang papunta kami sa parking Lot. "Ano, Xam, tuturuan mo na ulit ako?" Nag puffy eyes pa siya.

"Hindi tinatamad ako," Mabilisan kong sagot.

"Sige na Xam, kahit saglit lang!" Pangungulit na aniya.

"Matutulog nga ako, di 'ba?"

"Naka! Sige na! Tinatamad kalang, e!"

"Hindi basta."

"Please!" Mahaba niyang pakiusap.

Accidentally In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon