Jeydiel's POV
"Son, Ikaw na muna ang bahala kay Khaleesi." Paalam ni Tito Klifford sa akin. Naka-admit pa rin si Xam sa private room ng Hospital.
Sobrang nakahinga ako ng maluwag, na kahit paano ay nawala ang kaba ko nang malamang ayos lang ang kalagayan niya. Walang masamang nangyari kay amazona.
"Don't worry, Tito. I will take good care of her." Nakangiti kong sambit.
"Daddy nalang, Son." Tinapik ni daddy ang balikat ko. Napapahiyang napangiti nalang ako sa kaniya.
Bago pa man lingunin ni Tito ang kaniyang asawa na patuloy pa ring hinahaplos ang buhok ni Xamira ay naisipan ko ng magtanong.
Sa totoo lang ay kanina ko pa ito gustong itanong sa kaniya.
"Ah, Ti— Daddy.." Napahawak ako sa batok ko. "Ano na nga po palang balita sa mga kumuha kay Xamira? Nahuli na po ba silang lahat?"
Napabuntong hininga siya. "Yes, and that's the reason why we have to go now, to look after that matter. Put your eyes on my daughter. Her brother will come with me." Sandaling lumingon si daddy sa gawi nila Tita Xara.
Muli nitong binalik ang paningin sa akin. “Actually, son, I need to tell you something." Bago siya tumingin sa akin ay nagpakawala muna siya ng malalim na hininga.
"Me and your dad were belong to an organization. Business Organization. Isang mapanganib at kakaibang uri ng organisasyon kung saan ako ang namumuno kasunod ang ama mo."
Napamaang ako.
"Kami ang namumuno sa karamihan ng sindikato at maimpluwensyang tao dito sa Pilipinas. Mayroon ding ilan sa ibang bansa.."
Bahagyang natawa si Tito. Nahalata niya siguro ang pagkagulat ko.
"Mali ang iniisip mo. Hindi masama ang organisasyong kinabibilangan namin. Mahirap ipaliwanag sa inyo ngunit kailangan kong sabihin sa 'yo. Lahat ng perang nalilikom namin ay napupunta sa mga kababayan nating nangangailangan. Ito rin ang ginagamit sa pagpapagawa ng iba't ibat Hospital at establisyamento. Ito ang dahilan kung bakit dinukot si Khaleesi. Gusto nilang makuha ang atensyon ko dahil kailangan nila ngayon ng tulong."
Puno ako ng pagkagulat at pagkamangha. All this time walang nabanggit sa akin si Dad tungkol dito sa organisasyon na ito.
“Kaya kailangan na naming umalis ngayon para ibigay ang tulong na kailangan ng mga taong kumuha kay Khaleesi." Ani tito bago tinawag ang asawa.
Hindi ko napigilan ang sarili. "Tutulungan niyo pa rin sila kahit muntik ng malagay sa panganib ang buhay ni Xamira?" Hindi makapaniwala kong tanong.
Ngumiti si tito ng malamlam.
"Ang mahalaga ay ligtas si Khaleesi. Nabangga sila hindi ba? Aksidente ang lahat. Lahat tayo ay nagkakamali, son, hindi porke't nakagawa ng mali ang isang tao ay hindi mo na sila tutulungan." Paliwanag niya.
Bahagya naman akong natauhan sa narinig. Napapatango akong ngumiti.
Tama nga naman. Bigla ay humanga ako sa ama ni Xamira.
Nang makalapit si tita Kay tito ay nagpaalam na ito.
“We have to go at baka mapatay na ng kapatid ko ang mga lokong ‘yon." Pagpapatungkol niya kay tito Kean.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.