Xam's POV
Padabog kong kinuha ang cellphone nang magising sa nakakarindi nitong tunog. Iritable ko itong kinapa sa side table ng aking kama. I quickly swipe its screen to answer the call.
"Ano?" Inaantok kong tanong.
"On the way na ako d'yan." Ani Jade sa kabilang linya.
"Bakit naman?" Nakapikit ko pa ring tanong. Iyong para bang handa na muling bumalik sa pagkakatulog.
"Like duh! Sabi ni tito samahan daw kitang mag-shopping ng damit mo!"
"Ano ba yan! Ang aga-aga pa para mag-shopping!"
"Anong maaga? Mag aalas-onse na!" My brow creased. When I look at my phone's upper part. It was 10:47 in the morning. I let out a deep sigh.
"Okay." I answered before ended the call.
Mag aalas-onse na pala pero inaantok pa rin ako. Bagot akong bumangon sa kama matapos ay diretsong nagtungo sa banyo. Jogger na black at loose t-shirt ang sinuot ko matapos maligo. Marahil ay dito ako mas komportable.
"Goodmorning, Xamy!" Bati sa akin ni Manang. Kakauwi niya lang galing bakasyon. Pinagbakasyon muna kasi siya ni daddy.
"Goodmorning rin po." Nakangiti ko ring bati. Si manang ang pinakamatagal naming kasambahay kaya naman malapit ang loob ko sa kaniya.
"Anong gusto mong kainin hija?" Tanong niya nang buksan ko ang refrigerator.
"Tinapay nalang po ang kakainin ko." Aniko dahil gahol na rin sa oras.
"Ito, oh. Ang paboritong palaman ng alaga ko," Nakangiting ani Manang habang inabot sa akin ang nutella.
May ngiti sa labi ko naman itong kinuha. "Paano ba iyan maglalaba na muna ako hija. Maiwan na muna kita diyan." Paalam niya.
"Sige po." Wika ko saka nagsimulang maglagay ng palaman sa tinapay.
"Long time no see manang! Si Xam po?" Dinig kong tanong ni Jade sa may pinto.
"Long time no see rin, Hija. Nasa si kusina si Xamy kumakain." Sagot sa kaniya ni Manang
"Sige po."
Ilang saglit pa ay tuluyan ko ng narinig ang mga yabag ni Jade papalapit sa akin. Nang makarating siya ng tuluyan ay naupo siya sa may harapan ko.
Natigilan ako sa pagnguya nang makita siyang nakatitig sa nutella. "Kumain ka kung gusto mo." Pagyayaya ko saka muling kumagat sa tinapay na halos mapuno na ng nutella.
"H-Hindi busog pa ako." Nakailing niyang ani.
"E, bakit ganiyan ka makatingin sa nutella?" Tanong ko bago kumagat sa tinapay.
"K-Kasi Xam, nabasa ko sa wattpad kagabi na ginagamit iyan sa pagse-sex"
Pakiramdam ko ay naudlot ang paglunok ko sa tinapay dahilan upang masamid ako. Sunod-sunod ang naging pag-ubo ko na halos mabuga ko sa kaniya ang laman ng aking bibig.
"Oh my gosh! Xam, okay ka lang?" Pagtatanong niya saka dali-aling kumuha ng tubig.
"What the hell are you saying, Jade?" Patuloy pa rin ako sa pag-ubo. "Are you out of your mind?" Kunot noo kong tanong.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.