Xam's POV
"Oh, ‘dre naliligaw ka yata? Doon sa unahan ang table ng bagong kasal!" Salubong sa amin ni Kaizer.
"Why? Is something wrong with that Mr. Kaizer Sinead?" Tanong ni Jeydiel sa kaibigan. Mapang-asar siyang nginisihan ni Kaizer.
"Xam!" Salubong sa akin ni Jade bago yumakap. "Buti naman at naisipan mo akong lapitan." Pag-nguso niya pa.
"Nagsasalita ka pala? Akala ko kase pipi ka." Nakangising saad ni Axel kay Jade. Binalewala lang siya ng kaibigan ko.
"Bakit naman Axel?" Tanong ni Jeydiel. Nang umupo ako ay sumunod din siya. Nginiwian ko lang siya.
"Kanina pa kasi 'yan walang imik." Paliwanag ni Axel. Sininghalan lang siya ni Jade bago tumingin sa akin ng kakaiba.
"What?" Taas kilay kong tanong.
"Bakit hindi mo man lang sinabi na, ito.." Tinuro niya kay Jeydiel. "Ang ikakasal sa 'yo?"
"Shut up." Asik ko bago nilingon ang paligid kung may nakarinig ba sa sinabi niya.
"Bakit nga?" Pangungulit niya pa.
"Sa ibang araw na natin pag-usapan 'yan."
"Kaya nga naman Jade. Gusto niya pa munang ma-moment ang kasal nila ni Jeydee." Natatawang pang-aasar ni Shawn.
Mabilis kong napansin na abnormal silang magkakaibigan.
"’Wag mo nga akong matawag ang pangalan ko at hindi naman tayo close!" Muntik na akong matawa sa pagtataray ni Jade sa kaniya.
"Ano ang itatawag ko sa iyo kung gano’n? Jade lang ang alam kong pangalang mo." Nakangising katwiran ni Shawn.
"Kaileigh Jade Allen is her real name," Tinig ng kararating lang na babae. Nakuha ni ate Jace ang atensyon naming lahat. "Inunahan mo pa ako, ah!" Pag-papatungkol niya sa kasal. Nginitian ko lang siya. Bago patagong nagbuntong hininga.
In the curse of life, what you really hate will be given to you and what you really want is something you will never have.
"Sagutin mo na kasi si kuya Khyle." Pang-aasar ni Jade sa kauupo niyang kapatid.
"He didn't even courting your sister." Mataray na dumating si Aixel. Napaisip tuloy ako kung may dadating pa ba.
"Ikaw? Sa mall?" Tila napapaisip na tanong ni Jade.
"Yeah, the gorgeous Aixel Lachlan." Taas noo niyang giit matapos ay malapad na ngumiti.
"Na obsessed na obsessed kay Xamuel Khyle." Nagulat ako sa narinig mula kay ate Jace.
For real?
Natawa ako bigla. Napakagwapo naman pala ng kapatid ko para pag-agawan nila.
"And so?" Hindi na siya sinagot ni ate Jace. Inismiran pa ni Aixel si ate Jace bago tumingin sa akin. "My newlywed future sister!" Kinurot niya ang pisngi ko saka humila ng upuan at umupo katabi ko. "I can't still believe that you're my Khyle's younger sister." Nakanguso niyang ani.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.