Xam’s POV
Napapikit ako habang nalilito kung paano ako lalabas ng kwarto. Pinoproblema ko kung paano ko siya haharapin ng kaswal. Iyon bang parang walang nangyari sa pagitan naming dalawa.
Tumayo ako sa tapat ng standing mirror sa loob ng kwarto ko. Nagpakawala pa muna ako ng malalim na hininga bago pilit na ngumiti.
It isn’t the first time he kissed me and there is no big deal. Just act like an amnesia girl. You can do it, Xam!
Kalimutan mo nalang as easy as that.
Tumango-tango ako sa harap ng salamin bilang pagsang-ayon sa sariling sinabi ng isip. Gosh! Nababaliw na yata ako.
Mula kwarto ay nagtungo ako sa dining table ng tahimik at walang tunog na nagmumula sa aking mga paa. Pinagdadasal na sana ay nauna ng pumasok si Jeydiel. Hangga’t maaari ay ayaw ko munang makita ang presensya niya.
Walang tao sa sala nang makababa ako pakiwari ko ay wala sila manang. Pinanatili kong pino ang bawat kilos ko. Maingat kong binaybay ang kusina nang magtama ang aming mga mata. Napaayos ako nang tayo nang nangunot ang noo niya. Si Jeydiel ang naghahanda ng almusal namin.
“Let’s eat.” Yaya niya sa akin sa napaka-kaswal na paraan.
Walang kibo akong umupo nang iminuwestra niya ang upuan na nasa harapan niya. Iniiwasan ko pa rin ang kaniyang mga mata. Sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ako kung paano nagdampi ang aming mga labi.
Nang nagsimula siyang kumain ay isa-isa kong tiningnan ang mga niluto niya. Rice, hot coffee, egg, bacon, hotdog at tocino ang breakfast namin.
Kasabay ng pagkain ay hinihiling ko rin na sana ay sapian ako ng lakas ng loob para tarayan siya dahil batid kong hindi matatapos itong almusal na ito nang hindi siya magsasalita.
I never been wrong because after a moment of silence, he muttered. “How was your sleep?” Ani Jeydiel.
Hindi ako nag-abalang lingunin siya. “It was pretty good.”
Tumawa siya. “Oh, I see.”
Dahil sa mga titig niya ay hindi ako nakatiis na lingunin siya. “Quit your stares. Kumain ka ng kumain.”
Naningkit ang mga mata ni Jeydiel. “What’s wrong with you now?” Ngumisi siya. “Your actions were too far from my expectations.” Pagkibit balikat niya.
Nangunot ang mga noo ko.
Pinagkrus niya ang mga kamay habang marahang sumandal sa upuan. Diretso niya akong sinulyapan. “What the hell did you do that freaking kiss? You jerk want to die?” Ginaya pa talaga ni Jeydiel ang paraan ko ng pagsasalita. “You know I’m expecting you to confront me like that.”
Hindi ko napigilang matawa. “You’re unbelievable!” May halo pa ring kasarkastikahan ang boses ko.
Pinagmasdan niya naman akong tumawa. Tuloy ay natauhan ako bigla. Kinurot ko pa ang sarili ko dahil sa ginawa.
Napapailing na ngumiti si Jeydiel bago muling hinarap ang pagkain.
"Can I ask?" Tanong ko habang nasa byahe kami patungong university. Nagpresinta siyang isabay ako tutal wala pa sa bago naming bahay ang kotse ko.
“Sure. What is it?” Saglit niya akong nilingon bago binalik ang tingin sa daan.
Kanina ko pa ito pinag-isipang itanong sa kaniya tutal naman ay maganda ang mood ni Jeydiel.
"About what happened to us when we are doing honeymoon." Muntikan na siyang mapaubo sa narinig.
Agad niya akong nilingon. “H-Honeymoonn? What are you saying? Did we do honeymoon?” Hindi makapaniwala niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.