Xam's POV
Halos mapatalon ako sa kama nang sa pagmulat ko ng mata ay si Jeydiel ang tumambad sa akin. Nakayakap siya sa akin ng mahigpit.
Napapalunok kong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa katawan ko. Hinigit ko ang sariling hininga habang ginagawa iyon. Nagtagumpay naman agad ako dahil mahimbing pa rin ang tulog ng loko. Sinulyapan ko muna ang maamo niyang mukha habang kumikibot ang kaniyang mga labi.
Napapailing akong tumayo. Mabilis kong nasapo ang ulo nang lumapat ang mga paa ko sa sahig ay tila umikot ang paligid.
Ang sakit ng ulo ko.
Hanggang makapasok sa washroom ay sapo ko pa rin ang ulo na para bang anomang oras ay babagsak ito. Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi ngunit walang pumasok ni katiting man lang sa aking isip.
Nang makapaghilamos ay kunot noo akong nagsalamin. Kinukuwestiyon kung bakit kami magkayakap ni Jeydiel.
Agad namilog ang mata ko saka natutulirong sinuri ang sariling katawan. Maging ang underwear ko ay kinapa ko pa. Ayos pa rin naman ang kawit ng aking bra. Nakahinga ako ng maluwag dahil nasisiguro kong walang nangyari sa amin kagabi.
Naisipan ko ring maligo para mahimas masan man lang ako. Hinanda ko muna ang damit na susuutin ko dahil hindi naman ako pwedeng lumabas ng washroom para doon magbihis.
Kunot noo kong sinabon ang buong katawan habang pilit inaalala kung nakatulog ba ako na natapunan ng wine sa katawan dahil amoy alak ang katawan ko lalo na sa may bandang leeg. Wine is not really good at all.
Tinapos ko agad ang pagligo. Bigla ay gusto kong kumain ng icecream para maging presko.
Abala ako sa pagpupunas ng katawan nang kumalampag ang pinto na tila ba pilit binubuksan. Naalarma ako at dali daling binalot ang sarili ng tuwalya.
"Open the door!" Utos ni Jeydiel na tila ba namumualan.
"What's your problem? I'm not yet done!" Sigaw ko ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa matunog na pagpihit sa doorknob.
"Open this damn door!" Sigaw niya sa inis ko ay pabigla kong binuksan ang pinto.
Hindi siya makakalabas ng buhay dito sa banyo kapag may ginawa siyang hindi maganda.
Dire-diretso siyang nagtungo sa sink at doon binuhos ang laman ng bibig. He's vomiting. Para siyang buntis kung makasuka. Napangiwi kong tinakpan ang ilong.
Kadiri.
Inom pa nga.
Matapos dumuwal ay agad siyang naghilamos. Napaiwas ako ng tingin nang magsalamin siya dahilan kung bakit dumapo ang paningin niya sa akin.
Nakatagilid ako sa kaniya habang yakap ang sarili.
"Are you done with your vomit? Get out now." Taas kilay kong asik. "I need to dress up."
"A-Ah yeah." Wala sa sarili niyang usal bago lumabas. Napairap ako ng tuluyan.
Nang makapagbihis ay naabutan kong nakasalampak pa rin siya sa kama. Hindi ko nalang siya pinansin pa, sa halip ay lumabas ako papuntang guest room para silipin sila Jade. Napakunot ang noo ko nang wala akong naabutang tao sa loob. Malinis na rin ito.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.