CHAPTER 16 - Disappoint

844 55 4
                                    

[A/N: Thank you for reading despite of stories' imperfections! Have a nice day! Stay blessed and safe everyone! Don't forget to follow me and to spare time for your comments and votes in every chapters hehe! It would be highly appreciated! Thanks a looot!]

Xam's POV

Pinulot ni Jeydiel ang baril saka hindi nagdalawang isip na pinaputok ito sa ulo mismo ng lalaki. Lumapit siya sa akin at inalalayan akong umupo. Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya.

“Are you alright?” May bakas ng pag-aalala sa kaniyang mga mata. Hindi ako sumagot. “Did he do something more than what I saw?” Lumuluha akong umiling.

Marahang pinunasan ni Jeydiel ang aking mga pisngi gamit ang kaniyang palad. “Shh. It’s okay now. I bet we’re safe.”

Para bang sa ganoong paraan niya ako mapapatahan. Huminga ako nang malalim habang pinipigil ang paghikbi. Ganoon nalang napaangat ang balikat ko nang mabilis niya akong niyakap.

“Stop crying. I know it’s traumatizing but that bastard is dead now.” Kusa ko nalang pinatong ang baba sa kaniyang balikat.

I felt his hand gently rubbing my back. "For now, we need to get out of here before it's too late." Seryoso niyang bulong habang humiwalay sa akin. Marahan niyang kinuha ang aking kamay upang alalayan.

Pinilit kong makalakad ng maayos at sa kabutihang palad ay nagawa ko naman kahit may kabagalan. Nang tuluyan kaming nakalabas sa warehouse ay bumungad sa amin ay gubat. Madilim at umuulan din. Pakiwari ko ay inabot na kami ng gabi sa lugar na ito.

"Kailangan na nating bilisan bago pa dumating ang iba." Ani Jeydiel bago ako hinatak upang tumakbo. Kaya naman halos magkandatisod-tidod ang nanglalambot ko pa ring paa.

Mabilis kaming nabasa ng ulan ngunit mabuti na rin iyon para malinis ang aking katawan mula sa bakas ng dugo at ng lalaking iyon

"Aray!" Namilipit ako sa sakit nang sa kalagitnaan ng pagtakbo ay aksidente akong natapilok. Hindi pa kami masyadong nakakalayo ngunit nakakaramdam na agad ako ng hapo.

Hindi ko na kaya.

"Are you alright?" Napatigil agad si Jeydiel.

Namumutla akong tumango. "Can you walk?" Aniya na sinisilip ang nakayuko kong mukha.

Sa halip na sumagot ay pinagbitiw ko ang magkahawak naming kamay. "Mauna ka na." Namamalat kong usal.

"What?" Kunot noo niyang tanong.

"I can't walk anymore." Napapa-iling at nanghihina kong pagpapakatotoo. "I need to rest." Tila sumusuko kong dagdag. Iyong gusto ko nalang humiga dito kahit sa lupa para lang makapagpahinga ng kahit sandali.

Bigla nalang ay nakamaang ko siyang pinagmamasdan nang umupo siya sa harapan ko. Nilingon ako ni Jeydiel gamit  ang ulo nang bigla ay natigilan at hindi ako kumilos.

"I'll give you a lift, ride at my back." Kaswal niyang utos.

Puno ng pag-aalangan akong tumitig sa kaniya. "Seryoso ka?" Namamaos kong tanong.

"Itsura ba ito ng nagbibiro?" Bumabalik na naman siya sa pagiging masungit.

“K-Kasi—" Tila napipilan kong usal.

Accidentally In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon