[A/N: Nililista ko po ang mga nagvovotes or comments sa story ko for my dedication hehe. Have a blessed day guys! I love you all! Stay blessed and safe! Dont forget to follow me!]
Xam's POVMabilis lang lumipas ang mga araw. Normal lang ang lahat maliban lang sa katotohanang may party pa na gaganapin.
Probably planned by our parents. Sa halip na magpahinga nalang o gumawa ng ibang bagay na mas mahalaga rito ay pinili pa rin nilang magpa-celebrate.
Sa totoo ay ayos lang naman ito sa akin. Ang ayaw ko lang ay may mga makukulit na pupunta rito. Hindi naman marami ang dadalo dahil kami-kami lang ng mga kaibigan namin. Iisa lang ang kaibigan ko at malamang na si Jade iyon. Nakakahiya naman kasi kapag hindi ko manlang sabihan si Isla at Jeryl, tutal ay nakakasama na namin sila. Wala akong ideya kung sino-sino ang sinabihan ni Jeydiel.
Speaking of him. Hanggang ngayon ay naninibagao pa rin ako sa kaniya.
Hindi ko rin tuloy malaman kung pinagtritripan niya ba ako. Mas nagiging kaswal ngunit malambing ang pakikitungo niya sa akin.
I sometimes checks my heart and it says nothing. I still didn’t feel something special for him. Yet this unexplainable reaction of my system on his actions are doubtful.
Sabado na ngayon at mamaya na ang party 6:00pm. Kakatapos ko lamang maligo. Nang sulyapan ko ang wall clock dito sa kwarto ay alas onse na. As usual, tanghali pa rin ako magising lalo pa’t weekend. Sinuklay ko pa muna ang buhok ko bago ko napagdesisyunang bumaba.
Nasaan na kaya si Kurama? Tanong ko sa sarili habang tinatahak ang daan pababa.
"Gudmurneng!" Napakunot nalang ang noo ko nang salubungin ako ni Jade.
Anong ginagawa nila rito?
Hindi lamang si Jade ang narito kundi pati na rin sina Jeryl at Isla. Paano nila nalaman ang bahay na ito? Mamaya pang 6:00pm ang start ng party. Bakit nandito na agad sila?
"Anong ginagawa niyo rito?" Hindi ko maiwasang pagkunutan ng noo.
"Aba taray ah! Iyan agad ang bungad mo sa amin? Hindi mo ba muna tatanungin kung kumain na ba kami?" Nginiwian ko nalang si Jeryl.
"Wag mo nang pansinin ‘yang baklang yan. Psh! hindi mo na kailangang tanungin kung kumain na ba yan kasi halos sumabog na 'yan kakakain."
Hinila ako ni Jade papuntang kusina.
"Pinaghanda na kita ng breakfast." Aniya pa. Nang makaupo ay isa-isa kong tiningnan ang niluto nya. Fried rice, bacon at tortang talong siyempre hindi mawawala ang coffee at fruits.
"Thanks." Tipid kong ngiti saka nagsimula ng kumain.
Simple lamang ang niluto niya pero kaibigan ko siya kaya sobrang na appreciate ko ang ginawa niya. Walang kahit sinong kaibigan ang gumawa sa akin nito kundi si Jade lang. Na-miss ko rin ang luto niya simula ng tumira ako sa bahay na ito.
"Aba saan naman ba kayo pinaglihi at ang susungit niyo?" Nakasunod na pala sa amin si Jeryl kasama ang natatawang si Isla.
"Natural na yon Jeryl, lalo pa't nakakairita ang kausap namin." Asik ni Jade sa paraang natatawa bago tuluyang umupo sa gawing harapan ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love (COMPLETED)
RomanceENDLESS SERIES # 1 Kapag tadhana na ang kumilos, expect the unexpected. It's either sasaya at sasaya ka, masasaktan at masasaktan ka, o matututo ka. Disclaimer: Cover is not mine. Credits to the rightful owner.