Xaria's P. O. V.
I AM silently looking at her but it gives me goosebumps when she smiled nonchalantly.
The hell? This girl is nuts, she looks psychopath.
"Nakita mo na ba sila??"
Kumunot ang noo ko sa tanong ni Miss Zenia,
"A-Ang ano?"
"Stygians,"kaswal na sabi niya.
Hindi ako nagsalita, nanatili akong nakatitig sa kanya at nanlaki ang mata ko nang may nilabas siyang buhanging kulay ginto na nakalagay sa isang kaha. Nagulat ako nang makita kong hinipan niya ang buhangin at simulang pasayawin sa hangin.
Para siyang isang guro na nagtuturo ng mahika, ang pinagkaiba, gumagamit siya ng kakaibang buhangin, at hindi wand.
"Tatapatin na kita Xaria, the power you possessed is not a power that made to save lives, it is a power to destroy, punish, and to kill."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa mga labi niyang nagsasalita. I remember the overwhelming darkness from the power. Those many voices echoing inside my head when I first encounter Stygians.
It's freaking me out. There's no doubt that it was from darkness.
Nagsimulang magkaroon ng larawan ang buhangin sa kaha ni Miss Zenia.
"During the third and almost last war. After the cursed wall was created, peace doesn't came."
The war between Arious and Diableries, how come peace doesn't came?
"The strongest Stygians, the ten generals summoned before by the Diableries during the first war, it rampages all over the world. It killed millions of Ariouses and Diableries."
"That time, no one can stop it, because Ashanti Deírov, is gone."
Nalunok ko ang sarili kong laway. Is it possible, that the dream I have, me and the girl. Is it Ashanti?
"Ang kasunduan ni Ashanti sa mga sinugo ni Haelous na mga anino ay hindi natupad. Dahil iyon sa lakas ng mga Stygians nung unang panahon. Inabot ng ilang dekada bago makaisip ang mga matatalinong Arious paano ito mapapatigil. Katagalan nila natuklasan, na hindi nila kayang patayin ang sampung Heneral na mga Stygians, pero kaya itong ikulong."
"Kasama ang sampung sobrang lakas na Stygians ang nilagay sa gubat na iyon. Natahimik ang lahat, bumalik ang ayos. Ang mga Arious na nakapagkulong sa mga Stygians na iyon ay tinawag na Agios o mga banal. Sila ngayon ang namumuno sa lahi ng mga Arious."
Napayuko ako. Mga bayani sila ng bayan noon, pero pumapatay sila ng mahihina ngayon. Tsk, how ironic.
"Not until..."
Nagtama ang mata namin ni Miss Zenia nang magsalita siya.
"Not until twenty years ago, nakakita ang mga Arious ng butas sa pader. Ang mga teorya ng mga dating propesor na muling magbabalik si Ashanti kasama ng sumpa niya ay nabuhay, nataranta ang lahat lalo na't papalapit na ang paglitaw ng ikatlong buwan. Doon tinatag ang Luna, pinagsama-sama ang mga napili ng Pnevmas sa henerasyon na ito, pero kulang pa rin."
Nalula ako sa nagsasayaw na buhangin habang nagkukwento siya. Pakiramdam ko nanonood ako ng isang palabas. Madilim, at malungkot na palabas.
"Hanggang sa natagpuan ang isang kasulatan, ang itim na libro, ang ligaw na libro mula sa mga diablerie. Ako ang nakakita nito, kasama ng ama mo."
Ang bawat balahibo ko ay nagtaasan at parang nagising ang diwa ko nang makita ko ang mukha ni Papa sa buhangin na sumasayaw.
Kita ko ang pagkatigil ni Miss Zenia at paglunok, pero nagpatuloy siya.
"Isang spell, na sinasabing may taong napili ng itim na buwan."tinitigan ako nito ng pagkakatagal. "It's a spell to create the greatest weapon. A Thánatos that can wield the power of Stygians."
"Stygians is the mortal enemy of mankind, but we can only take risks because Ashanti Deirov is the most powerful mage that could par on Gods."
"Simula noon, nagkasundo ang lahat na hahanapin ang itinakda. Walang nakalagay na kahit na ano, pwera sa simbolo ng Thanatos at ng espada na gawa ng sinaunang Pnevmas. Ang espiritu ng propesiya. Iyon lang ang kailangan sa spell."
Bilugan ang mata ko nang mawala ang sumasayaw na buhangin ni Miss Zenia. Nanlaki ang mata ko nang itutok niya ang hintuturo niya sa bandang puso ko.
"Dito ko sinaksak ang espada mo. The ten Generals is inside of you, Xaria Lin Menoa."
꧁༺༒༻꧂
BINABASA MO ANG
The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)
FantasyPeople in Valteroz were no longer afraid of war, but to the darkness they owned. For there's a monster residing in their shadow. The more powerful it is, the more strength you need to tame it, well the compensation was pricey: infants who wield dea...