Xaria's P. O. V.
NAPATITIG ako sa madilim na kalangitan, walang mga bituin at tahimik ang kagubatan.
Dahan-dahan ang paggalaw ko. Kahit na maliit na tunog mula sa tuyong dahon sa kagubatan ay hindi ko hinayaan na lumakas pa.
Matapos kong maiayos ang benda sa kamay ko, ay isinukbit ko ang mapurol na espada sa likuran ko at mga balisong sa tagiliran ko. Ikatlong araw na ito na pamumuslit ko para maghanap ng mga mababangis na hayop sa kagubatan malapit sa templo.
Kalmado akong naglakad sa kagubatan. Tanging liwanag lang ng bilog na buwan ang silbing gabay ko. Biglang nakaramdam ako ng pagtibok ng mabilis ng puso ko.
May panganib. May paparating.
Alerto at mabilis ang galaw ko na umakyat sa puno. Napalunok ako at nagtago sa katawan ng puno nang mamataan ko ang isang napakalaking lobo.
Naririnig ko sa usap-usapan noong naglalakbay ako na protektado daw ang gubat na ito ng mahika ng templo, walang sinumang rebelde ang makakapasok sa gubat na ito, pero ang mga mababangis na lobo na ito ay nakatira malapit dito.
At marami rami sila.....
But, I just became survivor of the forest.
Mabilis ang galaw ko na tumalon sa napakataas na puno at sinaksak sa likuran ang isang lobo. Umalingawngaw sa gubat ang sigaw nito, naramdaman ng gilid ng mata ko kung ano ang gagawin ng iba nitong kasamahan, inilabas ko ang isang balisong mula sa tagiliran ko at mabilis na gumalaw habang pinapakiramdaman ang paligid ko.
"A sword is a double edge weapon that could protect you as well as bring your own demise..."
Tumalamsik ang dugo ng mga lobo sa mukha ko, walang buhay ang mata ko na iniisip na, ang mga ito ay ang dilim na kakalabanin ko, tatlong araw mula ngayon.
Wala akong maramdaman...
Tatlong araw mula nang maisipan kong pumatay ng halimaw sa gubat ay wala akong maramdaman. Napatitig ako sa espada kong puno ng dugo.
After I've killed many wolves, I became sharp. Ang dating panganib na kinatatakutan ko, ay unti-unting nagpapagana sa akin na mabuhay ngayon. Pero habang napupuno ng dugo ang palad at espada ko,
Nawawalan ako ng emosyon. I'm losing something in me.
Naglakad ako papabalik sa bulwagan ng templo. Napalunok ako at naisip... Anong ginagawa nila ate Zia ngayon? Nasaan sila natutulog?
Humigpit ang hawak ko sa hawakan ng espada, I'd rather lose my emotions than see the people I want to protect vanish from my sight.
BINABASA MO ANG
The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)
FantasyPeople in Valteroz were no longer afraid of war, but to the darkness they owned. For there's a monster residing in their shadow. The more powerful it is, the more strength you need to tame it, well the compensation was pricey: infants who wield dea...