Xaria's P. O. V.
INAAYOS ko ang benda sa kamay ko habang nakasampa sa isa sa mga sanga ng puno.
"Ahhhhhhh!"
Iyon ang ikasampung sigaw na nagmula sa tao na narinig ko mula ng humiwalay ako sa kanila kanina.
I bit my lips because of uncertainty. I'm well aware of how dangerous this place but I'm too overwhelmed right now and my senses are shaking.
Kumuyom ang kamao ko at nagtangis ang ngipin sa galit. Wala pa akong napapatay kahit isa! Ang kaya ko lang gawin ay tumakas at magtago muna dahil hindi ko maramdaman ang paligid ko.
My senses are shaking because of too much trouble that this place has.
Kinakabahan ako, at mahirap ito dahil di ko masyadong maramdaman ang panganib dahil humahalo ang ingay na naririnig ko sa emosyon ko.
"Xaria, tama ba?"
Napalingon ako nang bahagya at nakita ko ang lalaking walang buhay na nakatingin sa akin. Nakatungtong ang paa nito sa isa rin sa mga sanga.
"Pwedeng ako nga, pwede ring hindi,"
Sinikap kong gawing normal ang boses ko. Nagtama ang mata namin saka ngumisi ako.
"You're not a Thánatos, so what are you?"
Napuno ng sarkasmo ang mukha nito dahil sa tanong ko. Tinapos ko ang pagbebenda sa kamay kong namumula at tumayo rin mula sa pagkakaupo.
"Oh well, I'm the symbol of death itself."
Mabilis ang galaw niya na hinugot ang espada sa likuran niya, dahil sa mabilis na pag-ilag ko ay ang sangang tinatapakan ko ang nahati at dere-deretcho akong nalaglag mula sa puno.
Ramdam ko ang hapdi at sakit ng pagbagsak ko pero tuloy-tuloy akong tumayo. Sobrang delikado ng gubat dahil daang Stygian ang andito, pero heto ako ngayon, hinahabol ng isa pang kalaban at maling galaw ko ikamamatay ko.
Kinuha ko ang espada sa likuran ko, hindi ako pwedeng mamatay. Ako nalang ang pag-asa ng pamilya ko, sa oras na manghina ako sa lugar na ito ngayon, katapusan na ng lahat.
Pakiramdam ko bumalik ako sa ulirat ko, nararamdaman ko na uli ang panganib, damang dama ko, at kahit maliit na galaw ng nasa paligid ko ay naririnig ko.
Hindi ako pwedeng manatili sa lupa ng gubat dahil nagkalat ang itim na tila usok at di ko alam kung kelan susulpot ang mga stygian.
Kailangan kong lumaban. Kung kinakailangan kong pumatay.
Papatay ako, para manatiling buhay.
"Hindi ka makakapagtago sa akin kahit saan ka pumunta!" rinig kong boses niya habang tumatakbo ako ng sobrang bilis.
Akmang ilalabas ko ang lubid na nasa sa gilid ng bewang ko nang makaramdam ako ng hapdi sa may paanan. Nanlaki ng todo ang mata ko nang makakita ako ng baging ng halaman sa paanan ko.
"Lahat ng sinasabi ko nagkakatotoo."
Ginamit ko ang espada ko para sirain ang baging na tali sa paanan ko pero nang maialis ko na, nakaramdam ako ng hampas sa ulo. Nanglalabo ang paningin ko na nakita ko siyang papalapit sa akin.
Kakaiba. Nakakarinig ako ng sobrang daming bulong na parang nagmula sa kailaliman ng lupa marahil na rin siguro nakalapat ang katawan ko sa tila itim na usok na meron sa gubat.
"Sino ka? sinong nagpadala sayo?"
Ngumisi siya sakin. Hindi siya Thánatos. Paano siyang nakapasok dito? sabi ng guro na si Zaras, tanging Thánatos lang ang nakakahawak ng espada ng mga Luna.
Sinabunutan niya ang buhok ko para maiangat ang paningin ko sa kanya, kulay berde ang mga mata niya.
"Ako ang kamatayan, sinabi ko na sayo, at nandito ako para isunod ka sa walang kwentang ama mo." his voice is filled with hatred and rage.
Kahit nanlalabo ang paningin ko, nakakita ako ng parang dilim di kalayuan. Alam kong nakatingin ito sa amin. Napatitig ako sa lalaki nang hugutin niya ang espada sa likuran niya, dun ko napagtanto na peke ang hawak nitong espada. Hindi ito espada ng mga Thánatos.
Ang espada ng Thánatos ay may simbolo ng buwan na may ahas, pero ang Espada nito ay may simbolo ng espada ng mga tao sa Centro.
Isang miyembro ng Agios.
"S-sino ka?" tanong ko sa kanya, ngumisi siya sakin at diniinan ang paghawak sa buhok ko dahilan para mapangiwi ako.
"I can't tell because your father is a murderer,but I'll tell you why I'm here."
Nanatili akong nakatingin sa kanya, doon ko nakita ang pinaghalong galit at sakit sa mata niya.
"I'm here to seek for vengeance...."
꧁༺༒༻꧂
BINABASA MO ANG
The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)
FantasyPeople in Valteroz were no longer afraid of war, but to the darkness they owned. For there's a monster residing in their shadow. The more powerful it is, the more strength you need to tame it, well the compensation was pricey: infants who wield dea...