Xaria's P. O. V.
NAPAPIKIT ako sa liwanag na tumambad saktong pagbukas ko ng mga mata. Napalunok ako at napapikit dahil sa sakit ng ulo ko. Para itong binibiyak sa sobrang sakit.
Pinilit kong labanan ang hapdi ng mata ko, at tinignan ang silid, saka ko nakita na may kadena ang parehong kamay ko at mga paa.
Mabilis akong napaupo. Sila mama! Sila ate Zia!
I clenched my fist, I'll make sure that Centro will pay for everything...
Nanggaling na ako mula sa gubat. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kailangan kong makaalis dito kung hindi, mapapahamak sila mama. Kailangan kong ipakita na buhay ako sa Centro!
I'm in the verge of crying. Slowly, I'm starting to feel hatred and sympathy to myself.
Ito ba ang plano ng centro?
"Gising ka na pala."
Mabilis akong napatingin sa pinanggalingan ng boses. Doon ko tuluyang napansin ang paligid ko. Purong puti ang mga pader at maraming ilaw sa silid.
"S-sino ka?"
Nanginginig ang boses ko sa galit. Hindi ito inalinta ng babaeng may mahabang buhok at nakaitim na suot. Marahan itong naglakad papalapit sa akin. Naging matunog bawat hakbang nito para sa aking pandinig.
"I was about to ask you the same. Who are you?"
Mabilis na kumunot ang noo ko nang hawakan niya ang dulong hibla ng buhok ko. Nang akmang hahawakan niya ang pisngi ko ay iniwas ko ang mukha ko.
"Parte ka ba ng centro?"
I tried to calmed myself but in the inside, I'm screaming because of desperation to leave this place.
Napatingin ako sa mukha ng babae. Lumamlam ang mata nito at para bang nakita ko itong kumislap dahil sa pagkahabag.
"Hindi ako parte ng Centro. Pero hawak na ngayon ng Centro ang pamilya mo para sa public execution."
P-Public execution?
Naging matunog ang pag-abot ko sa kamay niya dahil sa kadenang nakabalot sa pulsuhan ko.
"P-Pero nabuhay ako... Sabi nila pag nakabalik ako ng buhay sa gubat, maliligtas ang pamilya ko.."
Lumandas ang parehong luha sa mata ko. Muli akong tumingin sa babae at nagtama ang mata namin.
"K-kung hindi ka parte ng Centro, sino ka?"
Biglang naging blangko ang mukha ng babae, nagulat ako nang maglabas siya ng kapirasong papel na nakatago sa coat niya.
"Work for me first, sign a contract, be my subordinates, and I'll do everything in my power to do the things you'll ask."
꧁༺༒༻꧂
BINABASA MO ANG
The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)
FantasyPeople in Valteroz were no longer afraid of war, but to the darkness they owned. For there's a monster residing in their shadow. The more powerful it is, the more strength you need to tame it, well the compensation was pricey: infants who wield dea...