Xaria's P.O.V.
HUMAHANGOS ako sa sobrang pagod habang nakasandal at nagtatago sa isa sa mga puno. Rinig na rinig ko ang parang mga bulong na nagmula pa sa ilalim ng lupa habang kabadong nakikiramdam sa paligid ko.
Wala pa akong napapatay kahit isa. Matapos kong tumakas sa lalaking humahabol sakin kanina, hindi ko alam ang nangyari, pakiramdam ko nagsimula ng maglabasan ang mga halimaw sa gubat na ito, mas lalong dumilim ang paligid at mas delikado ito.
Pero hindi sa panganib ako namomroblema kung hindi sa kung paano ko magagawang makapatay, kahit na isa man lang.
I clenched my fist. I am weakling. I know it, but even so, I am the only hope of Menoa family.
"M-Mamamatay na tayong lahat."
Naagaw ang pansin ko ng boses na paulit-ulit kong naririnig. Nakita ko ang isang babae na nakatago sa isa sa mga puno.
Nanginginig ang boses na paulit-ulit na binubulong ng isang babae na nakatago rin sa isa sa mga puno. Isang puno ang pagitan naming dalawa pero rinig na rinig ko ang malakas na paghikbi niya.
No, I can't die.
I just need to be smart. I know I can do it, I know I can still manage to kill even just a single stygian.
I unconsciously look at my swollen hands. I've been swinging my sword like crazy for this hellish moment. I must find a way to live!
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa isa sa mga matibay na sanga ng puno, espada lang ang meron ako, hindi ako pwede magkamali ng galaw dahil maaaring maging katapusan ko iyon.
"Saan ka pupunta?"
Napalingon ako sa nagtanong, nakasalubong ko ang mukha ng babae, nanginginig ito sa takot at itim ang ilalim ng kanyang mga mata.
"Kailangan kong pumatay,"
Nanlaki ang mata niya. Pero napamaang ako sa biglaang pagtayo niya rin mula sa pagkakaupo sa sanga.
"P-Pakiusap, isama mo ako sayo, natatakot ako."
Humigpit ang hawak ko sa espada ko. Gusto kong tumanggi pero parang hindi ko kaya. Umiwas nalang ako ng tingin at tumalikod.
Her face resembles the fear and agony. It was as if, she know that she'll die, but she wanted to runaway from the reality.
I am unaware of my face and expression right now. But I am certain that we are different. I am not scared of death, I have no right to be scared. Once I'll die, my sister and my mother will die.
But I can't help but to symphatized with her. I know those lingering feelings but I decided to face it even though I know I'll have no chance. But still, even it's false hope...
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"G-Gawin mo kung ano ang gusto mo."
"ANO bang ginagawa mo?"
Hinigpitan ko ang pagkakatali ng lubid sa puno. Sakaling may mangyaring hindi maganda, hihilain ako nito.
"Para saan ba---"
Irita kong tinignan ang babae na katulad ko ay nakatungtong din sa mga matibay na sanga.
"Bakit ka ba sumama sa akin? Para magtanong nang magtanong?"
Iritable ang boses ko, at kita ko ang paglaki ng mga mata niya. Pero maya-maya ay yumuko siya.
"Yung mga mata mo, buhay na buhay."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, umangat siya ng tingin at nagtama ang mata naming dalawa.
"Sinasabi ng mata mo na gustong gusto mong mabuhay, sa tatlumpung tao na mula sa templo, lahat kami, lahat sila ay takot ang mata sa kamatayan. Pero, ito ang kauna-unahang beses na nakakita ako ng mata na hanggang dulo, gusto mabuhay."
"Sumama ako sayo,hindi dahil gusto ko lang dumikit para mabuhay. Sumama ako sayo, dahil gusto kong makita ka sa huling oras ko dito sa gubat."
Nanatili akong tahimik at tinignan siyang paglaruan ang mga daliri niya, nagpatuloy siya sa pagsasalita.
Nakagat ko ang labi ko, at nalunok ang sariling laway. This is stupid, I can't even save myself, yet she come with me hoping that I might be able to save her.
"Tatlo kaming magkakapatid, at lahat kami ay thánatos ang simbolo. Ang dalawa kong nakakatandang kapatid ay namatay sa gubat na ito noon."
She breathed deeply and cleared her voice, as if she's forcing herself not to cry. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko.
Ang alam ko lang ay wala akong alam dahil masyado kong iniintindi ang sitwasyon ng pamilya ko.
"Pag namatay din ako sa gubat na ito. Wala nang makakasama ang Lolo ko, pero gusto kita makita na makapatay ng Stygian,"
Nagtama ang mata namin, kumikislap ang mata niya at naging isang repleksyon ng buwan.
"Gusto kong mabuhay katulad mo sa huling oras ng buhay ko. Kaya pakiusap, isama mo ako sa plano mo kung paano ka makakapatay ng stygians."
Bumuntong hininga ako.
"Then be a good girl until both of us survive in this stupid forest."
Kagat ang labi ko na inayos muli ang lubid at umiwas ng tingin.
Stupid, Xaria you are stupid.
I don't want to have false hope, nor give it to someone whose seeing their death as of this moment.
But I'm so stupid, I can't help it.
꧁༺༒༻꧂
BINABASA MO ANG
The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)
FantasyPeople in Valteroz were no longer afraid of war, but to the darkness they owned. For there's a monster residing in their shadow. The more powerful it is, the more strength you need to tame it, well the compensation was pricey: infants who wield dea...