Xaria's P. O. V.PAGDATING ko sa room ay tumama ang mata ko kay Adri. She's scribbling something on her notebooks.
I ignore her, and just like that, an old male teacher came.
Nagkaroon ng simpleng attendance ang lalaking guro sa harapan, matapos 'non ay nilabas na niya ang wand niya.
"Today we will discuss about the history of the Katára Teíchos or known as the cursed wall."
Agad na na nanahimik ang silid at taimtim na napatitig ang lahat sa guro. Ang cursed wall na sinasabi niya ay ang pader na naghahati sa white and black sorcerers.
Kilala ang Valteroz bilang isang mundong minsan buo pero nahati dahil sa giyera tatlong daang taon na ang nakalilipas. May isang napakataas na pader na abot hanggang langit na gawa sa mahika na kahit sino ay hindi mabubuksan.
Sinasabi na ang kabilang bahagi ng mundo ay tahanan ng mga Diableries, ang kaaway ng mga Arious.
Pero bihira itong pag-usapan, takot na masumpa rin sila. Tanging ang mga éxypnos lang o may magic na may kinalaman sa utak katulad ni Sir ang may kakayahan na ilahad ang kwentong yun.
Particularly mga teacher....
"Ang gray war ay naganap noong 1775 hanggang 1777. Isa itong digmaan laban sa mga Diablerie at sa mga ninuno nating mga Arious."
Parang walang kumukurap sa silid nang magsimula siyang magkwento, lalo na nang ilabas ng aming guro ang kanyang wand at nagpakita ng mga larawan na para bang isinasayaw ng hangin.
"Bago maganap ang giyera at wala pang napakataas na pader na naghahati sa mundo, magkasamang naninirahan sa Valteroz ang mga diablerie o mga black sorcerers at ang mga Arious. Pero noon pa man, may hidwaan na ang dalawang panig. Dahil kasi sa mga Diablerie nabuhay si Haelous, ang halimaw na naninirahan sa pinakamadilim na kweba ng Styx."
"Noong 1600's nagsimula ang Zenith's offer pero hindi pa sanggol ang inaalay, kung hindi dugo lamang ng bawat isang tao sa daigdig. Kapalit nito ay ang pananahimik ng kalahating parte natin,"
"---Ang demos o ang anino natin na kontrolado din ni Haelous."
"Pero noong 1750, isinilang ang babaeng papantay sa lakas ni Haelous. Pero imbes na iyon ang magpapanumbalik sa kapayapaan, naglaban ang mga diablerie--mga nagsasamba kay Haelous, laban sa mga Arious."
"May ibang propesor na nagsasabi na isang forbidden spell ang kakakayahan ng babae na i-cast. Dahil sa kanya, nahinto ang giyera at muling nawala ang halimaw na si Haelos. Pero ang kasunduan pala ng forbidden spell na iyon, ay kamatayan. Doon nagsimula na magkaroon ng tanda na Thánatos- ang mga nakatakdang ialay, ang iba'y sanggol palang nagmamanifest na kaya mabilis itong naiaalay, pero may iba naman na sobrang rare na nag-mamanifest ang tanda sa edad na kinse sa oras na hindi sila mapili ng mga Pnévma— ang Espiritu ng bawat Elemento."
BINABASA MO ANG
The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)
FantasyPeople in Valteroz were no longer afraid of war, but to the darkness they owned. For there's a monster residing in their shadow. The more powerful it is, the more strength you need to tame it, well the compensation was pricey: infants who wield dea...