Chapter 7: Trap

1.9K 82 12
                                    


Adri's P.O.V.


"TINGIN mo mabubuhay siya?"


"Nung nakaraang taon daw, lahat ng may mga Thánatos na simbolo sa iba't ibang bayan ay umabot ng higit sa daan, pero matapos ang isang gabi sa itim na gubat, wala daw natira kahit isang nabubuhay"


"Taun-taon paunti ng paunti ang naglalakas na loob na pumunta sa gubat na iyon."


"Shhh, naririnig kayo ni Adri...."


Naikuyom ko ang kamao ko sa inis habang nakaupo sa silya ko sa aming silid. Higit isang linggo na mula nang umalis si Xaria sa bayan na ito. Nasisiguro kong sa araw na ito, dadalhin na siya sa gubat ng mga Stygians.


      Ginawa ko na lahat ng magagawa ko para magkaroon kahit papaano ng proteksyon sa Centro ang pamilya niya, narinig ko na ang paghahatol ay mangyayari dalawang araw mula ngayon.


  But no matter what I do, I'll still be a traitor.


    Centro has been doing many crimes. Money embezzlement, corruption, prejudice and many unjustified acts. Sa bawat bayan, hindi lang sampu ang nakatakdang magkaroon ng simbolo ng kamatayan sa nga sanggol. Daan o higit pa. Pero naitatago ng Centro mula sa kamatayan ang mga batang mula sa mayayamang pamilya. Sa huli, pinipili lang nila ang mga sanggol mula sa mahihirap na pamilya. 


   Menoa has many secrets, but Centro was just unjust...


       Sigurado akong hindi patas ang Centro, kahit na walang kasalanan ang ate at Mama niya, sa huli, public execution ang magaganap dahil siguradong tatanggi ang buong miyembro ng centro na kunin na alipin si ate Zia at mama niya.


      Wala sa sariling naalala ko ang kinahinatnan ng Papa niya, nakaramdam agad ako ng panginginig.


    Pumasok ang lalaki naming guro sa silid na si Mr. Lancaster, inayos muna nito ang salamin bago ilapag ang kanyang libro at magsimulang magsulat sa pisara.


"Today we're going to discuss about the anatomy of a single Stygian...."


Sa di maipaliwanag na dahilan, biglang nagtama ang mata namin ng guro. Wala akong ibang maramdaman kung hindi kawalang gana.


"But before that, I would give you some informations about them."


Inilabas nito ang wand at naggawa ng tila mga larawan na kumikinang dahil sa kanyang mahika.


"What can you see here is not exactly the image of a Stygian, for no one can stare at them for ordinary people cannot stare at them for too long. Ang mga Stygians din ay hindi napapatay basta-basta ng mahika ng mga Arious, ang kaya lang makapatay sa kanila ay isang mortal na may simbolo ng Thanatos na may basbas sa templo ang sandata o di kaya ay ang itim na mahika na meron sa mga diablerie..." Sambit ng guro naming lalaki, humarap naman siya ngayon sa pisara at iginuhit niya ang buong estruktura ng katawan ng isang stygian sa pisara.

The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon