Xaria's P.O.V.
"MALIGAYANG pagdating sa bulwagan ng itim na gubat."
I sighed as I stares intently at my shoes and the bandages on my fist. Puno ng mga kabataan na may simbolo ng Thánatos ang mga kasama ko. We're gathered and in front of us is a girl with white hair and blue clothes. Her eyes is blue and she has menacing aura. She looks like a creature or a guardian of a sea in a human form.
I don't know why I'm getting chills while looking at her. Bakit kaya?
Lahat kami ay nakatungtong sa isang malaking tipak ng bato. Isang spell circle din ang mismong tinatapakan namin.
"Ang tinatapakan niyo ngayon ay may binded spell na ginawa ng mga magagaling na Arious," nakangiting sambit ng babae na nasa harapan, may itinuro ito sa madilim na parte ng gubat.
"Sa oras na tumungtong ang paa niyo sa labas ng spell na ito, kailangan niyo nang makipaglaban sa mga stygians..."
Parang nabingi ako sa bilis ng tibok ng puso ko habang nagsasalita siya.
"Gusto kong sabihin sa inyo na ang mga stygians na nasa parte ng gubat na ito ay ang mga stygians na hindi marunong tumupad sa usapan at kumikitil ng buhay at kumakain ng mga tao na hindi inaalay sa templo ng Zenith... Sila ang mga stygians na itinuturing na preso at mababangis... Pero hindi sila basta-basta mapatay ng simpleng Arious kaya ikinulong nalang sila sa gubat na ito..."
Ngumiti ang babae sa harapan at biglang kumunot ang noo ko nang magtama ang mata namin nito at umiwas bigla ng tingin.
"Meron kayong walong oras para pumatay at manatiling buhay. Pagdating nang bukang-liwayway at nakapatay na kayo ng Stygian, maari na kayong makatungtong dito sa spell circle at manatiling ligtas."
"Pero kung hindi kayo makakapatay kahit isang Stygian...."
Kinilabutan ako nang bigla itong ngumisi. I really mean it when I say there's something wrong with her. She looks like a psycho.
"Kahit anong gawin niyo, hindi kayo makakatapak sa spell circle na ito."
Nagitla ang lahat nang biglang lumutang ang grimoire ng babae sa tabi nito.
"Maari niyo nang ilabas niyo na ang mga espada niyo. Nawa'y gabayan kayo ng lumikha sa inyong pakikidigma."
"kidemónas medeis: novis simaíno..."
Unti-unting naglaho ang babae kasama ng spell circle na tinatapakan namin. Mabilis kong inilabas ang bagong espada na nakasukbit sa likuran ko at pinakiramdaman ang paligid.
Pero sa di inaasahan ay biglang napangisi ako sa biglaang pag-intindi ko sa kutob ko... hindi lang pala Stygian ang makakalaban ko sa gubat na ito.
Humigpit ang hawak ko sa espada ko, naririnig ko na paunti-unti ang sigaw at hiyaw ng mga di mapangalanang boses na maaring mula sa kailaliman ng lupa. Ngayong nawala ang spell circle, malinaw kong nakita ang dahilan kung bakit itim na gubat ang tawag sa lugar na ito. May itim na usok na bumabalot sa buong gubat.
Tatlumpu. Tatlumpung tao bukod sa akin ang nakatungtong din sa tinatapakan ko. Pero ang isa sa kanila ay hindi nandito para lang mabuhay at pumatay ng mga Stygians, kundi para patayin ako.
Sa katapusan ng boses, ng hiyaw, ng sigaw, ng iyak, at ng nakakatakot na tunog.
Tila nakita ko ang gagawin ng mga dilim.
May isang lalaki sa harapan ang nagtaas ng espada at sumigaw...
"Magsama-sama tayong lahat at walang hihiwalay-----"
Ngunit ang lahat ay napasinghap nang biglang tumalon ako pababa mula sa tinatapakan kong tipak na bato.
There's a snake in this group. One wrong move, I'll die.
꧁༺༒༻꧂
BINABASA MO ANG
The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)
FantasiPeople in Valteroz were no longer afraid of war, but to the darkness they owned. For there's a monster residing in their shadow. The more powerful it is, the more strength you need to tame it, well the compensation was pricey: infants who wield dea...