Chapter 18: Mad World

1.4K 80 9
                                    


Zenia's P. O. V.


"ARGUS...."


Yumuko siya senyales ng paggalang, nakatingin ako sa kanya nang mag abot siya sa akin ng papel.


"Mula sa Centro? Anong ibig sabihin nito?"


Tumuwid siya ng tayo mula sa pagkakatanong ko. Ang Luna ay espesyal na hukbo na hindi pwedeng pakialaman kahit ng Centro na pinaniniwalaang gobyerno ng mga Arious.


"I'm here for your signature Ms. Klain..."


Wala akong ibang nagawa kundi buksan ang sobre at ilabas ang mensahe.


Taimtim akong napatitig sa papel at galit na tumingin kay Argus.


"Xaria Lin Menoa," Bumuntong hininga ako.


"Ang Centro ay na--"


Naputol ang sasabihin niya nang pinunit ko ang mensahe at nilagay sa basurahan.


"Tingin niyo ba madadala niyo ang Luna sa kalokohan na meron ang Centro?!"


Nakakuyom ang kamao ko sa inis. Nanginginig ako sa galit, pero kita ko ang biglaang pag-ngisi ng kaharap ko.


"Your ex-comrades is a traitor, and the traitor's offspring is not an exception. You should know where to stand Miss Klain."


Nakita ko sa mata nito ang pagbabanta. Umalis ito sa silid ko ng walang sali-salita.


They want the little Menoa dead even if it survive. Napangisi ako, it's both impossible and ridiculous.


Never in the forest got a survivor.


Napaupo ako sa inis. Hindi ako papayag na mapasama ang hukbo ng Luna sa kalakaran ng mga Agios. Sapat na ang nangyari sampung taon na ang nakalilipas.


"Miss Zenia, ang karwahe po ay ayos na."


Napatingin ako kay Weina na pumasok sa silid. Yakap-yakap nito ang libro.


"Wala pa ring balita sa itim na gubat?"


Malapit nang mabuhay ang nasa sumpa ni Ashanti. Taon taon, namamatay ang mahihina, ang mga Thánatos. Pero kung magkakaroon muli ng gyera at madamay na naman ang milyong inosenteng mga Arious. Hindi ko yun hahayaan. Iisipin ko nalang na isang sakripisyo ang mga may simbolo ng Thánatos.


"Labing limang minuto na lang po ang natitira bago sumikat ang araw. Kailangan na po kayo para ipagdasal ang mga namayapa."

The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon