Chapter 32: Hunt

1.2K 62 3
                                    


Xaria's P. O. V.

       NAKATULALA ako sa sa kisame habang nakahiga sa kama. Ang liwanag ng buwan ay tumatagos sa bintana ng aking silid.

   Ngayon ko napansin ang paligid ko. Purong gawa sa mamahaling kahoy ang bawat pader at kisame sa silid. Ang totoo, nung unang dating ko dito ay nahiya akong itapak ang paa ko sa sahig.

    Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko at biglang bumangon sa pagkakahiga, napatitig ako sa salamin at tinitigan ang dibdib ko. Dalawa ang simbolo ko, paano?

      I have two hypothesis, first is what only remain on me is my symbol, the power of it was already steal by someone. The second is unknown, but it has something to do with Centro.

     Ang mga Menoa ay lahi ng mga mage na nagp-produce ng deviants, my father Xarious  was known as deviants. But he's assassin type, that's why there's limit to the information about him. Kahit ako, hindi ko pa nakita nang harapan ang kapangyarihan niya, tanging espada at balisong lang ang ginagamit niya para lumaban.

      Naalala ko, nang magising ako mula sa gubat ay nandito na ang peklat pero ang pinagtataka ko.

      Lumabas ang isa pang simbolo, saka naglaho ang peklat mula sa saksak ng espada.

     Ang kwintas na ibinigay ni Akhelois ang pakiramdam kong rason kung bakit biglang sumulpot ang isang simbolo. Pakiramdam ko, sa kwintas ay may nakasilid na isang spell na nagbind sa simbolo na meron pa ako.

     Pero bakit? Bakit hindi ko alam? Bakit wala akong alam? Bakit pakiramdam ko lahat sa paligid ko ay may tinatago? Kung ang orihinal ay may simbolo na talaga ako mula nang isilang, paano ako naging Thánatos?

      Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin,wala itong buhay. Wala sa sariling napatingin ako sa bukas ng bintana ng aking silid bago kuhanin ang espada ko sa gilid.

    I have to be strong no matter what it takes.

     It's time to hunt and gather informations.
     

 

      NAGISING ako dahil sa katok sa pintuan ng silid ko. Wala sa sariling bumangon ako at kinusot kusot pa ang mata.

        Tinignan ko ang labas ng bintana ko, mayroon pa ring buwan at madilim pa ang kalangitan. Bumuntong hininga ako at binuksan ang pintuan sa silid, kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang babae na nakauniporme na itim. Parang mga alagad ni Miss Zenia.

       May inilahad itong damit sakin na nakatupi, agad na naagaw ng parang ginto na patch ang pansin ko. It's a symbol of moon. Dalawang crescent moon ang nakapalipot sa isang buong buwan.

"Ms. Xaria Lin Menoa. Oras na para maghanda dahil ang pagsasanay ay magsisimula saktong ala-singko ng umaga."

         Wala akong rekla-reklamo na kinuha ang damit at dumeretso sa banyo ng silid ko.

 
   
  Lumabas ako mula sa banyo na kumpleto na ang lahat, isinukbit ko sa balikat ko ang espada.

      Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang babae kanina. Nginitian ako nito kaya agad kong sinuklian ito.

      Nauna itong maglakad sakin at sinundan ko lamang siya.

     I'm not really familiar with the places. Baguhan palang ako, ang alam ko lang isang kwarto mula espesyal na dorm ang tinuluyan ko kagabi. Ang eskwelahan, ne ang entrance ng lugar? Wala na akong alam. Pakiramdam ko maliligaw ako sa lugar na ito, mas malaki pa ata ang school sa bayan na kinalakihan ko.

"Ako po si Miane, maari niyo po akong tawagin tuwing may kailangan kayo." biglang sambit nito na tinanguan ko.

    
      May mga fog pa ang buong eskwelahan. Madilim pa rin ang kalangitan, I thinks its still not five in the morning. Nahinto si Miane sa tapat ng isang napakalaking tipak ng bato na nakaangat. Para itong battleground. Isang sementadong battleground.

         Napansin ko di kalayuan na may mga tao nang nakatayo dito. Iginaya ako ni Miane sa hagdan, wala akong ibang magawa kung hindi magpasalamat na lamang sa kanya at umakyat.

      Limang tao pa lamang ang naroon, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nakita ko.

      Nazzi Rae Klain.

      Ramdam ko ang titig nito habang papalapit ako, so that bastard has a guts to stare.

     May dalawang babae ang naroon, pare-parehas kami ng mga suot.

    Pero nahinto ang mata ko sa paparating, sa iisang lalaki na kulay putik ang buhok, may kahel na mata at may dalang espada na parang nililok para sa mga kabilang sa Centro.

      The one who tried to kill me in the forest.

     Ngumisi ako nang magkatinginan kami nito.

      Is it a prey or a predator? 

꧁༺༒༻꧂

The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon