Chapter 17: Between Illusion and Reality

1.4K 84 4
                                    


Xaria's P. O. V.


"THANATOS."


"afíno mou kaloúpi..."


"pericharís."


"échoume ítan anastíthike me Theós."


Bawat sigaw at bulong ay hindi ko maintindihan at hindi ko alam kung saan ang pinagmulan. Para akong nasa bangungot. Nagsisimula na akong makakita ng mga bagay at ala-ala na di ko alam.


I feel like I'm not in my own body. I'm so confused that I'm finding who's the real me. 


"You are cursed." Sambit ng lalaki habang may hawak na kutsilyo.


"You should die."


Saan sa mga ito ang ala-ala ko? Sino ako?


Pero napangisi ako.


Paano ko makakalimutan ang pangalan ko?


"Arghhhhh!!!!"


Naramdaman ko ang pagbagsak ko dahil sa sakit ng ulo ko. Nakakita ako ng pulang likido matapos kong hawakan ang noo ko. Nanglilimahid sa dumi ang kabuuan ko pero tumayo ako.


Kailangan kong makaalis sa gubat na ito dahil masasama ako sa magiging abo sa pagsikat ng araw.


"Anak, aalis si Papa, kailangan mong protektahan ang mama at ate Zia mo, okay?" Inayos niya ang sombrero at ang parang brief case na dala niya.


"Bakit Pa? Saan ka pupunta?"


"Sa lugar kung saan walang mga Arious anak..."


"XARIOUS!!!!" Tinakpan ko ang mata ko sa nakita ko. Nakataas sa isang poste ang isang lalaki na may pako sa mata at puno ng galos ang katawan.


Napatingin ako kay mama, bakit niya sinigaw ang pangalan ni Papa?


Saan sa mga ala-alang ito ang sa akin?


"Maawa ka sa mga sanggol!!"


Sino? Sino ako?


"Why can't you just quit?"


 Nanlalabo ang mata ko nang maaninag ko ang tila liwanag sa harapan ko. Sa gitna ng itim na usok na pumapalibot  sa buong kagubatan, nakakapagtaka na kaya ko pa ring makita ang liwanag.


Nagtaasan lahat ng balahibo sa katawan ko nang ilahad nito ang palad niya sa akin. Naramdaman ko ang patuloy na pag-agos ng luha ko nang makita ko kung sino ito...


"P-Papa.."


      Ang dami kong tanong, bakit ko kailangan pagdaanan lahat ng ito? Everything doesn't feel right the moment I wake up from this world.


      This is so vivid...


Ang espada ko ay halos mabaon na sa lupa at ginagawa ko ng tungkod. I am shivering because of pain all over my body, but I can't stop now. 


"I am sorry..."


    Wether the smiling face of my father right now is an illusion or reality, I can't care now...


"I c-can't stop..." sambit ko, pinapatatag ang sarili at patuloy na naglakad kahit na hinang-hina na.


     Nilagpasan ko ang imahe ng yumao kong ama sa harapan. 


Alive or dead, survival or death, premonitions or reality, I don't care.


       Reality, illusion and everything is both stupid anyway. 


꧁༺༒༻꧂



The Child Of Stygians (Stygians Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon