KABANATA 9 Part XXXIII | Pagbabalik-tanaw Sa Ibang Mga Nakaraan

726 33 57
                                    

Maricel:(old Maricel played by Lui Manansala) Oh bakit anak is there any problem?

Aubrey: K-kind of.(Aubrey played by Liezel Lopez)

Maricel: Eh sino ba kasi yun?

Aubrey: S-si Azriel, mommy.*worried*

Nang marinig naman ng kanyang ina ang ngalang sinambit nya ay agad itong natigilan at gulat na tiningnan ang kanyang anak. Nagmadali itong tumayo at tiningnan ang labas n bintana at nanginginig na siniguradong nakasarado ang mga pinto nila, agad namang pinahihinahon ni Aubrey ang kanyang ina dahil ramdam nito ang takot sa kanyang mukha.

Aubrey: Mom calm down.*worried as she rub her hands on her mom's back*

Maricel: Anong ginagawa nya rito? Bakit at paano nya nalaman ang address sa bagong bahay natin sinabi mo ba?!*natataranta*

Aubrey: Mommy no, hindi ko rin po alam kung paano nya tayo nahanap. Maybe nagtanong tanong sya sa kumpanya natin and found a way to trace our new house. And besides may kapangyarihan si Azriel na maamoy ang pagiging Encantada ko.

Maricel: Bakit ngayon mo lang to sinabi sa akin, anak?*shaking*

Aubrey: Ayoko lang po na mag-alala kayo ng ganyan. Pero wag kang mag-alala mommy, kahit anong mangyari hindi ako sasama sa kanya, at lalabanan ko sya lalo na kapag sinaktan ka nya.*assuring face*

Maricel: Ayoko lang kasing mawala at sumama ka sa kanya, anak. Hindi ko na kakayaning iwanan mo ako.*cries* Alam kong napakadaming naitulong sa atin ng kalahi mong Encantado, sa lahat ng mga gintong inaabot nya sa atin noon ay naitaguyod at hindi na tayo naghirap. Kaya noong nakaahon tayo sa hirap at umunlad na ang negosyo ng kumpanya naisip ko ng lumipat dito sa bahay na ito. Anak, promise me you will never ever leave me.*cuffs Aubrey's face*

Aubrey: I promise. Hindi na ako babalik kung saan man ako nanggaling dahil hindi ko na ring gustong bumalik ang dating ako.*cries*

= FLASHBACK =

Dali-daling kumuha ng isang plato at baso si Maricel(adult played by Jean Garcia) sabay na inilagay ito sa kanilang maliit na lamesa at nilagyan nya ito ng kanin at maliliit na daing na pritong daing ng plato at nilagyan rin ng tubig ang baso. binitbit nya iyon patungo sana sa isang maliit na silid na kanilang kubong gawa sa nipa ngunit pinigilan muna sya ng kanyang asawa na si Gaspar(played by Benjie Paras) na ipinatong ang kamay sa braso ng kanyang asawang si Maricel kaya napahinto at napalingon ito sa kanya.

Gaspar: Maricel, bakit ba kasi inampon mo yang Engkantong yan, natatakot ako para sa'yo, para sa atin.*worried* Nakita mo naman na nakakatakot ang mga nagdala sa kanya dito. Maligno sila, maligno yang batang yan!*barely whispering*

Maricel: Alam kong hindi sya kagaya natin Gaspar, pero kahit ganon pwede natin syang tanggapin at mahalin bilang isang tunay na anak. Magtiwala ka lang.

Gaspar: Alam ko namang hindi kita mabigyan ng anak Maricel kaya mo tinanggap yung malignong bata na yun pero sana sa bahay ampunan nalang tayo naghanap, doon tao pa ang magiging anak natin at hindi isang Engkanto.*worried*

Maricel: Gaspar alam kong nag-aalala ka lang na baka mapahamak tayo sa kanya, pero nararamdaman kong mabuti sya. At isa pa nangako rin sa atin ang nagdala sa kanya rito na tutulungan na tayong makaahon sa hirap sa pamamagitan ng gintong ibibigay nya sa atin linggo-linggo, mas masusuportahan natin si Aubrey.*smiles*

Gaspar: Aubrey?

Maricel: Aubrey ang napagdisisyunan kong ipangalan sa kanya dahil nakikita ko naman na bagay sa kanya eh. Hindi naman kasi sinabi sa atin ng nagdala sa kanya rito ang pangalan nya kaya ako nalang nag-isip para sa kanya, at hindi naman sinasabi ni Aubrey sa atin ang pangalan nya.*smiles*

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon