Kakambal ni Cassiopea: Alam kong anak mo si Adhara, Castrell. At alam ko rin kung gaano ka kagalit sa mga diwata dahil sa ginawang pagtataboy sa iyong anak noon. Pagtataboy nila na mahawakan mo ang mga brilyante.
Castrell: Kaya hindi mo ako masisisi kung ganito nalang ang aking pananabik na magantihan ko sila mahal na reyna. Kay tagal na panahon akong nagtago sa aking anak, na syang akala nya ay namayapa na ako. Akala ko ang aking paglayo sa kanyang tabi ay makabubuti pa sa kanya. Nasaksihan ko ang kanyang paghihirap sa Encantadia, tapos ay pinatay lang sya ng bwisit na mga diwata na iyan ng ganon ganon lang! Lalo na ang Amihan na yan!
Kakambal ni Cassiopea: Alam ko ang iyong pinagdadaanan at iyong nakaraan Castrell. Kaya mo hindi nagawang makasama ang iyong anak dahil mahina ka pa noon dulot ng una nating paglusob kay Dimetria. At ngayon na ang pagkakataon upang tayo ay bumawi, dahil matagal na tayong naghahanda at naghihintay sa pagsakop muli sa Encantadia.
Castrell: At nagpapasalamat akong muli sa inyo sa pagkupkop mo sa akin mahal na reyna. At sususportahan ko kayo sa kahit anong hakbang na gagawin nyo sa mga pashneang diwata na iyan. Dahil alam kong matatalo natin sila kahit na ano pang gawin nilang paghahanda.
Kakambal ni Cassiopea: Tama ka. At simula ngayon, magsisimula na akong magbalik at katakutan nilang lahat. Tapos na ang paninindak Castrell, oras na para muli natin sila paiyakin sa takot.*wicked smile*
Castrell: Masaya ako na magsisimula kana mahal na reyna. Ngunit paano mo sila mapapaiyak at tatakutin? Gayong alam nating matataas ang kanilang mga tingin sa kanilang mga sarili?
Kakambal ni Cassiopea: At sa tingin mo ba'y hindi ko alam kung ano ang kanilang kalakasan at kahinaan mahal kong mashna?
Castrell: At ano naman po iyon mahal na reyna?
Kakambal ni Cassiopea: Ang mga kalakasan at inspirasyon nila ngayon ay ang bawat isa. At lalong lalo na ang mga bagong sang'gre na kanilang pinangangalagaan. Makikita mo Castrell, ang mga batang sang'gre rin ang kanilang kahinaan. At gagamitin ko silang kahinaan ng mga Hara at Rama ng Encantadia. Gusto ko na rin silang makilala at mapaslang nang sa ganon ay wala na silang susunod na aasahan pa sa hinaharap.
Castrell: Kailan mo naman ito balak gawin mahal na reyna?
Kakambal ni Cassiopea: Sa mga panahong abala sila sa ibang mga bagay na hindi na nila mamalayan ang aking paglapit sa kanilang minamahal na mga batang paslit.*wicked laugh*
Castrell: Nananabik nako mahal na reyna. Sana ay magtagumpay kayo sa inyong mga balak.*wicked smile*
*******************************
Pagkatapos ng pagpupulong sa Lireo, naging abala na sa mga gawain ang mga Hara at Rama ng bawat kaharian upang mag palakas muli ng kanilang pwersa at hukbo upang sa oras na ng pakikidigma ay handa na silang lumaban at ipagtanggol ang Encantadia. Habang naghahanda ang mga Rama at Hara ng kanilang mga hukbo, naiwan naman sa Lireo ang mga batang sang'gre maging sina Lira, Mira at Paopao. Habang naguusap naman sila Mira at Paopao, humiwalay na muna sa kanila si Lira at pumunta sa silid ng mga sandata. Doon ay pinagmasdan nyang uli ang mga bagay na naiwan ng kanyang ina pati na rin ang sandatang bigay ni Cassiopea na matagal na nyang hindi ginamit at isinuko. Nagpaiwan sya doon sa loob habang pinagmamadasdan ang mga bagay doon.
= SA SILID NG MGA SANDATA =
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA Season 2 - The Winter War
FantasyMatapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa bagong panahon, isang hindi na naman inaasahang pangyayari ang magaganap. Isang bagong kalaban pala ang nakatakdang maghim...