Nagulat si Pirena nang pagalingin ng gintong bulaklak na nahulog ang kanyang sugat na kanina nya lamang nakuha habang nag-eensayo sila. Hindi nya alam kung saan ito nagmula kaya tumayo sya at tumingin sa itaas, hinahanap kung saan nanggaling ang mapaghimalang ginintuang bulaklak. Pag lingon nya sa puno ng kanyang ina, ay nakita nya ang mga gintong bulaklak na kaparehas ng nagpagaling ng kanyang sugat.
Pirena:*shocked* Nakapagpapagaling ng sugat ang iyong mga bulaklak ina? Ngayon ko lamang nalaman na may ganito ka palang kapangyarihan.*nakatingin sa puno ng inang Mine-a*
Paalis na sana si Pirena sa puno ng kanyang ina nang bigla nyang maisip ang mga diwaning hindi pa nagigising at wala pang mga ulirat ilang araw na.
Pirena:*kausap ang sarili* Kung nakapagpapagaling ka ng sugat, posible rin kayang mapagaling mo ang mga diwani at bumalik na ang kanilang mga ulirat, ina?*nag-iisip*
Lumapit pa sya lalo sa puno na kanyang ina upang tingnan ang mga bulaklak nito na mala ginto ang kulay. Gusto nyang makakuha muli ng bulaklak mula rito upang masubukan kung mapapagaling ba nito ang mga diwaning ilang araw nang hindi nagigising simula ng pag atake ni Casilda sa kanila ngunit hindi nya maabot ang mga bulaklak mula sa puno ng kanyang ina. Ilang beses na nya sinubukan ngnit bigo pa rin syang makakuha ng bulaklak. Ayaw nya naman kasing saktan ang puno ng kanyang ina kaya nag-isip sya ng bagay upang makakuha sya nang hindi nya masasaktan ang puno ng ina.
Pirena: Kailangan kong makakuha ng bulaklak para sa mga diwani.*nag-iisip ng paraan* Hhmm, kung nahulog ito dahil sa ihip ng hangin, ibig sabihin kailangan ko muli ng hangin.*naisip si Lira* Maaaring matulungan ako ng aking hadia, pagkat nasa kanya ang brilyante ni Amihan. Maaaring matulungan nya akong makakuha muli ng bulaklak sa aking ina nang sa ganon ay malaman ko kung mapapagaling nya ang mga diwani, ang aking anak. Sana'y hindi pa sila nagsasanay nila Cassiopea.*umalis sa hardin ng Lireo*
Pagkatapos ni Pirenang malaman na may kakayahan pala manggamot ang dating Hara Duri-e Mine-a na naging anyong puno upang hindi na niya masaktan pa ang kanyang mga anak dulot ng mga ginawa sa kanya nila Hagorn at ng mga masasamang Bathala at bathalumang Ether sa paggagamit sa kanya laban sa kanyang mga sariling anak. At para narin makasama nya ang mga ito kahit wala na sya sa tunay nyang anyo, dali-dali na nyang hinanap ang kanyang hadia na si Lira upang tulungan syang makakuha ng gintong bulaklak para subukan sa mga diwaning wala pang ulirat.
= SA SILID NG MGA DIWANI =
Nakapambihis na pang ensayo si Lira na kulay asul nang dumaan sya sa silid ng mga walang malay na diwani dahil gusto nyang makita ang kanyang anak na si Cassandra, upang maging lakas at inspirasyon nya sa pageensayong mabuti bilang mga susunod muling mga tagapangalaga ng mga brilyante. Tahimik syang pumasok sa loob ng silid at pinuntahan ang nakahiga at walang malay na Cassandra. Umupo sya sa gilid ng kama ng anak at hinawakan ang mga kamay nito sabay hagod ng mga buhok ng anak.
Lira:*kisses Cassandra's forehead* Cassy anak, magpapaalam muna ang inay sa'yo ah? Magtetraining ulit kasi kami ni tita Bathalumang Cassiopea para maging future tagapangalaga daw kami. At para na rin makatulong kami kila Ashti at kila itay sa pagtatanggol sa Encantadia kung manggulo na naman ulit yung demonyong elsa na nanakit sa inyo. At para na rin sa susunod na may gustong manakit sa'yo, resbak mo si inay huh? Akong bahala sa'yo at hinding hinding hindi na kita pababayaan, kahit kailan. Love na love ka ni inay Lira, anak.*tears a bit then hugs Cassandra* O sige na Cassy ah, mauuna na muna ako. Baka kasi majombag ako ni tita bathaluman kung wala ako doon sa oras.*wipes her tears the stands up looking at her daughter*
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA Season 2 - The Winter War
FantasyMatapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa bagong panahon, isang hindi na naman inaasahang pangyayari ang magaganap. Isang bagong kalaban pala ang nakatakdang maghim...