Part XIX | Mga Bagong Nilalang

525 26 34
                                    

Apitong: Avisala aking kaibigan, maaari ba namin hingin ang inyong tulong?

Nakatingin pa lamang ang nilalang na kanyang kinausap at tila sinusuri at tila inaalala ang wangis nito.

Nang makita nila Ybrahim at Alena ay kita sa kanilang mukha ang pagkamangha sa kanilang at hindi inaaasahang may ganyang nilalang pala ang nakatira sa kanilang mundo, kaya nagtinginan sila sabay na binalik ang mga mata sa kanilang kaharap na nilal...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makita nila Ybrahim at Alena ay kita sa kanilang mukha ang pagkamangha sa kanilang at hindi inaaasahang may ganyang nilalang pala ang nakatira sa kanilang mundo, kaya nagtinginan sila sabay na binalik ang mga mata sa kanilang kaharap na nilalang ngayon at tinanong si Apitong.

Ybrahim:*looking at the myterious creature* Ama, anong klaseng nilalang ang ating kaharap ngayon? Bakit ngayon ko lamang sya nakita dito sa Encantadia?

Alena: Oo nga Ginoong Apitong, ngayon ko lang rin nasilayan ang ganyang klaseng nilalang dito? Anong uri sila?

Maya-maya ay nagsalita ang kakaibang nilalang na nasa kanilang harapan.


???: Hindi nyo kami nakikita dito sa Encantadia sapagkat bihira ang aking mga kalahi na lumabas ng aming kasalukuyang tirahan simula noon at magpahanggang ngayon at bihirang may mga kagaya nyong mga Sapiryan, Diwata at mandirigma ang makapunta dito. Itong si Apitong lamang ang kakilala naming Encantado mula sa labas ng aming tirahan.

Ybrahim: Bakit nyo kilala ang aking ama, Encantada?

???: Isang mahabang salaysayin yan Rama ng Sapiro. Hindi pa ba nasasabi sa inyo ng iyong ama ang mga nangyari sa kanya noong nilisan nya ang Sapiro at naglakbay sa kung saan-saang lugar?

Ybrahim: Hindi pa. Bakit ama, ano bang nangyari sa iyo nong naglalakbay ka? Paano nyo nakilala at natuklasan ang mga nilalang na kagaya nya?

Apitong: Hindi ito ang tamang panahon upang ikwento ko iyon sa iyo. Ang importante ngayon sina Lira at Cassandra. Maaari mo ba kaming matulungan aking kaibigan?*talking to the myterious creature*

Ybrahim: Ngunit bago natin hingin ang inyong tulong ay nais muna namin malaman ng Hara ng Lireo ang iyong uri at ngalan, maaari ba iyon Encantada?

???: Mabuti pa nga Rama, nang sa gayon ay hindi na misteryo sa inyong lahat ang aming lahi at pinagmulang lupain matagal nang panahon ang nakalilipas. Ako nga pala si Sarayan, isang Hafte(hepe) sa mga nilalang na katulad ko. Nagmula kami sa lupain ng Adamya, na syang isang magandang kaharian na ngayon dahil sa isang Hara na kaharap ko ngayon, sa aking pagkakaalam.*looks at Alena*

Alena:*curious*Sandali, nakatira kayo noon sa Adamya? Ngunit bakit?

Sarayan: Sapagkat lingid sa inyong kaalamang lahat, isa rin kaming uri ng  Adamyan ngunit pinaghalong dugo ng mga pashneang ganto(kabayo), mga moltreng(kalahating dugong) Adamyan na may lahing ganto(kabayo). Ang tawag sa amin ay mga Admigan, mga nilalang na matagal nang nagtatago sa parte ng kagubatang ito at hindi lahat ay alam at kilala ang aming lahi dahil hindi naman kami nagpapakita basta basta.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon