Ybrahim: Siya nga pala mahal kong Hara, ipinapatawag na muli ako sa Sapiro. Mag-ingat kayo ni Lira at Cassandra rito habang wala ako pangako?
Amihan:*touches Ybrahim's face* Wag kang mag-alala sapagkat ligtas naman ang Lireo, ikaw ang dapat mag-ingat sa iyong paglalakbay E Correi.
Ybrahim: Huwag kang mangamba aking Hara, babalik ako agad.*smiles as he kisses Amihan's forehead and the back of her left hand*
Pagkatapos ni Ybrahim na magpaalam kay Amihan ay tumayo na ito mula sa pagkakaluhod at dumaan muli sa harapan ni Lira sabay na hinaplosang mukha ng anak at hinalikan ang noo nito bago magsalita.
Ybrahim: Anak, mag-ingat kayo rito at pagbutihin mo ang muli mong pag-eensayo.*looks at Lira's Avatar sword along with Amihan's* sigurado akong nangulila na iyan sa iyong paghawak sa kanya.*smiles*
Lira: Pati pala espada may feelings--este emosyon?
Ybrahim:*laughs manly*Lira.
Lira:*peace sign* Joke lang po tay pinapatawa ko lang po kayo, eh napansin ko kasing may dimple pala kayo.*laughs*
Ybrahim:*kumunot ng noo dahil hindi naunawaan ang tinukoy ng anak kaya huminga na lamang ng malalim* Basta Lira, ipangako mo lang sa akin na hindi ka magiging sakit ng ulo sa iyong ina, maliwanag ba?
Lira: Opo tay copy po.
Ybrahim:*sincerely looks at Lira* Tandaan nyo lamang lagi anak, na mahal na mahal ko kayo.*hugs Lira*
Ng hinagkan ni Ybrahim si Lira ay may pagtatakang namuo sa mga mata ni Lira, naninibago sa mga kilos ng ama. Ng matapos ang kanilang pagyayakapan ay patawa nalang na idinaan ni Lira ang kanyang pagtataka sa kinikilos ng ama.
Lira: Itay ang higpit naman non, tsaka bakit po ba ganyan nalang po kayo kung magsalita, kala mo naman sobrang layo ng Sapiro para magbilin ka po ng ganyan, Mala earth to mars ba? *laughs* Grabe rin po kayo magpaalam sabi nyo saglit lang po kayo diba?
Ybrahim: Oo nga Lira, ngunit sadyang ganito lamang talaga ako magpalaam. Sige na anak kailangan ko na umalis. *smiles*
Binitiwan na nya ang kanyang pagkakahawak sa mukha ni Lira at sabay na naglakad na papalayo sa hardin kasama si Mashna Maicah at ilang mga Sapiryang kawal na natira doon sa Lireo at tinititigan sila ni Amihan at Lira hanggang sa maglaho ito sa kanilang paningin. Maya-maya ay pinuntahan na ni Lira si Amihan sa kinauuuan nito pero akatago pa sa likod nito ang mga sandatang hawak niya sabay bati sa kanyang ina.
Lira: AVISALA MY BEAUTIFULLEST INAY! *wide smile*
Amihan: Anak, halika rito at tabihan mo si inay. *smiles as she pats a space where she is sitting*
Lira: Nay, may pabor po sana ako. *looks down as she hesitates*
Amihan: Ano iyon, Lira? *sweetly smiles*
Lira: Sabi po kasi ni Bessy na makakatulong daw sa akin ang matutong makipaglaban gamit ang mga sandata para po sana sa paglalakbay ko papuntang Batis. Eh nakakahiya naman pong iasa ko lang po yung kaligtasan ko kina mam LilaSari at kay Khalil po diba? Gusto ko rin pong ipagtanggol yung sarili ko at syempre sila rin, eh temporary lang naman hangga't wala pa po akong naaalala. At para na rin na masigurado ko at pag nagkataon, mangungudngod ko yung gandara fes ni Casilda na mukhang abnormal na polar bear sa luma ng fashion style!
Amihan: *scolding voice* Lira.
Lira: Bakit nay, trulaley naman yung information ko tanong nyo pa sa NBI.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA Season 2 - The Winter War
FantasyMatapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa bagong panahon, isang hindi na naman inaasahang pangyayari ang magaganap. Isang bagong kalaban pala ang nakatakdang maghim...