Amihan:*lumapit sila ni Khalil kay Emre* Mahal na Emre, handa na kami ni Khalil upang muli nang mabilang sa mga nabubuhay.
Agad na lumingon sa kanila si Emre at tumango tango.
Emre: Kung gayon, Amihan, Khalil, ay ihanda nyo muli ang inyong mga sarili sa muling paglalakbay patungo sa mundo ng mga nabubuhay.*nilagay ni Emre ang kanyang mga kamay sa ulo nina Amihan at Khail* Nawa'y mapagtagumpayan ninyo ang mga pagsubok na aking ibinigay sa inyo.
Pagkasabi noon ni Emre sa kanilang dalawa ay umilaw na ang mga kamay nito sa mga ulo ng dalawang Ivtre na isusuko nya muli sa mga nabubuhay. Nakayuko lamang sila Khalil at Amihan at hinihintay sa kung anong mangyayari sa kanila. Maya-maya ay umilaw ang kanilang mga palad kaya sabay nila itong tiningnan dalawa. Nakita nilang unti-unti na namang nagkakalinya ang mga ito, na dati'y nawala noong sila'y mamatay at maging Ivtre sa Devas. Pagtapos noon ay medyo inangat ni Emre ang kanyang kamay sa kanilang mga ulo at nagsi liwanag ang kanilang buong parte ng katawan kaya sila'y naghawak-kamay at napapikit sa mga ilaw na nasa kanilang mga katawan na tuluyan na silang sinakop dalawa hanggang sa naglaho nalang sila sa harapan ni Emre na parang mga bula. At ngayon, wala nang bakas ng mga ivtre nina Amihan at Khalil sa buong sulok ng Devas. Natapos nang buhayin ni Emre ang dalawang minamahal nyang ivtre sa Devas at malamang sa malamang ngayon ay nasa mundo na sila ng mga tao. Bumalik na muli ni Emre ang tingin nya sa kanyang mahiwagang salamin at pinagmasdan na muli ang kanyang mga lalang sa Encantadia.
= SA HILAGANG PASILYO NG LIREO =
Masaya na namang naghahabulan ang mga diwani at diwan sa pasilyo ng Lireo matapos ang pangngulila nila sa isa't isa mula noong pag-atake ng masamang kakabal ni Cassiopea na si Casilda. Habang sila Lira, Mira at Paopao ay masaya na muli silang pinagmamasdan. Maya-maya, nakaramdam ng pamilyar na ihip ng hangin si Lira na pumalibot sa kanya. Isang pamilyar na pakiramdam ang ipinadama nito sa kanya na naramdaman nya lang kapag niyayakap sya ng kanyang minamahal na inang Amihan. Napapikit si Lira at nilasap ang hanging pumapalibot sa kanya at hinagkan ang kanyang sarili dahil dito. Hindi na rin nya namalayan ang pag tulo ng kanyang mga luha sa mga nararamdaman nya, kaya napansin naman nila Mira at Paopao ang kanyang tahimik na paghikbo sa gilid kaya naman nilapitan naman nila ito upang masigurao na nasa maaayos malamang si Lira.
Mira:*touches Lira's back*Bes, okay ka lang?
Paopao: Ate Lira, bakit po kayo umiiyak?
Narinig naman ni Lira ang mga tinig at pakikiramay ng kanyang pnsan at kaibigan kaya iminulat nya nang muli ang kanyang mga mata at tiningnan ang dalawa na may ga luhang pumapatak sa kanyang mga pisngi. Kaya naman agad nya itong pinunasan at kinausap na ang dalawa.
Lira:*niyayakap ang sarili*Ewan ko ba bessy. Bigla nalang akong naiyak nung pumalibot sa akin ang ang hangin at naramdaman ko ang feeling ng haplos at yakap ni inay.
Mira: Hangin bessy? Eh wala naman kaming naramdaman na hangin ni Paopao eh, tsaka kanina pang walang hangin dito.
Paopao: Oo nga po ate Lira, wala naman po kaming naramdamang hangin.
Lira:*tumingin sa bintana* Eh pero, ano yung naramdaman kong haplos ni inay sa akin? Yung parang hangin na dinala nya sa akin dati, ganon yung naramdaman ko.
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA Season 2 - The Winter War
FantasyMatapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa bagong panahon, isang hindi na naman inaasahang pangyayari ang magaganap. Isang bagong kalaban pala ang nakatakdang maghim...