Part XX | Pagtatanggol Sa Mga Kaharian

553 24 86
                                    

Isasarado na sana ni Enuo ang pinto sa kwarto nila nang makita ni Enuo ang bagay na hawak hawak ni Lira, kasabay ng paniningkit ng kanyang mata.



Enuo: Lira, ano yang nasa kamay mo?



Hindi na nakita ni Enuo ang susi ng lagusan dahil naitago na nya ito sa ilalim ng kanyang kama bago ito makapasok. Nang inangat ni Lira ang kanyang kamay at nakita ni Enuo ang hawak hawak nito. Isang silver plated na kwintas na kumikinang pa ang bulaklak nito dahil sa mga glitters at sa maliliit na dyamante doon.



Lira:*lifts up the necklace* Ito po ba Mr. Enuo? Ah wala po ito, gift lang po ni Kyle sakin.*smiles*

Amihan:*looked at her daughter* Ikaw Lira huh, hindi ka man lang nagsasabi sa akin na nagkakamabutihan na pala kayo ng taong iyon.*teases Lira* Mahal mo na ba sya?

Lira:*shocked* Grabe naman tong inay ko, advance mag-isip. Hindi po ba pwedeng galante lang yung tao, trip lang magbigay? Inay, love agad? Eh ilang linggo ko palang po siyang kilala di po ba? Di rin kami talo non noh kasi parang nanay nya na ako kung itutulad mo sa age ko. Tsaka isa papo para sa akin, ang mamahalin ko lang po yung Encantadong mahal ko at mahal ako at tanggap ako kung gaano pa ako kasabog. Inay, alam kong hindi mo po maalala ang nakaraan ninyo at medyo engot ako na tatanungin ko po to sayo. Pero feeling nyo po ba nagkainlovan kayo ng itay ko kung sino man sya? Feeling nyo po ba mahal nyo ang isa't-isa?*kinikilig*

Enuo: Para sa akin mahal na sang'gre Lira, maaaring hindi. Sapagkat ikaw ang bunga ng pagkakasundo lamang ng bathalang Emre sa iyong ina. At malay natin kung hindi na sila nagkita pa pagkatapos kang mabuo sa kanilang mga panaginip.



Nag-isip si Amihan sa tanong sa kanya ng kanyang anak, at sa pag-iisip na iyon ay hindi nya malaman ang dahilan kung bakit sya napangiti. Tapos masayang tiningnan ang anak at hinagod hagod ang buhok nito. Napansin naman ni Lira ang ngiti ng kanyang ina.



Lira:*teasing her mother* YYIIIEEE!! Si inay, kinikilig. Naalala mo na po ba si itay ko kaya ganyan na lang po kayo kung makangiti?

Amihan: Hindi ko maalala ang kanyang wangis ngunit hindi ko alam kung bakit ako napangiti ng ganito nung sinambit mo ang iyong ama, Lira. Maaaring tama ka at ang iyong hinala, na maaaring nagkakilala kami at nagmahalan. Ngunit ang alam ko'y ipinagbabawal iyon dahil isa akong reyna, hindi ba?

Lira:*kinikilig* Alam mo inay, may kasabihan ang mga tao. "Lahat ng bawal, masarap", gets mo po ba ako?*umiling si Amihan* Ganito po kasi yun, yung pag-iibigan nyo siguro ni itay napakatamis at nakakakilig. Yun nga lang hindi pwede, hindi kayo pwedeng maging official kemerut, tapos di pa kayo pwedeng ipakasal.

Amihan: Maaaring napakalungkot ng aking nakaraan sa kanya, kung minahal ko man ang iyong ama.

Lira: Pero hindi na man na po kayo reyna doon diba? Kasi ang sabi sa inyo ng mga birdmen eh namatay daw kayo. Tapos ang kapatid nyo na ang Queen doon.*kinilig* Kaya kapag nakarating na tayo sa Encantadia, hindi na mahahadlangan pa ang pagmamahalan ninyo!*tumili* AAYYYY!! Pwede na kayo mag wedding, magpalitan ng mga pangako nyo sa buhay-AY tapos ako magiging wedding planner nyo tapos kahit ako na rin ang bridesmaid at flower girl, tapos ako rin ang pipili ng lugar kung saan kayo ikakasal, GANERN!

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon